Habang dinarama ko ang kanyang mga labi, ako’y dumilat. Ang naaaninag ng aking mga mata ay si Miguel. Totoo ba itong nakikita ko? Oh pinaglalaruan lamang ako ng aking mga mata. Kaya napapikit akong muli. Subali’t nang buksan ko ang aking mga mata ay namulat ako sa katotohanan na hindi pala si Miguel ang aking hinahagkan. Si Dave. Nadala siguro ako ng pangungulila kay Miguel. Bumitaw ako sa pagkakayakap. Lumayo sa kanya at nagpaumanhin.
“I’m very sorry Dave..,” Inayos ko ang aking mga gamit, nagbihis, at akmang uuwi na. Palabas na ako ng pinto subali’t pinigilan ako ni Dave. “You don’t have to go. Please stay.”
“Pero Dave, mali ito. Maling-mali!” at hinawakan ko ang doorknob upang makalabas na sa silid nila Dave. Kailangan ko siyang iwasan sa gabing ito. Baka higit pa sa isang halik ang maganap. Ayokong mangyari ‘yon. Si Miguel pa rin ang mahal ko. Siya ang hinahanap-hanap ng puso ko at isinisigaw ng aking kaluluwa.
“Swear, it won’t happen again, just stay. I can’t let you go home in a night like this. Hindi mo alam kung gaano ako mag-aalala para sa’yo”. Kinuha niya ang aking mga gamit. Inilapag sa tabi ng kama. At inaya niya akong kumain. Dahil sa mga nangyari ay hindi ako masyadong umiimik. Walang kahit anong salita ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko magawang kausapin si Dave. Nahihiya ako. At halatang ganoon rin siya. Binasag ko ang katahimikan.
“May e-mail ka ba ni Miguel? Or kahit anong magagamit ko pala makipagcommunicate kay Miguel…”, tanong ko kay Dave.
Tumingin siya sa itaas, bumaling sa akin at nagsabing, “Yung old e-mail niya. Wala rin naman siyang binigay na ibang contact number. Try his YM.” At hindi na ako nagtanong pa. Paano ko makakausap si Miguel? Paano niya maipapangako sa akin na babalikan niya ako pagkabalik niya. Lahat ng sinabi ni Dave ay nasubukan ko nang gawin makausap lamang si Miguel subali't lahat ng pagpupumilit ko ay pagtatangka lamang at wala akong narinig na kahit ano pa man na galing kay Miguel.
Matapos kumain ay nagpasya kaming matulog na lamang. Nagbabalik pa rin sa aking gunita ang naganap kani-kanina lamang sa amin ni Dave. Baka makarating ito kay Miguel. Sana ay hindi ito ipagkalat ni Dave gaya ng pagtatago niya sa tunay na pagkatao ni Miguel. Ayokong makarating ito kay Miguel, baka magbago ang pagtingin niya sa akin. Hindi ko naman ito sinasadya at nadala lamang ako ng labis na paghahanap ko sa presensya ni Miguel. Nasa magkabilang panig kami ng kama at distansya ang pagitan. Ayokong mapalapit sa kanya.
“Good night, Macky.”
“Good night rin Dave”.
Bukang liwayway. Natapos na rin ang unos. Akala ko'y pinaghanda ako ni Dave ng makakain subali't nagkamali ako. Sinanay ako ni Miguel. Wala na nga pala si Miguel, nasa Australia na, at si Dave ang kasama ko, hindi siya.
"Oh, gising ka na pala", pagbati sa akin ni Dave. "Magbihis ka na at sabay tayong kumain sa convenient store sa kanto, hindi ako nakapagluto eh, sorry po".
Habang naglalakad papunta sa convenient store ay pinagmamasdan ko si Dave. Pasulyap-sulyap. Namamangha sa kanya. Sapagka't hindi niya hinayaang maulit kagabi ang nangyari sa amin. Maginoo naman pala siya kahit papaano at hindi lamang dakilang mahangin at pisolopo. Salamat na lamang at wala akong pasok ngayon at wala akong klaseng po-problemahin. Maari akong umuwi kahit anong oras ko gusto. Buong umaga ay magkasama kami ni Dave. Kinilala ko siya ng mabuti. Ayokong isang estranghero ang turing ko sa kanya at ganoon rin siya sa akin. Walang minutong hindi ako tumawa sa mga kuwento niya. Minsan may halong kapilyuhan, kakornihan, at higit sa lahat, ang pabirong kayabangan. Nakakatuwa naman siya. Kahit papaano'y nababawasan ang pangungulila ko kay Miguel dahil kasama ko siya.
"Oh siya, punta na tayo sa computer shop, i-save natin sa USB yung mga pics nyo ni Miguel, then try nating ipa-reprint na, para di ka na umiyak, masyado kang iyakin, hindi ka na bata", anyaya sa akin ni Dave na may halong pagpapatawa. Nang matapos kaming magpareprint ay hinatid na niya ako sa aming bahay. Siya pa lamang ang pangalawang lalaking sinama ko sa bahay at alam ang kinaroroonan nito. At katulad ng pagpapakilala ko kay Miguel, isa lamang siyang kaibigan. Dahil hindi alam ng mga magulang ko na ako'y isang bakla.
