"The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams."
- Eleanor Roosevelt
from the Non-Straight Guy
Hinawakan ko ng mahigpit ang pahayagan. Halos mapunit ito sa sobrang pagkakakapit ng aking mga daliri sa mga pahina. Dahan-dahang lumuluha. Binuklat at binasa kong muli ang nilalaman...
Alam ko ang pangalang ito. Hindi ako maaring magkamali. Ito nga si Miguel. Eduard Miguel De Jesus ang kanyang tunay na pangalan, dahil hindi inilagay ng kanyang ina ang apelido ng kanyang Australyanong ama sa kanyang birth certificate. May kasama ring larawan ni Miguel ang nakalagay sa nasabing pahina ng pahayagan. Lalong tumindi ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang labis na paghikbi. Ang taong unang nagpatibok ng tunay na pagmamahal sa aking puso, wala na. At hindi ko na pala siya makakasamang muli gaya ng ipinangako niya sa akin. Bumaling ako kay Dave.
"Dave! Magtapat ka! Alam kong alam mo ang totoo! Patay na si Miguel!? Pinagmukha mo akong tanga Dave! Alam mong patay na si Miguel pero itinago mo sa akin ang bagay na 'to! How could you?! How could you!", pagalit kong bigkas kay Dave at sa labis na pagdadalamhati ay naihagis ko sa kanya ang dyaryong hawak ko. Hindi siya umiwas. Tumama sa kanyang mukha ang luku't lukot na payagan subali't siya'y nanatili sa kanyang kinatatayuan. Nakatungo. Walang imik. Napansin kong lumuluha rin siya. Niyakap niya ako habang umiiyak.
"I'm very sorry Macky. I didn't mean to", hindi ko magawang tingnan si Dave, nakatingala lamang ako sa dingding. Pinagmamasdan ang paggalaw ng kamay ng orasan at pinakikinggan ang pagtibok ng aking puso habang nagsasalita si Dave. " Yes, I know everything. Until his last breath, i kept a promise for him. And that is to keep you away from knowing the fact that he is dead. Until now that you unexpectedly learned the truth. Ayaw niyang masaktan ka Macky. I did him a favor, a dying man's request..."
Hindi ako makahinga dahil sa sobrang bigat ng aking nararamdaman. Akala ko ba'y nakalimutan ko na si Miguel at makakaya ko na siyang hayaang manatili sa aking nakaraan. Subali't ako'y nagkamali. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin pala siya na siyang lalong nagpahirap sa aking pagtanggap na wala na si Miguel. Naupo ako sandali. Hindi pa rin natitigil ang pagluha ng aking mga mata. Inabutan ako ni Dave ng isang basong tubig. Ininom ko ito. Dahan-dahan. Pumipikit ako habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa aking lalamunan. Nguni't sa halip na kadiliman ang makita ko ay imahe ni Miguel ang lumalabas.
Unti-unti ay nagawa ko ng makapagsalita..."Dave, I need an explanation... Please. Nagmamakaawa ako Dave. kailangan kong malaman ang lahat."
Kinuha ni Dave ang panyo mula sa kanyang bulsa upang punasan ang aking mga luha. Inilagay niya ang panyo sa aking mga kamay upang ako na ang magtangal ng mga natirang luha sa pisngi. At nagsalita na si Dave.
"Instead of you, ako ang sumama kay Miguel sa airport. Three hours before his flight we were there. Pero I can see in his face na balisang-balisa siya. Tinanong ko siya if there is something wrong but there's no reply. Magdadalawang oras na and hindi pa rin siya mapakali... Hindi ko na kayang tiisin ang ikikilos ni Miguel kaya tinanong ko siya sa huling pagkakataon. 'Si Macky ba?' at sumagot siya ng oo. And he did not utter anything again. Nahihirapan siya subali't kailangan niyang lumisan papuntang Australia. One hour before his flight schedule. Inaya niya akong lumabas. I asked him why, he did not respond, and we went out of the airport. Nagsulat siya sa isang maliit na papel and he told me to contact you and give you the sheet of paper."
Nagpatuloy si Dave at nakinig na lamang ako sa kanyang isinasalaysay...
