September 7, 2008

Rosas (part 1)

paunawa: bago basahin ang Rainbow Collection Series:Rosas ay basahin mo muna ang Larawan Parts 1 to 9.


“Huwag kang tumuloy diyan!” babala ko sa batang naglalakad patungo sa isang bahay. Hindi niya ako pinakikinggan. Sa hinuha ko’y nasa labintatlong gulang ang nasabing bata. Alam ko ang bahay na ito. Nararamdaman kong may nagbabadyang panganib sa oras na pumasok siya roon. Hinarangan ko siya. Tila hindi niya ako nakikita. Nilampasan niya ako, tumagos lamang siya sa akin at ang aking katawan ay nagmistulang hangin na unti-unting nawawala. Nakakalapit na siya sa pinto. Pilit ko pa rin siyang pinigilan subali’t kahit boses ko ay hindi niya naririnig. “Huwag!”

Nagdilim ang paligid. Wala akong makita. Ang paligid ko ay nababalot ng anino. Unti-unti, nakakita ako ng liwanag. Nilapitan ko ito…

“Kuya Steve! We’re here!”

Namulat ako at naririnig ko na ginigising ako ng tinig ni Dave, ang aking nakakabatang kapatid. Nanaginip lamang pala ako. Lagi kong napapaniginipan ang ganitong pangitain. Nasa bus nga pala kami na biyaheng Laguna. Rest day ko ngayon. Wala akong pasok at bibisitahin ko si mama. Lahat ng mga taong lulan ng bus ay nagsipagbabaan na, kaming dalawa na lamang ni Dave ang naiwan at hinihintay ng konduktor na bumaba.

Sumakay kami ni Dave ng jeep at bumaba sa restaurant na pagmamay-ari ni mama. Masarap siyang magluto, palibhasa kapampangan kaya ganun. Hinanap namin si Miguel, ang aming pinsan na dito sa Laguna naninirahan. Hindi na namin siya naabutan na nananghalian sa restaurant ni mama, tapos na raw siyang kumain kasabay ang kanyang kaibigan at nagmotor na pauwi. Hindi ko na naisipang puntahan sa kanila, hindi naman kami ganoon ka-close. Mas malapit sila ni Dave.

“How’s work Steve?”, tanong sa akin ni mama.

“Ok naman ma, medyo stressed lang the whole week. Mag-aapply pala ako as QA by next week. Maiba naman, boring yung paulit-ulit na trabaho. “

“Good, galingan mo ah, siya nga pala, nabisita mo na ba ang bagong bahay ng ate mo? Lumipat na sila malapit kina Miguel. Pero wala siya ngayon sa kanila, yung asawa lang niya na si Ikoy ang naiwan.”

Nang marinig ko ang sinabi ni mama ay nagpasya na lamang ako na hindi magpunta sa tinitirhan ni ate. Asawa lang naman pala niya ang madadatnan ko roon.

Kinagabihan, inaya ako ni Dave na mag-inuman sa isang bar sa bayan. Sa sobrang pagod ko at kailangan kong magpahinga dahil sa isang linggong pagtratrabaho ay hindi ako sumama sa kanya.

“Ang K.J. mo naman bro, once a week na nga lang tayo magkasama, di ka pa makikigimik”

“Dave, I’m tired… I’d rather sleep than go out..”

Nang umalis na si Dave ay kinuha ko ang aking cellphone. May hinihintay akong text mula sa isang napakaimportanteng tao. Subali’t wala ni isang mensahe ang aking natatanggap. Tinawagan ko siya subali’t hindi niya sinasagot ang aking mga tawag. Gabi na at nag-aalala na ako. Wala naman siyang pasok, bakit hindi niya magawang magparamdam maghapon. Matapos ang ilang saglit, sa wakas ay nakatanggap na rin ako ng isang mensahe.

“Hon, sorry, kaka-out ko lang, nag-over time ako. Nag-emergency leave yung isang crew dito kaya kailangan ko makipagchange ng schedule. Love you mwah. ”

Hindi siya nagpaalam sa akin. Biglaan naman yata yun. Napapansin ko na ilang araw nang madalang magtext at tumawag sa akin si James. Wala naman siyang nababanggit sa akin na problema. Malambing naman siya kapag magkasama kami. Ewan ko ba. Siguro parehas lang kaming maraming trabaho. Pero gumagawa naman ako ng paraan na magkita kami at makasama ko siya kahit na ilang saglit lang sa loob ng isang Linggo. Sa bawat oras, nagpapadala ako ng mensahe sa kanya, patago pa nga kasi bawal yun sa trabaho, ikakasesante ko kapag nahuli ako. Mag-aanim na buwan na kami sa makalawa. Kahit may pasok ako ay makikipagkita ako sa kanya, kahit walang tulog, pipilitin ko, magkasama lamang kami sa aming ika-anim na monthsary.