Lumipas ang ilang buwan. Kung kami pa sana ni Miguel ay isang taon na kami. Wala pa ring komunikasyong nagaganap sa pagitan namin ni Miguel. Dumating ang araw ng aming anniversary subali't wala pa ring Miguel ang nagparamdam. Kahit friendster account niya ay hindi na niya binubuksan. Si Dave rin ay wala raw kahit anong paraan upang makausap si Miguel. Kaya hanggang ngayon ay isinasaisip ko na lamang na sobrang dami ng kanyang ginagawa sa Australia kaya ganoon. Nahihirapan ako. Naubos na ang mga luha ko kakaiyak sa tuwing gabi bago ako matulog.Unti-unti, nasanay akong mamuhay na hindi umaasang magbabalik pa si Miguel. Si Dave na laging nariyan para sa akin ang siyang kasa-kasama ko sa bawat araw ng aking pangungulila. Siya ang nagpapasaya sa akin. Hanggang sa dumating ang punto na kinalimutan ko na si Miguel at naniwalang isang araw, kung kami talaga ang itinadhana, magiging kami uli't. Lahat ng agam-agam ko ay aking iwinaksi sa aking puso't isipan. Kailangan kong mamuhay ng wala si Miguel. Kahit na labis ang pagmamahal ko sa kanya. Mabilis lumipas ang panahon. Tinggap ko na nga ang katotohanang wala na kami. Hindi na nga ako gaanong minumulto ng ala-ala ni Miguel. At binuksan ko ang aking puso upang magmahal muli...
Habang kumakain ng meryenda sa isang kainan malapit sa eskwelahan... "Macky, I want to tell you something." nanahimik ako at nakinig sa kanya," I've fallen in love with you. Alam kong mahal mo pa rin si Miguel, and I'm not expecting you to love me back. At least nasabi ko sa'yo na mahal kita. Kaya kong maghintay kahit gaano katagal. I'm not in a hurry Macky, I will wait until you say, Yes".
At ito na nga ang simula ng panliligaw sa akin ni Dave. Ayokong maniwala sa simula subali't pilit niya itong ipinaparamdam sa akin. Hindi kagaya ni Miguel na mabilis akong napa-oo dahil sa kanyang pangunguli't. Ang gusto ko, higit ko pang makilala ang taong susunod na mamahalin ko. Ayokong masaktan. Araw-araw ay sinusundo ako ni Dave sa paaralan. Siya rin ang gumagawa ng iba kong proyekto na nangangailangan ng sining dahil likas na malikhain si Dave. Ilang rosas na rin ang ibinigay sa akin, at pinapadala sa opisina ng aming student organization. Hindi niya ito pinapangalanan na nanggaling sa kanya upang hindi ako mabuko sa eskelahan kung ano talaga ako. Walang kahit anong nangyari sa amin ni Dave. Nirerespeto niya ang aking desisyon na huwag muna hangga't hindi pa nagiging kami at hindi na nga nasundan ang paghalik niya sa akin noong unang napadalaw ako sa ika-dalawampu't tatlong palapag.Dahil sa isang proyektong kailangang tapusin ay nagpasama ako kay Dave sa bahay upang magpatulong sa isang paper mosaic na kailangang ipasa sa aking subject na "Art Appreciation". Dinalhan niya ako ng maraming pahayagan na maari naming gamitin sa paggawa ng nasabing proyekto. "Kapag natapos ang project mo, I'm sure na you'll get a 1 as your grade", pagyayabang ni Dave. Dito naman talaga siya magaling, sa ART. Sa aking pag-aayos ay binasa ko muna ang mga dyaryong bitbit ni Dave at ang ibang hiningi ko sa aking kapit-bahay. Lubhang may kalumaan na nga ang mga ito at maaring gamitin sa aking proyekto, mga magkakalahating taon na siguro. Sa totoo lang, hindi ako palabasa ng payagan sapagka't mahilig lamang ako na makinig ng musika at manood ng mga music videos. Binuklat ko isa-isa ang mga pahina. Hanggang sa napunta ako sa isang bahagi ng pahayagan.
Nabitawan ko ang dyaryong binabasa...
Nanginig ang buo kong katawan. Naitapon ko ang lahat ng bagay na nasa lamesa na gagamitin sana namin at nagkalat lahat sa sahig.
"Bakit Macky?!", nag-aalalang tanong ni Dave.Hindi ko na naman napigilan ang aking sarili at napaiyak... Pinulot muli ang dyaryo sa sahig at kinumpirma ang aking nabasa...
Pabulong kong inuusal...
"hindi... Hindi ito totoo...",
pumatak ang luha sa aking mga mata....
(Itutuloy)
8 comments:
oh my god! editor na ng dyaryo si miguel? chos!!! can't wait for the last part. hehe
..pero nabitin ako sa newspaper!!!! haha...
kung old newspaper na yung mga nkuha mo, meaning may secret si miguel dati pa na nandun sa newspaper!
looking forward sa next part! =)
thanks for constantly dropping by.. been busy lately.. but.. pamatay ang story mo.. waaaa.. bitin nanamn.. ano.. nabalitaan ba nyang nagasawa si miguel or naaksidente? hmmm...
hirit pa ko...
i bet Dave knows everything too, bout Miguel... bet lang naman, di pa sure! hehehe
but if so... wasak ang puso ni lastimak! hehehe
toinks!
my guess,
si miguel yung nadisgrasya na nakasakay ng motor. yung ayaw mong marining na balita habang umiinom ka. hehehe. hula lang po.
ngayun lang ako nag comment. talagang binasa ko ang buong story.
ang galing. hehehehe.
hmmm...
baka patay na c miguel? eh you ganun na katagal yon.. at ayaw lang masaktan c macky?
o baka ikinasal na...
anubeh!
nakakainis ka nmn..
sna nilagyan mo ng sex scene c macky and dave.. echoz
ayan ha. hindi na ikaw yan. nyahaha..
bonggang-bongga ka talaga!
siguro... ay nasagasaan siya ng ipis? nako. hindi siguro.
@ ♂
wow, pinagtyagaan talaga yung series ko.. ahihihih
@hannah
kaw pa,... lagi kita sinasbihan kung anong part na.. hehehhe
Post a Comment