"We went our separate ways . Umuwi muna siya ng Laguna to leave his things, send an e-mail to his dad na hindi na siya tutuloy sa Australia kasi he decided to stay, and ako, I went to Manila to fetch you... Nais ka niyang sorpresahin na hindi na siya aalis. Naisipan niyang magmotor na lamang papunta sa Manila para magkita kayo. Malapit na ako sa inyo when I received a call asking me if I am the cousin of Mr. Eduard Miguel De Jesus. The news came in, sinugod siya sa hospital due to an accident and he is in a critical situation. Sa halip na pumunta pa ako sa inyo at ipagtanong kung saan ka talaga nakatira, I rushed to the said hospital. I saw Miguel covered with blood. I tried talking with Miguel. He told me, 'Please take care of Macky for me...'. Hinawakan ko ang duguan niyang mga kamay. Ang huling sinabi niya ay 'Tell Macky how much I love him'. Wala na akong narinig pa galing sa kanya. Pinalabas na ako ng ward at naghintay" Habang sinasabi ito ni Dave ay nangingilid ang kanyang mga luha. Nararamdaman ko ang kanyang emosyon. Hindi lamang ako ang may matinding pagdadalamhati, ganun rin si Dave.
"Iniabot sa akin ng nurse ang narecover na cellphone ni Miguel. Napansin kong tumatawag ka. Hindi ko ito sinagot upang hindi mo malaman muna ang nangyari kay Miguel sa pag-asang malalampasan niya ang nangyari sa kanya. Ayokong mataranta ka. Nguni't wala pang ilang sandali ay pinatawag ako ng doktora. Wala na si Miguel. Patay na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kumala't na ang balita maging sa telebisyon hinggil sa nangyaring aksidente dahil nalaman kong may mga media na dumating. Ilang sagli't pa ay narinig kong tumatawag ka. Ang akala ko ay nabalitaan mo na ang nangyari. Pero hindi ko pa rin ito sinagot sa sobrang kaba ko."
Nagitla ako sa aking narinig at nagbalik sa akin ang lahat. Si Miguel nga. Siya nga ang lalaking napanood kong naaksidente subali't inilipat ko agad ang estasyon ng telebisyon dahil sa ayaw kong makarinig ng ganoong klaseng balita. Napakalaki kong hangal! Hindi ko man lamang namalayan na nawala na pala sa akin ang taong mahal ko dahil sa katangahang pinairal noong gabing akala ko'y pag-alis ni Miguel papuntang Australia. Nagawa ko pang magpakalango sa alak ng mga sandaling iyon. Muli ay hindi ko napigilang umiyak. Niyakap ako ni Dave habang siya ay umiiyak rin. Wala na akong ganang tapusin pa ang aking proyekto.
"Naalala mo ang sulat na ibinigay ko sa'yo noong una tayong magkita? Iyon ang sulat na ibinigay sa akin ni Miguel. Kaya napansin mong sulat niya iyon. Ang stuffed toy na rabbit ay siya talaga ang bumili, regalo niya sa iyo na ipapabigay niya sana sayo pagka-alis niya. Sa kanya nanggaling ang lahat Macky, pinalabas ko lang na sa package ito galing sa Australia. I'm sorry Macky, I had to lie... Forgive me." Pagpapatuloy ni Dave habang yakap-yakap ako.
"Samahan mo ako Dave, bukas na bukas din aalis tayo".
Nagpasya akong puntahan ang kinahihimlayan ni Miguel at sinamahan ako ni Dave. Ito ang hiling ng ina ni Miguel, na ilibing siya sa kanilang bayan. Hindi ako pumasok sa aking mga klase masilayan lamang ang puntod ni Miguel. Nagpaalam ako kay mama at ang sabi ko ay may class outing kami. Ayokong magsinungaling kay mama subali't kailangan. Hindi pa panahon na malaman ng aking pamilya ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao. Sinagot ni Dave ang aking pamasahe papuntang Legaspi City, Albay. Napatawad ko na rin si Dave sa pagpapanggap niya. Alam ko naman na hindi niya ito ginawa upang paglaruan lamang ako, bagkus, ginawa niya ito para kay Miguel. Mahaba-habang biyahe ito subali't kailangan ko itong landasin alang-alang sa isang sandaling makadalaw ako sa puntod ni Miguel...