Hindi ko na mahintay si Dave, may susi naman siya. Sobrang inaantok na ako at hindi na kaya ng katawan ko ang magising pa…

Muli, nakita ko na naman ang bata. Papasok na siya sa bahay. Sinamahan ko siya. Hindi niya pa rin ako nakikita. Hinahatak ko ang kanyang mga kamay nguni’t hindi ko ito mahawakan. Walang tao sa bahay. Walang sino man akong nakikita maliban sa bata at ako. May bitbit ang bata na isang karton. Nararamdaman ko na alam ko ang laman ng karton na iyon, subali’t hindi pa rin ako nakatitiyak… Umakyat ang bata sa ikalawang palapag. Bukas ang ilaw sa isang silid. Dahan-dahan lumapit ang bata, sinamahan ko siya kahit na hindi niya ako nakikita…

“Bro, I’m home. May pasalubong ako sa’yo… balot!”

Ginising na naman ako ni Dave. Sa halip na magalit ako ay kinain ko ang binigay niya sa akin. Tamang tama, paborito kong kumain ng balot. Lalo na kung lalagyan ng suka. Noong una ay hindi ko alam na nilalagyan pala ng suka ang balot, akala ko’y asin lamang, tinuruan lamang ako ni James ng ganitong pamamaraan ng pagkain ng balot.

Habang kumakain ay tinanong ko si Dave, “Kamusta ang bar hopping?”

“Ok naman bro, nakita ko nga sila Miguel at yung friend niya”

“Ano namang ginagawa nila?”

“Nag-iinuman lang. Wait diyan ka lang, try ko siyang tawagan.” Lumabas ng kuwarto si Dave upang tawagan si Miguel. Naalala ko si Miguel, lagi siyang pinagmamalaki sa akin ni mama. Kasi kilalang chick boy. Buti pa si Miguel, may girlfriend. Ako, wala pa akong pinapakilala sa pamilya ko. Minsan pa nga napapansin kong pinaghihinalaan na nila ako na isa akong bakla. Karamihan sa mga kamag-anak namin maagang nag-aasawa. Ayun, andami nang mga anak. Hirap magpakain at magpa-aral. Kalimitan lumalapit pa sa akin upang hiraman ang pera panggastos dahil walang-wala na sila. Sa awa ko sa kanila ay pinapahiram ko naman, minsan hindi pa nga naibabalik sa akin. Ito namang si Dave, isang babae pa lang ang pinakilala kina mama, pero hindi naman sila nagtagal at hindi na naulit pa. Natroma na siguro sa babae dahil sinaktan lamang siya.

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking best friend na si Niel. Magmamadaling araw na at nagawa pa niya akong itext. Binuksan ko ito at binasa.

“Dude, you have to know something. It’s about James. Usap tayo soon. Thanks”

Napaisip ako. Gaano ba ito kaimportante na nagawa pa ni Niel na magtext sa akin nang ganung oras? Kaya tinawagan ko siya… Pero ang cellphone niya ay hindi ko na macontact. Marahil ay walang signal yun ngayon. Nasa Malate na naman siya, sumasayaw sa isang bar at nakikipaglandian sa kung kani-kanino. Naalala ko pa, yang si Niel ang unang nagturo sa akin kung paano gumimik. Hindi ko naman masasabing masamang impluwensya sapagka’t sa kabila ng mga paglalakwatya niya tuwing Sabado ay alam kong mabuti siyang tao. Kaya ko nga siya naging best friend. Matapos piliting tawagan si Niel ng makailang ulit ay inantok na ako. Pumasok na rin si Dave sa kwarto. Pinatay ko ang ilaw at kami’y nakatulog.

Kumatok ang bata sa pinto ng kwarto kung saan bukas ang ilaw. Mukhang walang tao. Naiwan lamang na bukas ang ilaw. Ilang metro mula sa nasabing silid ay naririnig kong may tubig na pumapatak. Tila may naliligo. May tao. Oo nga, may ibang tao sa bahay na ito.Naghintay ang bata sa labas ng silid. Kapansin-pansin na kung sino man ang pagbibigyan ng karton na iyon ay ang taong nakatira sa silid na … Bumukas ang pinto ng banyo…

Nagising ako na mag-iika siyam na ng umaga. Nakagayak si Dave, mukhang may pupuntahan. Ang sabi niya ay makikipagkita siya kay Miguel sa bayan, sa terminal ng bus. Hinayaan ko na lamang siya at nagpasabi ako na ikumusta na lamang niya ako kay Miguel. Nang umalis na si Dave ay tinawagan ko si James. Sinagot naman niya ang aking tawag subali’t nagmamadali siya papasok.

“Hon, nasa jeep ako, baka mahablot phone ko, bye, mwah”.

Linggo ngayon may pasok pa siya. Paiba-iba ang schedule ni James. Kaya bihirang magkataon na parehas ang rest day namin. Isang beses pa nga ay nagpunta ako sa bahay na inuupahan niya sa Quezon City kasi naglayas siya sa pamilya niya dahil nagkaproblema sila ng kuya niya. Alitang magkapatid, dahil matagal nang alam sa kanila na bakla siya at hindi ito tanggap ng kanyang kuya.

Habang kausap ko si James sa telepono ay tumatawag rin pala si Niel sa akin. Buti na lamang at naka-call waiting ako. Nang sasagutin ko na ang tawag ni Niel ay hindi ko na ito naabutan. Nagregister na ito sa aking voicemailbox.

