December 29, 2008

Againts the World

It's been so long since I posted in my blog but I suppose it's not too late for me to show how I feel about the Manila Pride March 2008. Ane before ending the year 2008, I need to express my points whether many people will get mad at me.

It was colorful and joyful event. I was wearing my national costume and my organization won the "Best Float Award". At the back of our float was a statement: "WE EXALT YOU JESUS", confirming our love for GOD and that we believe and have faith in him despite our imperfections.

With us are discriminators using the bible as their weapon.

Try watching the video:





Preacher: Cause we believe that God has a design. God made up Adam and Eve. He did. He solved it.... So he created a woman. He didnt create another man.... So it's God's design. Now again Im emphasizing, A Homosexual, we believe it's sin.
Yffar: Literal meanings of the bible??? Not thinking of the "sitz im leben". yes, it was God's design to create Adam and Eve in the begining. They were straight, but not all of their children. Isn't King David, the greatest king in Bible History Bisexual???

Girl 1: Diba ang nilikha ng Diyos ay babae and lalaki.Tapos, Yung mga bakla, lalaki talaga sila. Nagrerebelde sila sa Diyos at nagsisinungaling sila. Pinagkalooban sila na maging lalaki pero gusto nilang maging babae. Ang ibig sabihin, yun na, nagrerebelde sila. At nagsisinungaling sila sa lahat ng taong nandito na babae sila pero ang katotohanan na lalaki sila. kasi di ba yun choices nila na maging ganun pero yung sinasabi nila na free will pero yung ginagawa na yun ay kasalanan sa Diyos may limitation yung mga freewill na nararanasan ng tao.
Yffar: Who set the limitation of freewill? It is man himself. You. have you done your study or taken any basic Psychology on homosexuality? To say that all gays wants to be women? Well im gay and i wanted to stay as a man and not to be a girl. Isa pa, we are not rebels, if we are againts God, why are we doing good deeds to our fellow men...

Girl 2: Magkaroon po kami ng bunga po na mareach out ung iba sa kanila na nagnanais talagang magbago. Kasi talaga hindi kami naniniwala na wala sa kanila na gusto talagang magbago eh. para ring nga gusto talagang mareachout talaga kung anong meron sa kanila ngayon.
Yffar: Unfortunately, you were not able to get people from us who wanted to change. Because that is what Gay Pride is all about! We are free to be what we want to be.

Foreigner (as i heard it) : We have beautiful women in Philippines, why do men marry men. Do not support this evil act. Is a taboo. Is abomination (?). Is it bawa (?) Do not support this evil act. A man should live with a father and a mother, married to a woman, not to a???? Man! Because if you do that, you are destroying the generation. because life will not come in to existence. I dont see the reason why we have beautiful ladies in Philippines, and our men are marrying each other. And we are celebrating this ceremony..
Yffar: yes, we are happy that we have beautiful women in our country. but it does not equate to man marrying men?! it is called LOVE! The freedom to choose who we want to live with for the rest of ourlives. and please do not use the word "WE", you're not a filipino and say that it behalf of the majority of this country's population.

Some Posters:
"God Hates Sin"
"It's not ok to be gay, it's sin"
"Kinapopootan ng Diyos ang lahat ng mga gumagawa ng kasamaan"
"Turn or Burn"
"Malagim ang kasasapitan ng mga taksil at mapakiapid tuloy papunta sa Impyerno"

Yffar: God also taught you guys that who ever does not have any sin, he can casts the first stone. Oh God, you are not following Jesus' instructions!
Other Hate Vids:

To all:
BELATED MERRY XMAS AND A HAPPY NEW YEAR and be PROUD of WHAT YOU ARE WITH OUT STEPPING ON OTHER PEOPLE'S IDENTITY AND RESPECT EACH INDIVIDUAL AS TO HOW MUCH YOU WANTED OTHERS TO RESPECT YOU.

Why cant we digest the idea that being homosexual is normal and let us live a normal life. If we are truly accepted, we wont be lobbying for any anti-discrimination bill, march every december, nor me posting this kind of message in this website!





Many homosexuals died and were murdered because the gay killers claim that it is written in the bible to punish homosexuals for it is abomination. Did God teach us to kill our fellow men just because it is written in the so-called sacred scripture!



GAY PRIDE is not one of the 7 Deadly Sin and is not even the opposite of the christian value humility. It is a celebration of Diversity of what God made us and despite of unacceptance, we are still going to fight for what we think is right in this conservative and blind confirmist society...





