Hinanap ko ang aking livejournal account... Ang username ko pa that time is mystical_blue. Baklang bakla di ba. Since 2004 pa pala ako nagba-blog, sana apat na taon na pala akong nagsusulat. Pero, for me mas mabuti na 'to. Kasi ang account na iyon ay puro denial. Pagtanggi sa totoong pagkatao ko.
This is the concrete proof, try reading it:
****************************************************
Mystical_Blue (mystical_blue)
wrote,@ 2004-10-08 02:04:00
bakit ganun??
bakit kaya ganun?tanungin daw ba nila ako kung seryoso ako sa pinagsasabi ko na bading ako..wahahahahahahaha :)
Ito lang masasabi ko dun. Bahala na yung mga tao kung anong isipin nila sa akin. Kung iniisip nila na bading ako, bahala sila. Kasi hindi ko naman hawak yung paniniwala nila at sabihin kong mali ang iniisip nila di ba. Natutunan ko yun kay chastine, na I have to let them think what they want to think.
Kakaiba rin ang reaction nila Coco. Kasi si Chastine hinihintay na mag-Friday, eh may nagtanong kung bakit. Ang sabi ko, sa Friday, ikakalat ko na bading ako.. kaya ayun, tawa ng tawa sina Coco.. napatingin sa akin bigla.. wahahahahahah.. alam ko naman na noon pa eh ganun na ang tingin nila sa akin eh :) bahala na nga lang sila...
Bakit ako napagkakamalang bading:
* I am feminine (not a natural trait of a typical guy). Girly ako kumilos. Kung alam lang ng mga tao ang buong buhay ko, malalaman nila kung bakit ganun ako.... isa pa, madaldal ako. anong magagawa ko, it's my asset... :)
****************************************************
Perhaps I would be posting more of the reposts from my Live Journal Account how I lived in denial and loved secretly. If you were able to read the Lihim na Pagtingin: Goodbye My Assassin, mapapansin na ito rin ang emotions na mayroon ako.
****************************************************
5 comments:
we all passed in that denial stage. we'll at least i do. unti unting narerealize. unti unti natatanggap.
....
fun tlga magbasa ng mga old posts / blogs noh?
hahahahaha
sinabi mo pa...
andami kong posts about my secret love.. aysus....
kaya naaalala ko ang aking nakaraan...
hahahah
ako naka post...
pero pasimpleng patama lang sa dating mahal ko...
hays,,
nakakahiya...
pag nabasa ko mga pinagsusulat ko dati...
grrr....
bakla ka?! hindi nga?! chos!
may mga love story ako na sinulat noon na boy & girl ang characters pero ang totoo, boy & boy ang mga ito. mahalungkat nga para maire-rewrite at nang maitama haha!
love your blog! :)
Post a Comment