Binuksan ko ang aking voicemail, tama, si Niel nga ang tumatawag sa akin kanina. Pinakinggan ko ang mensahe ni Niel na nagsasabing…

“Best, I have a news about your boyfriend. Si James. Kita tayo later. Usap tayo…”

(itutuloy…) sundan ang part 2

September 5, 2008

INVOICE: GLBT Advocacy Journal




INVOICE magazine will have its launching party at Bed Bar, Malate on September 19, 2008, 9pm. That would be a free entrance before 1am. I was invited so I will try my best to come.

From the website itself, below is the list of INVOICE' objectives:
  1. To provide an avenue in advocating the new image of the GLBT community as professional individuals with integrity by promoting success stories of GLBT individuals' businesses and their various endeavours, and by providing articles that can be related to both business and economy and GLBT culture. This is also a call for a change in the image of the GLBT population in the Philippines.
  2. To provide an inspiration and a call for action to all readers to become entrepreneurs and help in the growth of SMEs (Small and Medium-scale Enterprises) in the country.
  3. To provide GLBT individuals with real GLBT role models whom they can relate to.
  4. To provide an awareness on various serious GLBT issues in the Philippines.
Try visiting their website for more information:
http://www.3rdmedia.ph




September 3, 2008

LiveJournal Poems: Reconstructing my Teen-Age Secret Love for HIM

*****************************************
"UNTITLED"
[Sep. 17th, 200405:07 pm]

Sabi nila
“Masayang magmahal”
Ang sabi ko
“May minahal na ako”
Sabi nila
“Masarap mahalin”
Ang tanong ko
“May nagmahal ba sa akin?”
Ilang beses na akong umibig
Ilang ulit na akong nasaktan
Subali’t ang puso ko’y
Nauuhaw sa pagmamahal
Na hindi mo nasuklian
Ang aking Pag-ibig
Pag-ibig na balewala
Pag-ibig na sinayang
Pag-ibig na pinaglaruan
Masakit mang tanggapin
Ito’y aking tiniis
Nguni’t kinalabasan
Puso ko’y naghinagpis
Hanggang ngayo’y aking bitbit
Mga salitang binitiwan mo sa akin
Na may mahal ka nang iba
At hindi ako ang iyong irog
Gumuho ang aking mundo
Kay saklap
Kay hirap
Hindi na yata mabubuo
Pira-piraso kong daigdig
Na malapit nang magunaw
Kailan pa?
Kailan kaya?
Mawawala ang tulad mo
Sa aking gunita
Kay hirap
Nakakapagal
Mapapahilom pa ba
Ng panahon ang aking pusong sugatan?
Minahal kita
Higit kanino man.
Subali’t bakit
Bakit?Bakit ang kapalit ng aking pag-ibig
Ay hamak na pakikipagkaibigan?!


*****************************************
Panaginip
[Aug. 18th, 200411:13 am]

Ikaw ang laging laman ng aking panaginip
Sa tuwina'y naglalaro sa aking isip
Bakit? Bakit ba ako pinahihirapan
Nitong aking kakatwang nararamdaman
Araw-araw naman tayong nagkikita
Subali't lagi kang hanap ng aking mata
Nais kong laging hawak ang iyong kamay
Mahaplos ang buhok mong itim ang kulay
Oras-oras, bawat saglit, tila naririnig
Ang iyong natatangi at magandang tinig
Oh giliw ko, ako nga ba'y isang hangal?
Isang hunghang sa iyong pagmamahal?
Mamayang gabi..sa aking pagtulog
Sa Poong Maykapal aking idudulog
Na sa aking panaginip, ika'y makasama
Kahit sa paniginip lang, oh sana, oh sana
*****************************************
Darating ang umaga
[Sep. 17th, 200412:23 pm]
Inamin ko na nga na mahal kita
OO, mahal na nga kita
Subalit,
Maraming balakid
Maraming dahilan kung bakit hindi tayo dapat magsama
Sadya bang hindi tayo itinadhana ng Maykapal?
O kay lupit ng kapalaran
Nais ko man ay hindi pa rin maari
Paglalayuin tayo ng panahon
Panahong malapit nang dumating
Kahit na sabihin kong mahal kita
OO mahal na mahal kita
Hindi pa rin maari
May ibang nagmamahal sa’yo
Subali’t higit ang pagmamahal ko
Pag-ibig man ay iaalay
Tadhana na ang magpupumilit na tayo’y paghiwalayin
Kay hirap tanggapin
Darating ang isang umaga
Ikaw at ako’y magigising
Na hindi tayo magkikita
Mga mata nati’y di na magtatagpo
Dalisay mong tinig ay hindi ko na maririnig
Sa panaginip na lang ba kita mamahalin
May magagawa ba ako upang ang puso natin ay mapag-isa
Upang hindi na dumating ang umagang
Masama ang ibinabadya?
Mahal na nga kita
OO mahal na kita
Hindi ba’t halata naman!
Araw – araw, lagi kitang kapiling
Pintig ng puso ko’y
Iyo bang naririnig?
O sadyang nabibingi ka
Sa ibang taong nagpaparamdam na ika’y kanyang iniibig
Darating ang umaga
Hindi pag-asa ang dala
Subali’t pighati sa aking pusong
Ang tanging hinahanap ay ikaw na
Napalapit na sa aking kaluluwa
Darating ang umagang
Ang distansya nati’y dalawang daigdig ang pagitan
Subali’t dumating man ang umagang iyon
Aking sasabihin sa iyo
Mahal kita
OO, mahal na mahal kita…….
*****************************************

September 2, 2008

LiveJournal Repost: Bakit Ganun? (My Denial)


Hinanap ko ang aking livejournal account... Ang username ko pa that time is mystical_blue. Baklang bakla di ba. Since 2004 pa pala ako nagba-blog, sana apat na taon na pala akong nagsusulat. Pero, for me mas mabuti na 'to. Kasi ang account na iyon ay puro denial. Pagtanggi sa totoong pagkatao ko.

