August 6, 2008

Larawan (part 1)


Alas tres ng hapon. Sa Mcdonalds SM Manila. Nakaupo ako sa isang mesa at pinagmamasdan ang mga larawan namin ng aking kasalukuyang boyfriend. Habang nakatitig sa mga naturang letrato ay napakaraming ala-alang nagbabalik sa aking isipan...

Six months ago, nakareceive ako ng isang text na galing sa isang hindi ko kilala.

"Hi. I'm Miguel. Nursing student from Laguna. I saw your pictures sa friendster and your number was included there. Can we be friends? Asl pls..."

Nagreply naman ako.

"Sure. I'm 18/m/manila."

Isa raw siyang half-Australian at half-Filipino. Matangkad at artistahin. Pinakilala ko rin ang sarili ko. As much as possible, yung totoong ako. Ayokong magpretend kahit sa text lang. Para pag ayaw niya sa akin, at least alam ko kung saan ako lulugar. At mahabang pagpapalitan ng text messages ang naganap sa buong maghapon ng bigla siyang magtanong ng...

"Single ka ba?"

Nagtext back ako na...

"Single po.. Why??

Sa likod ng aking isip ay medyo naguguluhan ako kung tama ba ang ni-reply ko sa kanya. Kasi naman, kakabreak lang namin ng boyfriend ko kagabi at may gustong sumalo na naman sa akin. Pero I have to move on. Kailangan ko ng kalimutan ang masakit na nangyari sa amin ng ex ko.
Habang nakatulala sa soccer field ay nagvibrate ang aking cellphone na naka silent mode. Nabasa ko ang mensaheng ito.

"I find you interesting kasi... Your personality. Smart ka rin. Cute ka sa mga pics mo. Can we meet?"

Hello... Meet? Taga Laguna siya at taga Manila ako. Ang hirap naman nun. Besides, madami akong homeworks to do. Mahirap na noh. Naku, nagvibrate ulit ang cellphone ko. Siya na naman at nagpahabol ng...

"Don't worry, ako na ang magbibigay ng pamasahe mo. Yung papunta lang sagutin mo. When you come here, I'll pay you your fare na papunta't pabalik"

Aba. At naengganyo pang manlibre ng pamasahe. Nagreply nga ako ng:

" Pag-iisipan ko. Madami akong home work sa Anatomy class ko"
Ang kulit talaga at nagreply din ng:

"Nursing student ako remember? Marami akong books dito, sinong author ba ang kailangan mo? Help na lang kita"

Hindi rin siya makulit. Ubod lang ng kakulitan. Sabagay, makakatulong rin siya sa homework ko. Lagi rin naman itong ginagawa ng mga ex ko. Kung magkakataon, siya na ang pang apat na boyfriend kong nursing student.

Sabado na nga ng umaga at nagpunta ako sa bus station. Halos isang oras din ang biyahe. Nakiayon ang panahon. Maaliwalas. Hindi ko napigilang makatulog at pagkagising kon ay nasa Sta. Rosa na nga ako. Sumakay pa ako ng jeep papuntang Tagaytay at bumaba sa school nila. Halos labing limang minuto akong naghintay. Naiisip ko ang mukha ni Miguel dahil nakita ko na siya sa friendster bago pa man ako pumunta dito. Grabeh, kinakabahan ako ng bigla na lamang may lalaking nakamotorsiklo at nagtanong sa akin ng...

"Macky? Ikaw ba yan?"

Natulala ako sa simula. Hindi nakapagsalita. Oo nga, gwapo nga siya. Napahikbi na lang ako. Hay... dumating din
siya at pinasakay niya ako sa motor niya. Sa totoo lang hindi ako sanay na sumakay sa motor. Kaya napayakap ako sa kanya habang umaandar at tumatakbo ito ng mabilis. Feeling ako isa akong prinsesang nakasakay sa kabayo habang kasama ang aking prinsipe...

Niyaya niya akong kumain sa isang restaurant na kamag-anak niya ang may-ari. Napansin niya na matakaw ako kaya nag-order pa siya ng maraming pagkain. Kinilala ko ang mga sinabing tiyahin niya at nalaman kong kapampangan sila. Nakakatuwa naman at naging ka-close ko na sila kaagad.

"Taga nokarin ka tung?" (taga saan ka iho?)

"Menila pu dar. Manyaman kong magluto neh pu." (manila po tiya. masarap kayong magluto ano po.)

Matapos kumain ay inaya ako ni Miguel na sumama sa kanila sa bahay nila. Maglalabas sana ako ng pera pambayad sa mga kinain ko subali't hindi ito pinayagan ni Miguel at siya ang nagbayad.

"Tara, ako lang mag-isa ngayon sa bahay... Pahinga ka muna, medyo napagod ka ata sa biyahe"

Heto na nga ba ang sinasabi ko. Nag-iinvite na siya na umuwi. Madaming mapaglarong bagay ang lumalabas sa aking utak. Baka naman manyak tong lalaking toh at ayain akong makipagsex sa kanya ng sapilitan. Serial killer ba siya na pumapatay ng bakla? Nakakatakot. Hay...
Sakay ng motorsiklo ay nagpunta kami sa isang upahang bahay na tinitirhan ni Miguel. Dahan dahan akong naglalakad dahil sa kaba.

Nasa harap na nga kami ng unit ni Miguel. Bubuksan na niya ang pinto...

"Sir Macky?"

Lumapit sa akin ang crew ng McDo. Inabot ang coke float at french fries na inorder ko at kinuha ang number na nakalagay sa table ko.

Nakangiti ako sa crew at nagsabi ng, "Thanks!"

Antagal ah. Sabagay. Katulad ng una naming pagkikita ni Miguel, naghintay din ako ng ganito katagal.


(itutuloy...)

5 comments:

bitin aketch! ituloy mo na baklerj! nakahanda ang tisyu at popcorn ko noh!

sakit sa pusooon. nakakabitin!

akala ko may crew ng mcdo sa balur ni boylet. hehe

hehehe..

ipopost ko na lang yung next parts..

gumagawa pa ako ng projects ng kapatid ko.. hehehehe

more kwento! I bet feel mo talaga ang pagsakay sa motorsiklo.. hehe

@kuya jerico
bet na bet.. hahahaa

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...