Tinungo namin kaagad ang sementeryo. Wala masyadong tao, mangilan-ngilan lamang na dumadalaw sa mga yumao nilang mahal sa buhay, at ang supulturero na nagtatabas ng damo. Itinuro sa akin ni Dave ang puntod ni Miguel. Dahan-dahan akong naglakad sa madamong daan, wala pang araw ng mga patay, hindi pa masyadong nalilinisan. Madali naman namin itong natunton dahil hindi kalayuan sa pangunahing tarangkahan.
Tumayo muna ako sandali. Pinagmasdan ang lapida. Nakaukit ang pangalang Eduard Miguel De Jesus kasama ng kanyang araw ng kapanganakan at kamatayan. Inilapag ko sa puntod ang isang pirasong rosas at nagsindi ako ng kandila. Nanahimik sandali. Mataimtim akong nagdasal sa aking isipan.
"Miguel, kung saan ka man naroroon ngayon. Nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pinakamasasayang ala-ala. Ang unang lalaking nakapagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Kahit na hindi ito natupad dahil sa pagpanaw mo, masaya ako dahil nalaman kong mas pinili mo ako sa halip na sundin ang iyong ama. Kung ito ang kapalaran natin at itinadhanang hindi tayo magkatuluyan habang buhay... Malugod ko itong tatanggapin sa kabila ng matinding pighating naiwan sa aking puso..."
Matapos kausapin si Miguel sa aking isipan ay inilabas ko ang aming mga larawan. Hindi man ito ang orihinal na ibinigay sa akin ni Miguel ay sumasalamin pa rin ito sa aming mga nakaraan. Inilagay ko ito sa apoy ng kandilang nakatirik sa puntod ni Miguel.
Hinawakan ni Dave ang aking kamay upang pigilan ang aking ginagawa, "Anong ginagawa mo Macky?!"
"Nagpapaalam kay Miguel." tugon ko kay Dave habang nararamdaman kong pumapatak na naman ang aking luha.
"Hindi ko na kailangan ang mga larawang ito. Mananatili si Miguel sa aking isipan. Mas magandang sa puso ko na lamang siya hayaang mamuhay at hindi sa mga larawang ito..."
Pinagmamsadan kong magliyab ang mga larawan namin ni Miguel. Unti-unti, natutupok na ito ng apoy. Kasama nito ang paglaya ng aking puso mula sa kalungkutang bumabalot sa buo kong pagkatao dahil sa pagkawala ni Miguel. Tuluyan na itong maging abo at tinangay ng malumanay na ihip ng hangin. Hinawi ko ang mga tumulong luha sa aking mga mata. Tumalikod sa puntod ni Miguel at nilisan namin ni Dave ang pook ng kanyang himlayan. Muli sa aking isipan ay sinabi ko ang mga katagang,
"Paalam Miguel... Paalam.."
Matapos maganap ang lahat... Sa kasamaang palad, hindi naging kami ni Dave. Sa halip, kami'y naging matalik na magkaibigan. Tinanggap niya ang katotohanan na hindi ko siya magawang mahalin. Nguni't nariyan pa rin siya para sa akin sa oras na kailangan ko siya. Nagkaroon na rin siya ng sarili niyang kasintahan, at hanggang ngayon ay sila pa rin. Ako naman, nagsumikap mag-aral ng mabuti. Naghihintay pa rin ng lalaking muling magpapatibok ng aking puso na kagaya ng naramdaman ko kay Miguel. At lagi kong isinasaisip..
(Wakas ng Rainbow Series Season 1: Larawan)
(Abangan ang Rainbow Series Season 2: Rosas)
Bukang liwayway. Natapos na rin ang unos. Akala ko'y pinaghanda ako ni Dave ng makakain subali't nagkamali ako. Sinanay ako ni Miguel. Wala na nga pala si Miguel, nasa Australia na, at si Dave ang kasama ko, hindi siya.
"Oh, gising ka na pala", pagbati sa akin ni Dave. "Magbihis ka na at sabay tayong kumain sa convenient store sa kanto, hindi ako nakapagluto eh, sorry po".