This is the concrete proof, try reading it:


****************************************************



Mystical_Blue (mystical_blue)
wrote,@ 2004-10-08 02:04:00



bakit ganun??

bakit kaya ganun?tanungin daw ba nila ako kung seryoso ako sa pinagsasabi ko na bading ako..wahahahahahahaha :)

Ito lang masasabi ko dun. Bahala na yung mga tao kung anong isipin nila sa akin. Kung iniisip nila na bading ako, bahala sila. Kasi hindi ko naman hawak yung paniniwala nila at sabihin kong mali ang iniisip nila di ba. Natutunan ko yun kay chastine, na I have to let them think what they want to think.

Kakaiba rin ang reaction nila Coco. Kasi si Chastine hinihintay na mag-Friday, eh may nagtanong kung bakit. Ang sabi ko, sa Friday, ikakalat ko na bading ako.. kaya ayun, tawa ng tawa sina Coco.. napatingin sa akin bigla.. wahahahahahah.. alam ko naman na noon pa eh ganun na ang tingin nila sa akin eh :) bahala na nga lang sila...



Bakit ako napagkakamalang bading:
* I am feminine (not a natural trait of a typical guy). Girly ako kumilos. Kung alam lang ng mga tao ang buong buhay ko, malalaman nila kung bakit ganun ako.... isa pa, madaldal ako. anong magagawa ko, it's my asset... :)

****************************************************

Perhaps I would be posting more of the reposts from my Live Journal Account how I lived in denial and loved secretly. If you were able to read the Lihim na Pagtingin: Goodbye My Assassin, mapapansin na ito rin ang emotions na mayroon ako.
****************************************************

August 31, 2008

Forwarded Email: They are so Gorgeous but...

This e-mail was forwarded to me by my officemate. Lahat sila namangha kasi Transgender lahat ng mga nag-gagandahang contestants ng isang beauty pageant sa Thailand. Grabeh, Thailand never ceases to amaze me... Enjoy the picture series below...








"The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams."
- Eleanor Roosevelt

August 27, 2008

Larawan (part9)

paunawa: bago basahin ang akdang ito ay basahin mo muna ang Larawan Part 8.

Hinawakan ko ng mahigpit ang pahayagan. Halos mapunit ito sa sobrang pagkakakapit ng aking mga daliri sa mga pahina. Dahan-dahang lumuluha. Binuklat at binasa kong muli ang nilalaman...

“Obituary “
“Eduard Miguel De Jesus”
“ May 14, 1985 to September 29, 2007”


Alam ko ang pangalang ito. Hindi ako maaring magkamali. Ito nga si Miguel. Eduard Miguel De Jesus ang kanyang tunay na pangalan, dahil hindi inilagay ng kanyang ina ang apelido ng kanyang Australyanong ama sa kanyang birth certificate. May kasama ring larawan ni Miguel ang nakalagay sa nasabing pahina ng pahayagan. Lalong tumindi ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang labis na paghikbi. Ang taong unang nagpatibok ng tunay na pagmamahal sa aking puso, wala na. At hindi ko na pala siya makakasamang muli gaya ng ipinangako niya sa akin. Bumaling ako kay Dave.

"Dave! Magtapat ka! Alam kong alam mo ang totoo! Patay na si Miguel!? Pinagmukha mo akong tanga Dave! Alam mong patay na si Miguel pero itinago mo sa akin ang bagay na 'to! How could you?! How could you!", pagalit kong bigkas kay Dave at sa labis na pagdadalamhati ay naihagis ko sa kanya ang dyaryong hawak ko. Hindi siya umiwas. Tumama sa kanyang mukha ang luku't lukot na payagan subali't siya'y nanatili sa kanyang kinatatayuan. Nakatungo. Walang imik. Napansin kong lumuluha rin siya. Niyakap niya ako habang umiiyak.

"I'm very sorry Macky. I didn't mean to", hindi ko magawang tingnan si Dave, nakatingala lamang ako sa dingding. Pinagmamasdan ang paggalaw ng kamay ng orasan at pinakikinggan ang pagtibok ng aking puso habang nagsasalita si Dave. " Yes, I know everything. Until his last breath, i kept a promise for him. And that is to keep you away from knowing the fact that he is dead. Until now that you unexpectedly learned the truth. Ayaw niyang masaktan ka Macky. I did him a favor, a dying man's request..."

