As much as possible, ayokong magpost ng too personal na posts sa blog na itech. Dapat relevant sa buhay buhay bilang isang bakla. Kaso since ako'y isang bakla, perhaps ang post ko na ito ay magiging relevant naman kasi ako nga naman ay isang bading. Echos!
Yesterday, 3:30 am ako nagising para mag-encode ng proyekto ng aking mahal na kapatid. Ano pa nga bang magagawa ko eh sobrang hindi ko siya mahindian. Ginagawa ko lang naman ang tungkulin ko bilang nakakatandang kapatid. Yun lang, napaka-aga ko nagising at derecho pasok kaya haggard. Habang nagbro-browse ng emails, may nabasa akong announcement na may meeting ang Task Force Pride ng 6:00pm sa Cafe Molinari sa Quezon City, malapit sa Quezon City Hall. Ang Task Force Pride nga pala is a network of LGBT individuals and organizations na nagtutulong-tulong sa pagcecelebrate ng Pride Month.
Instead na sumama ako sa dinner sa korean restaurant at magpakabundat, naisip ko na lang na magpunta sa meeting na ito sapagka't ito ang annual commitment ko. Hay. Nakatulog pa nga ako sa FX dahil sa sobrang pagod, Ito na ang pangatlong taon na ako'y sasali sa naturang parada. Winner. Kagaya last year, naramdaman ko ang saya sa paglalakad para sa equal rights ng mga bakla.
Nakarating ako sa venue ng quarter to 7. Ang saya ko kasi kasama ako sa mga nakadalo upang pagplanuhan ang Pride March 2008. Kasama sa mga natalakay ang possible dates at venue. Target dates namin ay sa December 5, 6, at 7 at ang mga napipisil na venue ay sa Makati, Manila, or sa Quezon City. Ang magiging partisipasyon ng organisasyon ko ay ang Sports Festival sa November na dadaluhan ng iba't ibang LGBT organisasyon sa Pilipinas. Bongga! Grabeh excited na ako. If mababasa to nila Wilberchie and yung ibang bloggers na diwatang kagaya ko, you are all invited!
On the other side, noong kaming tatlo na lamang nina Del at Calvz, madami kaming natalakay about LGBT issues. Todo sa brainstorming. Kasi in the near future, kaming tatlo ay magiging full time na makikibaka tungkol sa karapatan ng mga bakla. As of now, in our own simple ways, gusto muna naming makatulong sa LGBT community. Parang ako, dinadaan ko sa pagba-Blog ang aking advocacy.
Isa sa mga quotable quotes naming noong gabing iyon ay ito:
“Ang instinct ng isang straight na lalaki ay makahanap ng isang babae at magkagusto dito. Kaso tayo hindi eh. Kapwa lalaki talaga ang hinahanap natin. And that makes us different.”

2 comments:
Yffar, I believe you have met ROSA and NIKKI of UP BABAYLAN. =)
@mrs.j
hehehehehe. ok lang yun...
@erin
not yet... but next tym na makasama ko ang UP babaylan I will look for them :D hehehe
Post a Comment