Habang naglalakad papunta sa convenient store ay pinagmamasdan ko si Dave. Pasulyap-sulyap. Namamangha sa kanya. Sapagka't hindi niya hinayaang maulit kagabi ang nangyari sa amin. Maginoo naman pala siya kahit papaano at hindi lamang dakilang mahangin at pisolopo. Salamat na lamang at wala akong pasok ngayon at wala akong klaseng po-problemahin. Maari akong umuwi kahit anong oras ko gusto. Buong umaga ay magkasama kami ni Dave. Kinilala ko siya ng mabuti. Ayokong isang estranghero ang turing ko sa kanya at ganoon rin siya sa akin. Walang minutong hindi ako tumawa sa mga kuwento niya. Minsan may halong kapilyuhan, kakornihan, at higit sa lahat, ang pabirong kayabangan. Nakakatuwa naman siya. Kahit papaano'y nababawasan ang pangungulila ko kay Miguel dahil kasama ko siya.
"Oh siya, punta na tayo sa computer shop, i-save natin sa USB yung mga pics nyo ni Miguel, then try nating ipa-reprint na, para di ka na umiyak, masyado kang iyakin, hindi ka na bata", anyaya sa akin ni Dave na may halong pagpapatawa. Nang matapos kaming magpareprint ay hinatid na niya ako sa aming bahay. Siya pa lamang ang pangalawang lalaking sinama ko sa bahay at alam ang kinaroroonan nito. At katulad ng pagpapakilala ko kay Miguel, isa lamang siyang kaibigan. Dahil hindi alam ng mga magulang ko na ako'y isang bakla.
Lumipas ang ilang buwan. Kung kami pa sana ni Miguel ay isang taon na kami. Wala pa ring komunikasyong nagaganap sa pagitan namin ni Miguel. Dumating ang araw ng aming anniversary subali't wala pa ring Miguel ang nagparamdam. Kahit friendster account niya ay hindi na niya binubuksan. Si Dave rin ay wala raw kahit anong paraan upang makausap si Miguel. Kaya hanggang ngayon ay isinasaisip ko na lamang na sobrang dami ng kanyang ginagawa sa Australia kaya ganoon. Nahihirapan ako. Naubos na ang mga luha ko kakaiyak sa tuwing gabi bago ako matulog.Habang kumakain ng meryenda sa isang kainan malapit sa eskwelahan... "Macky, I want to tell you something." nanahimik ako at nakinig sa kanya," I've fallen in love with you. Alam kong mahal mo pa rin si Miguel, and I'm not expecting you to love me back. At least nasabi ko sa'yo na mahal kita. Kaya kong maghintay kahit gaano katagal. I'm not in a hurry Macky, I will wait until you say, Yes".
At ito na nga ang simula ng panliligaw sa akin ni Dave. Ayokong maniwala sa simula subali't pilit niya itong ipinaparamdam sa akin. Hindi kagaya ni Miguel na mabilis akong napa-oo dahil sa kanyang pangunguli't. Ang gusto ko, higit ko pang makilala ang taong susunod na mamahalin ko. Ayokong masaktan. Araw-araw ay sinusundo ako ni Dave sa paaralan. Siya rin ang gumagawa ng iba kong proyekto na nangangailangan ng sining dahil likas na malikhain si Dave. Ilang rosas na rin ang ibinigay sa akin, at pinapadala sa opisina ng aming student organization. Hindi niya ito pinapangalanan na nanggaling sa kanya upang hindi ako mabuko sa eskelahan kung ano talaga ako. Walang kahit anong nangyari sa amin ni Dave. Nirerespeto niya ang aking desisyon na huwag muna hangga't hindi pa nagiging kami at hindi na nga nasundan ang paghalik niya sa akin noong unang napadalaw ako sa ika-dalawampu't tatlong palapag.Dahil sa isang proyektong kailangang tapusin ay nagpasama ako kay Dave sa bahay upang magpatulong sa isang paper mosaic na kailangang ipasa sa aking subject na "Art Appreciation". Dinalhan niya ako ng maraming pahayagan na maari naming gamitin sa paggawa ng nasabing proyekto. "Kapag natapos ang project mo, I'm sure na you'll get a 1 as your grade", pagyayabang ni Dave. Dito naman talaga siya magaling, sa ART. Sa aking pag-aayos ay binasa ko muna ang mga dyaryong bitbit ni Dave at ang ibang hiningi ko sa aking kapit-bahay. Lubhang may kalumaan na nga ang mga ito at maaring gamitin sa aking proyekto, mga magkakalahating taon na siguro. Sa totoo lang, hindi ako palabasa ng payagan sapagka't mahilig lamang ako na makinig ng musika at manood ng mga music videos. Binuklat ko isa-isa ang mga pahina. Hanggang sa napunta ako sa isang bahagi ng pahayagan.