Hindi ako makahinga dahil sa sobrang bigat ng aking nararamdaman. Akala ko ba'y nakalimutan ko na si Miguel at makakaya ko na siyang hayaang manatili sa aking nakaraan. Subali't ako'y nagkamali. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin pala siya na siyang lalong nagpahirap sa aking pagtanggap na wala na si Miguel. Naupo ako sandali. Hindi pa rin natitigil ang pagluha ng aking mga mata. Inabutan ako ni Dave ng isang basong tubig. Ininom ko ito. Dahan-dahan. Pumipikit ako habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa aking lalamunan. Nguni't sa halip na kadiliman ang makita ko ay imahe ni Miguel ang lumalabas.

Unti-unti ay nagawa ko ng makapagsalita..."Dave, I need an explanation... Please. Nagmamakaawa ako Dave. kailangan kong malaman ang lahat."

Kinuha ni Dave ang panyo mula sa kanyang bulsa upang punasan ang aking mga luha. Inilagay niya ang panyo sa aking mga kamay upang ako na ang magtangal ng mga natirang luha sa pisngi. At nagsalita na si Dave.

"Instead of you, ako ang sumama kay Miguel sa airport. Three hours before his flight we were there. Pero I can see in his face na balisang-balisa siya. Tinanong ko siya if there is something wrong but there's no reply. Magdadalawang oras na and hindi pa rin siya mapakali... Hindi ko na kayang tiisin ang ikikilos ni Miguel kaya tinanong ko siya sa huling pagkakataon. 'Si Macky ba?' at sumagot siya ng oo. And he did not utter anything again. Nahihirapan siya subali't kailangan niyang lumisan papuntang Australia. One hour before his flight schedule. Inaya niya akong lumabas. I asked him why, he did not respond, and we went out of the airport. Nagsulat siya sa isang maliit na papel and he told me to contact you and give you the sheet of paper."

Nagpatuloy si Dave at nakinig na lamang ako sa kanyang isinasalaysay...

"We went our separate ways . Umuwi muna siya ng Laguna to leave his things, send an e-mail to his dad na hindi na siya tutuloy sa Australia kasi he decided to stay, and ako, I went to Manila to fetch you... Nais ka niyang sorpresahin na hindi na siya aalis. Naisipan niyang magmotor na lamang papunta sa Manila para magkita kayo. Malapit na ako sa inyo when I received a call asking me if I am the cousin of Mr. Eduard Miguel De Jesus. The news came in, sinugod siya sa hospital due to an accident and he is in a critical situation. Sa halip na pumunta pa ako sa inyo at ipagtanong kung saan ka talaga nakatira, I rushed to the said hospital. I saw Miguel covered with blood. I tried talking with Miguel. He told me, 'Please take care of Macky for me...'. Hinawakan ko ang duguan niyang mga kamay. Ang huling sinabi niya ay 'Tell Macky how much I love him'. Wala na akong narinig pa galing sa kanya. Pinalabas na ako ng ward at naghintay" Habang sinasabi ito ni Dave ay nangingilid ang kanyang mga luha. Nararamdaman ko ang kanyang emosyon. Hindi lamang ako ang may matinding pagdadalamhati, ganun rin si Dave.

"Iniabot sa akin ng nurse ang narecover na cellphone ni Miguel. Napansin kong tumatawag ka. Hindi ko ito sinagot upang hindi mo malaman muna ang nangyari kay Miguel sa pag-asang malalampasan niya ang nangyari sa kanya. Ayokong mataranta ka. Nguni't wala pang ilang sandali ay pinatawag ako ng doktora. Wala na si Miguel. Patay na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kumala't na ang balita maging sa telebisyon hinggil sa nangyaring aksidente dahil nalaman kong may mga media na dumating. Ilang sagli't pa ay narinig kong tumatawag ka. Ang akala ko ay nabalitaan mo na ang nangyari. Pero hindi ko pa rin ito sinagot sa sobrang kaba ko."

Nagitla ako sa aking narinig at nagbalik sa akin ang lahat. Si Miguel nga. Siya nga ang lalaking napanood kong naaksidente subali't inilipat ko agad ang estasyon ng telebisyon dahil sa ayaw kong makarinig ng ganoong klaseng balita. Napakalaki kong hangal! Hindi ko man lamang namalayan na nawala na pala sa akin ang taong mahal ko dahil sa katangahang pinairal noong gabing akala ko'y pag-alis ni Miguel papuntang Australia. Nagawa ko pang magpakalango sa alak ng mga sandaling iyon. Muli ay hindi ko napigilang umiyak. Niyakap ako ni Dave habang siya ay umiiyak rin. Wala na akong ganang tapusin pa ang aking proyekto.

"Naalala mo ang sulat na ibinigay ko sa'yo noong una tayong magkita? Iyon ang sulat na ibinigay sa akin ni Miguel. Kaya napansin mong sulat niya iyon. Ang stuffed toy na rabbit ay siya talaga ang bumili, regalo niya sa iyo na ipapabigay niya sana sayo pagka-alis niya. Sa kanya nanggaling ang lahat Macky, pinalabas ko lang na sa package ito galing sa Australia. I'm sorry Macky, I had to lie... Forgive me." Pagpapatuloy ni Dave habang yakap-yakap ako.

"Samahan mo ako Dave, bukas na bukas din aalis tayo".


