August 2, 2008

Lihim na Pagtingin: Goodbye My Assassin...

It pays a lot if you’re a gay trying to hide your true identity. You can’t tell anyone how you feel because it’s just between you and yourself who keeps your biggest secret. What’s worst? Hindi mo maamin na mahal mo ang lalaking sobrang iniibig mo. Ang bigat sa loob di ba? Well, naramdaman ko na rin yan and I have a story to tell:

Andrew was my block mate since first year to second year in De La Salle University-Manila sa College of Education. Chinto. Maputi. At first, hindi ko siya masyado napapansin kasi sobrang simple nyang tao. We became closer because we were both officers in our College’s Professional Organization and lagi kaming groupmates sa mga subjects namin. I enjoyed working with him because of his childish acts. Parehas kaming mahilig sa anime’ and naglalaro ng Ragnarok at DOTA.

Unti-unti, may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya. Lagi ko na siyang gustong makita. Umabot pa sa point na may isang trimester na wala kaming subject na magkapareho, pero sa sobrang eager ko na maging magkakaklase kami, I had to change my scheduled courses and replaced it with a course where we can be classmates. Hanggang sa panaginip, he’s there. I always see myself lying in bed with him. Pagkagising ko, I’m quite confused but a part of me is wishing na sana totoo yun.

Sa mga occasions sa school na kami yung mag-aassist, sabay kaming magbihis ng corporate sa male’s rest room. Kaso ‘di ko magawang tingnan siya, kaya napapatalikod ako. Though natetempt ako, I’m still trying not to look at his nakedness. May mga time na magkatabi kaming matulog pero hindi ko naiisip na hawakan siya at may mangyari sa amin, ayokong mawala ang pagkakaibigan namin kahit na deep na ang nararamdaman ko sa kanya.

Nagseselos ako kapag may lumalapit sa kanya at nilalandi siya ng mga OUT na bakla. Parang gusto kong makasaksak ng lapis. Bawal yun, baka mapadala ako sa Discipline Office. Hindi rin naman maiiwasan na magsabi siya sa akin na may gusto siyang babae. Anong magagawa ko, straight siya. Nagkaroon pa nga ng fair and may picture ng babaeng crush nya. Nakikipag-unahan ako mabili lang yung picture na yun at maibigay lang kay Andrew.
Nagkaroon ng issue about my sexuality kasi lagi ko siyang kasakasama. I had to deny it and the officers of the organization held a meeting just to clarify things. Ang lumalabas kasi, some officers are using Andrew para lang madetermine kung ano ba talaga ako. Kaya I decided not to go near Andrew any more. Mahirap, pero ginawa ko para di lang mapag-usapan ulit ang pagkatao ko and nagfocus ako sa work as an officer of the said organization.
Lunch break, magkakasama kaming kumain sa Agno. Andrew was there. Hindi ko siya kinakausap. Kaso bigla niya akong niyakap. Hala! Tumigil ang mundo ko. Natulala na lang ako sa sobrang gulat. He was trying to say sorry, pero hindi niya naman sinabi kung totoo yung mga rumors na kumakalat. Hindi ko na lang pinansin yun, napag-isip ko na mas magiging masaya ako kung makakasama ko pa rin siya. And as a sign na ok na kami, binigyan ko pa siya ng poster ng Assassin, favorite niya sa Ragnarok, ako naman Priest.

Dumating yung time na dumadalas ang pag-absent ni Andrew sa school. Tinatawagan ko pa siya para pumasok. May mga projects pa siya na hindi napapasa. I offered him na ako na lang gagawa ng mga unfinished projects niya kaso hindi niya ako pinayagan. His parents decided to transfer him to another school. Hindi ko matanggap. Nagtago ako sa fire exit ng Yuchenco Building para lang umiyak. Ako lang mag-isa. Dahil wala namang nakakaalam ng aking nararamdaman. Pagkalabas ko, Andrew was there. Tinanong kung bakit namumula ang mga mata ko, wala na akong sinabi at naglakad palayo sa kanya. Ilang araw rin akong umiiyak kasi hindi ko na siya makakasama. Wala akong matakbuhan kasi hindi ko pa sinasabi sa kahit na sino ang totoo kong pagkatao. Sinong makikinig sakin?

Nagshift na nga siya ng course and nagpatuloy ng study sa ibang university. Minsan nagtetext kami. Hanggang sa huling pagkakataon na magkasama kami, hindi ko naamin sa kanya na minsan sa buhay ko, minahal ko siya ng lubos. Ang tanging alaala na naiwan sakin eh ang post card ng sugatang Assassin na nakatalikod at isang Priestess na umiiyak, sumisimbolo sa aming dalawa (nacocornihan ako pero totoo). And dahil sa mga nangyari, minabuti ko na lang na hindi magkagusto sa straight, siya na ang una't huling straight na lalaking mamahalin ko.

6 comments:

sad that he had to go away. sadder that you were not able to say it. saddest that no one will ever know what could have happened. :)

we should'nt be ashamed or afraid to tell someone that in a way, they are special because it's so sad when we want to tell them that and they're no longer around to know it.

the story actually happened 3 years ago...

during my college days...

kaya hindi ko talaga masabi kasi isa akong pamintang tunay noong mga panahong iyon..

:(

hehehehe

One of my saddest story...

nasannnn na yung komento ko... nag koment ako dito nawawala. bakit ganun. buti ni copy ko muna sa word. bukas paste ko, nsa PC sa office eh

Yffar,
i have been there sa situation mo, i mean six years ko tinago ang pagmamahal ko sa isang str8 and i never fell in love with anybody else, siya lang. mahirap talaga and i feel for you. I do hope maka move on tayo (char, hehe) pero i think you ought to tell him what you feel for him, tutal past na yun, at least you have been true to yourself and sa kanya rin, in my case, sinabi ko sa kanya sa txt lang siguro three months ago, and it was ok for him naman, and he still wants to see me, to talk about maybe our future - being friends or maybe more...

madrama ka rin in fairness, basa pa ako ng posts mo baka may matutunan ako like this one. be strong kasi yun dapat ang karakteristiks natin... siguro darating talaga ang panahon ng sakit, pero kaya nga GAY tayo kasi dapat masayahin tayo diba?

so ayun, take care and GoD bless at Stay in love

:)

Mink

@wilberchie

hahaha.

bakla ka wala kang gloria :D hehehe

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...