Nabitawan ko ang dyaryong binabasa...
Nanginig ang buo kong katawan. Naitapon ko ang lahat ng bagay na nasa lamesa na gagamitin sana namin at nagkalat lahat sa sahig.
"Bakit Macky?!", nag-aalalang tanong ni Dave.
Isang linggo bago ang ika-pitong monthsary namin ay nagkita kami ni Miguel sa isang mall dito sa Maynila. Inaya ako ni Miguel na mag dinner date dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa akin. Maulan noong gabing iyon. Naririnig ko pa rin ang kulog kahit nasa loob na kami ng naturang mall. Mag-iika-walo na ng gabi at sabay kaming kumain ng hapunan sa isang restaurant sa unang palapag. Nang kami'y matapos nang makakain ay tinawag niya ang waiter upang bayaran ang bill. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Parehas kaming walang imik. Naghihintay ako sa kung anumang bagay ang isisiwalat niya sa akin. Sana huwag niyang sabihing nabuntis niya si Mika, ang ex-girlfriend. Oh, God! Huwag naman
"Macky, I have something to tell you..."
Hindi ito naipagpatuloy ni Miguel at ako na lamang ang nagtanong ng...
"Mahal, kung ano man ang sasabihin mo, makikinig naman ako sa iyo", kahit sa likod ng aking isipan ay hindi ko pa rin maalis ang kaba at makakaya ko bang tanggapin ang tila napakahalagang balita na sasabihin ni Miguel. At ilang sandali na nga ay nagpatuloy na siya sa pagsasalita.
"Remember my dad?", tanong ni Miguel sa akin.
Napa-isip ako ng malalim. Ang tatay ni Miguel? Yung nasa
"He wants me to continue my studies in
Sa aking narinig ay bigla akong panandaliang natulala. Iiwan ako ni Miguel? Dahil ito raw ang hiling ng ama niyang may taning na ang buhay. Hindi ko ito mapaniwalaan nang marinig ang balitang ito na galing sa lalaking mahal ko. Kung kailan masayang masaya na ako sa piling niya ay bigla na lamang matatapos ito na parang isang panaginip? At
Hinabol ako ni Miguel. Lalo kong binilisan ang aking paglalakad at hindi ko siya pinapansin. Habang tinatahak ang isang landas na hindi ko alam kung saan ako patutungo ay kasabay nito ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi pa rin tumitila ang ulan. Ginaw na ginaw na ako subali't hindi ko ito iniinda sa sobrang pagkagulat sa mga biglaang pangyayari. Nakarating na nga ako sa isang tulay na malapit na sa Palasyo ng Malacañang na may kalayuan na sa mall. Napatigil na lamang ako sa paglalakad dahil naabot ni Miguel ang isa kong kamay at hinila papalapit sa kanya.
"Macky, listen to me first!", pasigaw na sinabi sa akin ni Miguel. Wala akong reaksyon sa mga winiwika niya at nakatingin lamang ako sa malayo. Tinatanaw ko ang hangganan ng ilog na parang wala sa sarili.
"If it's not important, I won't do it", patuloy na pagpapaliwanag ni Miguel sa akin.