Nagpasya akong puntahan ang kinahihimlayan ni Miguel at sinamahan ako ni Dave. Ito ang hiling ng ina ni Miguel, na ilibing siya sa kanilang bayan. Hindi ako pumasok sa aking mga klase masilayan lamang ang puntod ni Miguel. Nagpaalam ako kay mama at ang sabi ko ay may class outing kami. Ayokong magsinungaling kay mama subali't kailangan. Hindi pa panahon na malaman ng aking pamilya ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao. Sinagot ni Dave ang aking pamasahe papuntang Legaspi City, Albay. Napatawad ko na rin si Dave sa pagpapanggap niya. Alam ko naman na hindi niya ito ginawa upang paglaruan lamang ako, bagkus, ginawa niya ito para kay Miguel. Mahaba-habang biyahe ito subali't kailangan ko itong landasin alang-alang sa isang sandaling makadalaw ako sa puntod ni Miguel...

Tinungo namin kaagad ang sementeryo. Wala masyadong tao, mangilan-ngilan lamang na dumadalaw sa mga yumao nilang mahal sa buhay, at ang supulturero na nagtatabas ng damo. Itinuro sa akin ni Dave ang puntod ni Miguel. Dahan-dahan akong naglakad sa madamong daan, wala pang araw ng mga patay, hindi pa masyadong nalilinisan. Madali naman namin itong natunton dahil hindi kalayuan sa pangunahing tarangkahan.
Tumayo muna ako sandali. Pinagmasdan ang lapida. Nakaukit ang pangalang Eduard Miguel De Jesus kasama ng kanyang araw ng kapanganakan at kamatayan. Inilapag ko sa puntod ang isang pirasong rosas at nagsindi ako ng kandila. Nanahimik sandali. Mataimtim akong nagdasal sa aking isipan.

"Miguel, kung saan ka man naroroon ngayon. Nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pinakamasasayang ala-ala. Ang unang lalaking nakapagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Kahit na hindi ito natupad dahil sa pagpanaw mo, masaya ako dahil nalaman kong mas pinili mo ako sa halip na sundin ang iyong ama. Kung ito ang kapalaran natin at itinadhanang hindi tayo magkatuluyan habang buhay... Malugod ko itong tatanggapin sa kabila ng matinding pighating naiwan sa aking puso..."

Matapos kausapin si Miguel sa aking isipan ay inilabas ko ang aming mga larawan. Hindi man ito ang orihinal na ibinigay sa akin ni Miguel ay sumasalamin pa rin ito sa aming mga nakaraan. Inilagay ko ito sa apoy ng kandilang nakatirik sa puntod ni Miguel.


Hinawakan ni Dave ang aking kamay upang pigilan ang aking ginagawa, "Anong ginagawa mo Macky?!"


"Nagpapaalam kay Miguel." tugon ko kay Dave habang nararamdaman kong pumapatak na naman ang aking luha.

"Hindi ko na kailangan ang mga larawang ito. Mananatili si Miguel sa aking isipan. Mas magandang sa puso ko na lamang siya hayaang mamuhay at hindi sa mga larawang ito..."

Pinagmamsadan kong magliyab ang mga larawan namin ni Miguel. Unti-unti, natutupok na ito ng apoy. Kasama nito ang paglaya ng aking puso mula sa kalungkutang bumabalot sa buo kong pagkatao dahil sa pagkawala ni Miguel. Tuluyan na itong maging abo at tinangay ng malumanay na ihip ng hangin. Hinawi ko ang mga tumulong luha sa aking mga mata. Tumalikod sa puntod ni Miguel at nilisan namin ni Dave ang pook ng kanyang himlayan. Muli sa aking isipan ay sinabi ko ang mga katagang,

"Paalam Miguel... Paalam.."


Matapos maganap ang lahat... Sa kasamaang palad, hindi naging kami ni Dave. Sa halip, kami'y naging matalik na magkaibigan. Tinanggap niya ang katotohanan na hindi ko siya magawang mahalin. Nguni't nariyan pa rin siya para sa akin sa oras na kailangan ko siya. Nagkaroon na rin siya ng sarili niyang kasintahan, at hanggang ngayon ay sila pa rin. Ako naman, nagsumikap mag-aral ng mabuti. Naghihintay pa rin ng lalaking muling magpapatibok ng aking puso na kagaya ng naramdaman ko kay Miguel. At lagi kong isinasaisip..

"Ang pag-ibig ay tila mga larawan. Nag-iiwan sa atin ng mga ala-ala. Mga imaheng nagdudulot ng ngiti sa ating mga labi o kasawian sa ating damdamin...

Hindi natin maiiwasan na sa kabila ng mga masasayang imahe nito, darating ang araw na kailangan nating tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanan na ito ay mga bakas na lamang ng kahapon dahil kailangan na nating mamuhay para sa kasalukuyan, at yakapin ang paparating na bukang liwayway patungo sa hinaharap ng ating buhay..."


(Wakas ng Rainbow Series Season 1: Larawan)


(Abangan ang Rainbow Series Season 2: Rosas)

August 25, 2008

Larawan (part8)


Habang dinarama ko ang kanyang mga labi, ako’y dumilat. Ang naaaninag ng aking mga mata ay si Miguel. Totoo ba itong nakikita ko? Oh pinaglalaruan lamang ako ng aking mga mata. Kaya napapikit akong muli. Subali’t nang buksan ko ang aking mga mata ay namulat ako sa katotohanan na hindi pala si Miguel ang aking hinahagkan. Si Dave. Nadala siguro ako ng pangungulila kay Miguel. Bumitaw ako sa pagkakayakap. Lumayo sa kanya at nagpaumanhin.