STOP THE HATE!




I am Yffar, I am Gay. Live with it!



I love you all...

November 11, 2008

Rosas (part3)




Ang bata…


Nagmamakaawa…


Nanghihingi ng tulong…


Walang nakakarinig…


Lagi siyang nasa aking panaginip. Hindi ko maikubling maawa sa sinapit ng musmos.


Nang ako’y magising ay nakagayak na si James, may pasok pa siya sa trabaho kahit Linggo. Ayon sa kanya, ang day-off niya ay Sabado’t Miyerkules. Tamang tama, maari kaming magkita sa Miyerkules dahil wala rin akong pasok sa araw na iyon. Hinatid ko siya sa sakayan ng jeep. Magkahiwalay ang landas namin sapagka’t siya’y papuntang Marikina, at ako nama’y pabalik na ng Maynila. Habang nag-aabang ng masasakyan ay panandalian ko munang kinausap si James.


"hmmm… Can we meet on Wednesday?", tanong ko kay James.


"Sure, anong oras naman at saan?" tugon ni James sa akin.

"SM Megamall, para meet tayo half way. Ok lang ba?" anyaya ko sa kanya.


"Sige, walang problema, oh teka, ayan na yung jeep, bye! Text –text na lang tayo muna ah." pagkasambit ni James ng mga katagang iyon ay sumakay na siya sa jeep. Nasa bandang unahan siya at katabi ng tsuper. Mula sa side mirror ay nakikita ko siya at nakatingin rin naman siya sa akin mula sa naturang salamin habang nakangiti. Pasimple akong kumaway sa kanya na tanda ng pamamaalam.


Nang malayo na ang jeep na sinakyan ni James ay nakatanggap ako ng text, galing kay Niel.


"Best, kamusta ang booking? Balitaan mo naman akes!"


"Loko ka, walang nangyari sa amin"


"Echos, ikaw pa. Kilala ko pagkababae mo noh"


"Ang kulit mo noh, sinabi nang wala eh".


"Ok Sabi mo eh, next week ko na bayaran utang ko ah. Bibili pa ang lola mo ng bagong cellphone"
Hindi na ako nagreply kay Niel. Mamaya na lamang pagkauwi ko. At dahil sa nagmamadali na ako ay sumakay na lamang ako kaagad ng MRT. Medyo nahihilo pa ako kaya naisipan kong matulog habang nagba-biyahe. Pagkagising ko ay wala nang lulan ang tren kundi ako. Kaya dali-dali akong bumaba ng tren upang lumabas ng istasyon na ito upang makalipat sa LRT. Tila umiikot pa rin ang aking paningin. Mabuti na lamang at lagi akong may dalang LRT card kaya nakasakay ako kaagad ng tren. Ilang istasyon lamang ang daraanan ng tren bago ako makauwi mula sa EDSA.


"Libertad"


"Gil Puyat"


At nakababa na nga ako ng Vito Cruz station. Naglakad ako patungo sa gusaling tinutuluyan namin ni Dave. Nang makarating na ako sa nasabing building ay nag-elevator ako hanggang sa ika-dalawampu’t tatlong palapag at tinungo ang aming kwarto.


Gising na rin pala si Dave. Himala, ang alam ko’y kapag Linggo ng umaga ay tulog-mantika ang kapatid kong ito. Inusisa ko muna si Dave.


"May lakad ka ata, san ka naman pupunta?" pabiro kong pangungulit sa kanya.


"Hmmm. Sa friend ko, birthday celebration. He invited me, nakakahiya namang tumanggi. Ikaw kuya, saan ka galling?" pabalik na tanong niya sa akin.


"Sa friend ko rin, medyo naka-inom ako kaya dun na ako natulog", habang kausap si Dave ay hinubad ko ang aking suot na damit upang makapagpalit.


"Ows? Friend nga ba bro? eh bakit may kiss mark ka sa dibdib?" biglang tanong sa akin ni Dave.
Nagulat ako sa sinabi ni Dave kaya tiningnan ko kaagad ang aking sarili sa salamin. Naku, mayroon nga! Hindi ko siguro namalayan na nagkaroon ako ng marka dahil sa nangyari sa amin ni James kagabi. Nakakahiya at nakita pa ito ng nakakabata kong kapatid. Hindi ko alam ang gagawin kong palusot kaya ang nagsabi na lamang ako ng..