"At ano ako? Wala ba akong importansiya? Laguna nga at Maynila nalalayuan na tayo, Pilipinas at
"Don't be childish Macky, can't you understand?", patuloy niya. " Despite the distance nagmamahalan pa rin naman tayo. Ang pinagbago lang, dagat na ang pagitan natin. Pero I have to end this relationship. I'm giving you your freedom para kung makahanap ka ng ibang taong mamahalin, malaya ka. Pagkagraduate mo you can go there, or susunduin kita dito sa Pilipinas. Maghahanap tayo ng lugar na kahit walang same sex marriage, mapagtiyagaan natin ang civil union kahit papaano. We will be together. It may take that long pero it's all worth it. Kailangan ko lang gawin ang mga responsibility as a son to my father. If we're really meant to be, magkikita't magkikita tayong muli. Kapag ayos na ang lahat ako mismo ang gagawa ng paraan para balikan ka". Unti unting tumila ang ulan. Umaaliwalas na ang kalangitan at kahit papaano'y nasisilayan ko na ang buwan.
Parehas kaming basang basa ni Miguel dahil sa ulan. Humarap ako sa kanya at tinitigan ko siya ng matagal. Nagwika ako sa kanya ng , "I need you here beside me. Mahihirapan ako na wala ka sa tabi ko. Pero sige, If I have to do all the sacrifices, maghihintay na lamang ako na magkasama tayong muli". Labag man sa kalooban ko ay kailangan kong tanggapin ang katotohanan na kailangan na naming maghiwalay.
"Parehas tayong may sacrifices na gagawin, dahil mahal na mahal kita Macky. Alam mo yan at sana'y naparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal", nang sabihin ni Miguel ang mga katagang ito ay niyakap niya ako at hinalikan. Nasaksihan ito ng mga dumaraang mga jeepney, truck, at iba pang mga sasakyan. Iba't ibang reaksyon ang aming natanggap. May mga sumigaw ng "Hoy! Mga Bakla!" at gusto kaming batuhin ng bote ng mineral water, may mga naglalalakad sa harapan namin at sobrang sama kung tumingin, at may mangilan-ngilan na kinikilig habang nakatingin sa amin. Sa kabila ng mga negatibong reaksyon na pinamalas ng mga nagdaraan ay humarap siya sa ilog at isinigaw niya ang "MACKY I LOVE YOU!". Ako na mismo ang nahihiya para sa kanya dahil baka kung ano na lamang gawin sa amin ng mga tao. Wala kami sa Quezon City, nasa Maynila kami at walang anti-discrimination law na poprotekta sa amin kung sakaling bugbugin kami ng mga taong makikitid ang utak.
Dahil sa hindi maaring magpalipas ng gabi si Miguel sa amin ay nagrenta kami ng lugar na matutuluyan sa loob ng labindalawang oras. Nagpatuyo kami ng mga damit at nagpahinga. Sinabihan niya ako na sa isang linggo na ang flight niya papuntang
“Mahal, ihahatid mo ba ako sa airport?”, tanong sa akin ni Miguel. Tinitigan ko siya ng matagal at saka ko siya sinagot, “Hindi, ayokong makita kang paalis. Masasaktan lamang ako. Mas mabuti pang huwag na lang. Ang gusto ko, kapag pupunta ako sa airport ay ang araw na sasalubungin kita dahil babalik ka na dito sa Pilipinas.”
Ilang araw na nga ang lumipas matapos naming magkita ni Miguel.
Sa araw mismo ng flight si Miguel ay napagpasiyahan kong uminom at magpakalasing. Tamang tama. Wala sina mama at papa sa bahay. Ang mga kapatid ko ay umuwi muna ng probinsya. Kaya kong umiyak hangga’t gusto ko. Dahil kapag nandito sila, hindi ako maaring magpakita na umiiyak ako. Hindi nila alam kung ano ang tunay na dinaramdam ko. Wala silang ideya na bakla ako. Dahil nga sa hindi ko gusto ang lasa ng beer ay napilitan akong uminom ng brandy habang nanonood ng tv...
"My hair just feel better and better. Thanks to...", commercial, puro na lang product endorsements. Halos kalahati na lang ng mga palabas sa telebisyon ay kinukunsumo ng mga ardvertisements.
"Flash Report: Isang lalaking nakasakay sa motor, naaksidente", balita? mas ayoko munang makarinig ng balita. Hindi naman nakakatulong sa mga personal na problema ko ang mga balitang napapanood ko.