“I’m very sorry Dave..,” Inayos ko ang aking mga gamit, nagbihis, at akmang uuwi na. Palabas na ako ng pinto subali’t pinigilan ako ni Dave. “You don’t have to go. Please stay.”

“Pero Dave, mali ito. Maling-mali!” at hinawakan ko ang doorknob upang makalabas na sa silid nila Dave. Kailangan ko siyang iwasan sa gabing ito. Baka higit pa sa isang halik ang maganap. Ayokong mangyari ‘yon. Si Miguel pa rin ang mahal ko. Siya ang hinahanap-hanap ng puso ko at isinisigaw ng aking kaluluwa.

“Swear, it won’t happen again, just stay. I can’t let you go home in a night like this. Hindi mo alam kung gaano ako mag-aalala para sa’yo”. Kinuha niya ang aking mga gamit. Inilapag sa tabi ng kama. At inaya niya akong kumain. Dahil sa mga nangyari ay hindi ako masyadong umiimik. Walang kahit anong salita ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko magawang kausapin si Dave. Nahihiya ako. At halatang ganoon rin siya. Binasag ko ang katahimikan.

“May e-mail ka ba ni Miguel? Or kahit anong magagamit ko pala makipagcommunicate kay Miguel…”, tanong ko kay Dave.

Tumingin siya sa itaas, bumaling sa akin at nagsabing, “Yung old e-mail niya. Wala rin naman siyang binigay na ibang contact number. Try his YM.” At hindi na ako nagtanong pa. Paano ko makakausap si Miguel? Paano niya maipapangako sa akin na babalikan niya ako pagkabalik niya. Lahat ng sinabi ni Dave ay nasubukan ko nang gawin makausap lamang si Miguel subali't lahat ng pagpupumilit ko ay pagtatangka lamang at wala akong narinig na kahit ano pa man na galing kay Miguel.

Matapos kumain ay nagpasya kaming matulog na lamang. Nagbabalik pa rin sa aking gunita ang naganap kani-kanina lamang sa amin ni Dave. Baka makarating ito kay Miguel. Sana ay hindi ito ipagkalat ni Dave gaya ng pagtatago niya sa tunay na pagkatao ni Miguel. Ayokong makarating ito kay Miguel, baka magbago ang pagtingin niya sa akin. Hindi ko naman ito sinasadya at nadala lamang ako ng labis na paghahanap ko sa presensya ni Miguel. Nasa magkabilang panig kami ng kama at distansya ang pagitan. Ayokong mapalapit sa kanya.

“Good night, Macky.”

“Good night rin Dave”.

At sa kabila ng maingay na kulog, mabigat na pagpatak ng ulan, at malakas na paghampas ng hangin sa bintana, kami'y nakatulog. Subali't, hindi ako makatulog ng mahimbing. Sa bawat oras ako'y nagigising. Napapanaginipan ko si Miguel. Halos lahat ng masasayang ala-ala niya ay nagbabalik sa aking isipan at lumalabas sa aking panaginip. Pagkagising ko ay nakaharap na si Dave sa akin at hindi na nakatalikod. Malikot siyang matulog at medyo naghihilik, hindi gaya ni Miguel na nananatili lamang siya sa iisang puwesto at tahimik kapag natutulog. Sobrang magkaiba nga sila ni Dave. Nguni't hindi ko maialis sa akin na sila'y magkahawig. Kaya lalong hindi ako makatulog. Dahil nakikita ko talaga si Miguel kay Dave.

Bukang liwayway. Natapos na rin ang unos. Akala ko'y pinaghanda ako ni Dave ng makakain subali't nagkamali ako. Sinanay ako ni Miguel. Wala na nga pala si Miguel, nasa Australia na, at si Dave ang kasama ko, hindi siya.

"Oh, gising ka na pala", pagbati sa akin ni Dave. "Magbihis ka na at sabay tayong kumain sa convenient store sa kanto, hindi ako nakapagluto eh, sorry po".

Habang naglalakad papunta sa convenient store ay pinagmamasdan ko si Dave. Pasulyap-sulyap. Namamangha sa kanya. Sapagka't hindi niya hinayaang maulit kagabi ang nangyari sa amin. Maginoo naman pala siya kahit papaano at hindi lamang dakilang mahangin at pisolopo. Salamat na lamang at wala akong pasok ngayon at wala akong klaseng po-problemahin. Maari akong umuwi kahit anong oras ko gusto. Buong umaga ay magkasama kami ni Dave. Kinilala ko siya ng mabuti. Ayokong isang estranghero ang turing ko sa kanya at ganoon rin siya sa akin. Walang minutong hindi ako tumawa sa mga kuwento niya. Minsan may halong kapilyuhan, kakornihan, at higit sa lahat, ang pabirong kayabangan. Nakakatuwa naman siya. Kahit papaano'y nababawasan ang pangungulila ko kay Miguel dahil kasama ko siya.