"Senior
At nailipat ko na nga ang istasyon ng tv sa Myx, kung saan may isang baguhang mang-aawit ang bumuhay ng lumang awitin. Hindi ko na ito nasimulan subali't naiyak ako habang pinakikinggan ang awitin...
"KUNG ALAM KO LANG,
NA AKO AY MASASAKTAN,
DI NA SANA KITA INIBIG,
DI NA SANA HINAYAAN ANG PUSO,
PUMINTIG PARA SA'YO.
KUNG GANON DIN NA
DI NA
SANA'Y DI NA LANG...
KUNG ALAM KO LANG. "
Isa itong lumang tugtugin at ngayon ko lamang ito nagustuhan. Alam ba ng lumikha ng awiting ito na ito ang nais isigaw ng puso ko ngayong gabi at nilikha niya ito para sa akin? Bawat salita, bawat mensahe, katulad na katulad ng pighating namumutawi sa aking damdamin dahil sa paglayo ng taong mahal ko. Kailangan ko bang magsisi dahil minahal ko si Miguel? Oh kailangan kong matuwa dahil kahit papaano’y dumaan siya sa aking buhay at pinaramdam kung papaano magmahal at mahalin.
Napagpasiyahan kong tawagan si Miguel sa kanyang cellphone subali’t hindi niya ito sinasagot. Malamang ay nakasakay na ito ng eroplano. Pinadalhan ko na lamang siya ng mensahe sa text, nagbabakasakaling mabasa pa ito ni Miguel. “Paalam Miguel. Paalam… Hanggang sa muli nating pagkikita.”. Matapos maipadala ang mensahe ay nakaramdam na ako ng matinding antok at sakit ng ulo. Sa kalasingan ay nakakatulog na ako, subali’t kahit pigilan ko ay kusang pumatak ang aking luha…
Balik na naman sa normal ang aking buhay. Gigising… Maliligo… Papasok… Uuwi… Mag-aaral… Matutulog… Tiningnan ko ang friendster subali’t nakikita ko sa profile ni Miguel na matagal na itong hindi nagbubukas ng kanyang account. Kahit mensahe ay wala. Sadya bang kinalimutan na ako ni Miguel? Subali’t may pangako siya sa akin na kahit hindi na kami ay magkikita kami at siya mismo ang gagawa ng paraan. Pati ba ang mga pangakong iyon ay nakalimutan na niya? Mag-dadalawang linggo na rin ang lumipas…
Sa aking pag-iisa habang nakatingin sa soccer field, kung saan una akong nakatanggap ng text galing kay Miguel ay pinagmamasdan ko ang aming mga larawan. Hindi ko mapigilang malungkot habang inaalala ang mga masasayang araw na aking pilit na binabalik-balikan. Biglang tumunog ang aking cellphone.
“1 Message Received”.
Hay naku… Isa na naman sa mga quotes na galing sa mga alaskador kong kaklase. Pero binuksan ko ito at binasa…
Nagulat ako kung sino ang nagpadala ng mensaheng ito. Ang numero ng cellphone na ito ay ang numerong inaasam asam kong magpadala ng mensahe sa akin. Ito ang numero ni Miguel! Nandito na siya galing ng
“Kita tayo sa SM Manila now”
Nireplyan ko siya at sinabing “Sa Mcdonald na lang tayo magkita”
Hindi na ako nakatanggap ng reply sa kanya nguni’t dali-dali akong nagtungo sa SM
At ngayon nga ay nandito na ako at naglalakad patungo sa tulay na nasa likod ng Mall. Sabik na sabik na akong makita si Miguel. Natunton ko na nga ang tulay. Nakita ko ang isang lalaking matangkad at nakatalikod. Katabi niya ang isang motor. Mukhang nagbago ata siya ng ilang parte subali’t alam kong kay Miguel ito dahil parehas ang plate number nito. Nakatayo siya mismo kung saan ako niyakap ni Miguel at pinagsigawang mahal niya ako. Nguni’t sa pagkakataong ito ay ako naman ang yumakap sa kanya mula sa likod…
“Miguel! Mahal ko!”…
(itutuloy)
.