"Oh siya, punta na tayo sa computer shop, i-save natin sa USB yung mga pics nyo ni Miguel, then try nating ipa-reprint na, para di ka na umiyak, masyado kang iyakin, hindi ka na bata", anyaya sa akin ni Dave na may halong pagpapatawa. Nang matapos kaming magpareprint ay hinatid na niya ako sa aming bahay. Siya pa lamang ang pangalawang lalaking sinama ko sa bahay at alam ang kinaroroonan nito. At katulad ng pagpapakilala ko kay Miguel, isa lamang siyang kaibigan. Dahil hindi alam ng mga magulang ko na ako'y isang bakla.

Lumipas ang ilang buwan. Kung kami pa sana ni Miguel ay isang taon na kami. Wala pa ring komunikasyong nagaganap sa pagitan namin ni Miguel. Dumating ang araw ng aming anniversary subali't wala pa ring Miguel ang nagparamdam. Kahit friendster account niya ay hindi na niya binubuksan. Si Dave rin ay wala raw kahit anong paraan upang makausap si Miguel. Kaya hanggang ngayon ay isinasaisip ko na lamang na sobrang dami ng kanyang ginagawa sa Australia kaya ganoon. Nahihirapan ako. Naubos na ang mga luha ko kakaiyak sa tuwing gabi bago ako matulog.

Unti-unti, nasanay akong mamuhay na hindi umaasang magbabalik pa si Miguel. Si Dave na laging nariyan para sa akin ang siyang kasa-kasama ko sa bawat araw ng aking pangungulila. Siya ang nagpapasaya sa akin. Hanggang sa dumating ang punto na kinalimutan ko na si Miguel at naniwalang isang araw, kung kami talaga ang itinadhana, magiging kami uli't. Lahat ng agam-agam ko ay aking iwinaksi sa aking puso't isipan. Kailangan kong mamuhay ng wala si Miguel. Kahit na labis ang pagmamahal ko sa kanya. Mabilis lumipas ang panahon. Tinggap ko na nga ang katotohanang wala na kami. Hindi na nga ako gaanong minumulto ng ala-ala ni Miguel. At binuksan ko ang aking puso upang magmahal muli...

Habang kumakain ng meryenda sa isang kainan malapit sa eskwelahan... "Macky, I want to tell you something." nanahimik ako at nakinig sa kanya," I've fallen in love with you. Alam kong mahal mo pa rin si Miguel, and I'm not expecting you to love me back. At least nasabi ko sa'yo na mahal kita. Kaya kong maghintay kahit gaano katagal. I'm not in a hurry Macky, I will wait until you say, Yes".

At ito na nga ang simula ng panliligaw sa akin ni Dave. Ayokong maniwala sa simula subali't pilit niya itong ipinaparamdam sa akin. Hindi kagaya ni Miguel na mabilis akong napa-oo dahil sa kanyang pangunguli't. Ang gusto ko, higit ko pang makilala ang taong susunod na mamahalin ko. Ayokong masaktan. Araw-araw ay sinusundo ako ni Dave sa paaralan. Siya rin ang gumagawa ng iba kong proyekto na nangangailangan ng sining dahil likas na malikhain si Dave. Ilang rosas na rin ang ibinigay sa akin, at pinapadala sa opisina ng aming student organization. Hindi niya ito pinapangalanan na nanggaling sa kanya upang hindi ako mabuko sa eskelahan kung ano talaga ako. Walang kahit anong nangyari sa amin ni Dave. Nirerespeto niya ang aking desisyon na huwag muna hangga't hindi pa nagiging kami at hindi na nga nasundan ang paghalik niya sa akin noong unang napadalaw ako sa ika-dalawampu't tatlong palapag.

Dahil sa isang proyektong kailangang tapusin ay nagpasama ako kay Dave sa bahay upang magpatulong sa isang paper mosaic na kailangang ipasa sa aking subject na "Art Appreciation". Dinalhan niya ako ng maraming pahayagan na maari naming gamitin sa paggawa ng nasabing proyekto. "Kapag natapos ang project mo, I'm sure na you'll get a 1 as your grade", pagyayabang ni Dave. Dito naman talaga siya magaling, sa ART. Sa aking pag-aayos ay binasa ko muna ang mga dyaryong bitbit ni Dave at ang ibang hiningi ko sa aking kapit-bahay. Lubhang may kalumaan na nga ang mga ito at maaring gamitin sa aking proyekto, mga magkakalahating taon na siguro. Sa totoo lang, hindi ako palabasa ng payagan sapagka't mahilig lamang ako na makinig ng musika at manood ng mga music videos. Binuklat ko isa-isa ang mga pahina. Hanggang sa napunta ako sa isang bahagi ng pahayagan.

Nabitawan ko ang dyaryong binabasa...

Nanginig ang buo kong katawan. Naitapon ko ang lahat ng bagay na nasa lamesa na gagamitin sana namin at nagkalat lahat sa sahig.

"Bakit Macky?!", nag-aalalang tanong ni Dave.

Hindi ko na naman napigilan ang aking sarili at napaiyak... Pinulot muli ang dyaryo sa sahig at kinumpirma ang aking nabasa...

Pabulong kong inuusal...

"hindi... Hindi ito totoo...",

pumatak ang luha sa aking mga mata....

(Itutuloy)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...