"Ah, wala yan. Wag mo na lang pansinin. I’m on the right age na rin naman di ba."


"Ok. Whatever. Anyway, I’m going na. Baka late na rin ako umuwi, pero di ako magpapa-umaga, may pasok pa ako bukas" tugon sa akin ni Dave.


Pagkalabas ni Dave ay naglinis ako ng kwarto. Lagi ko naman itong ginagawa kapag wala akong pasok. Konting pagwawalis, paglalagay ng mga gamit sa wastong lalagyan at pinakahuli naman ang paglalabas ng basura. Habang nagsasalin ng mga basura mula sa trash can at inilalagay ko na ito sa itim na trash bag ay may nakita ako na lubha kong ikinagulat.
Isang gamit na condom na mamasamasa pa.


Mukhang kagagamit lang. Aba, at hindi lang pala ako ang may ginawang kababalaghan kagabi, maging si Dave ay ganoon rin. Marahil nang malaman niyang hindi ako uuwi ay may inaya siya sa bahay. Hindi ko na lamang siya pakikialaman kasi parehas na kaming nasa hustong gulang at may sariling mga pag-iisip.


Lumipas ang ilang oras.


Maghapon kong hinintay ang text ni James subali’t wala pa rin. Wala akong makausap sa telepono kundi ang aking matalik na kaibigang si Niel. Ilang saglit na lamang ay nagtext na rin sa akin si James.


"Sorry, bawal ang cp sa work, tuloy tayo sa Wednesday ah. Text kita ulit mamaya pagkauwi ko"
Yun lang ang natanggap kong text galing kay James. Pero mas mainam na yun kaysa wala akong mabasang mensahe niya. Kahit papano ay nalaman ko na nais niya rin akong makita ngayong darating na Miyerkules. Nanabik na rin akong makita siya.


Tatlong araw na rin ang nagdaan. Nauna akong makarating sa Mega Mall. Matagal-tagal na rin akong nakatayo sa tapat ng skating rink at inaabangan ko siya upang surpresahin. Nakakubli sa aking bag ang isang pirasong rosas na nakalagay sa isang karton. Ibibigay ko it okay James mamaya kapag nakakuha ako ng tamang tiyempo. Ilang sandali na lamang at naaninag ko na siya mula sa malayo. Nakasuot ng puting t-shirt at maong pants. Napakapayak ng kanyang gayak subali’t pansin pa rin ang matikas na hubog ng kanyang katawan at aliwalas ng kanyang mukha.


"Im sorry traffic kasi eh. Kanina ka pa ba?", tanong niya sa akin na tila nahihiya dahil sa hindi niya pagpunta sa takdang oras.


"No. it’s ok, I just arrived din naman eh. San tayo magdidinner, dun na lang sa Davao Tuna Grill?" anyaya ko sa kanya.


At sumang-ayon siya sa akin na doon na lamang kami kumain, "Ok, sige, medyo gutom na rin naman ako eh."


Ako na sana ang magbabayad ng binili namin subali’t hindi siya pumayag. Wala na siyang nagawa nang inabot ko sa kahera ang limang daang piso. Naglakad kami patungo sa ikalimang mesa mula sa pinagbilhan ng pagkain at naupo na magkaharap. Habang kumakain ay pinagmamasdan ko siya. Medyo tahimik, wala masyadong imik. Hinayaan ko na lang at baka dala lang ito ng pagod sa biyahe. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain. Matapos kumain ay napagkasunduan naming maglakad-lakad sa likod ng mall at tinungo ang isang maliit na parke na katabi ng isang coffee shop.


Binasag ko ang katahimikan naming dalawa, "Kamusta na ang work?"


"Maayos naman, nakakapagod pa rin, pero kailangang magtrabaho. Kahit na maliit lang yung suweldo, wala naman akong magagawa", sambit sa akin ni James habang nakatingin sa langit. Medyo makulimlim at wala masyadong bituin ang aking naaaninag.


"Bakit hindi mo subukang mag-call center?" tanong ko sa kanya.


Bumaling siya sa akin ng tingin at malumanay na sinabi, "Hindi ako matalino, isa’t kalahating taon lang ako sa college at hindi pa ganoon kagaling mag-English. Kaya ito lang ang kaya kong gawin"


"Pero nakakapunta ka sa bar kahit wala ka na masyadong sinasahod"


"Alam mo, isang paraan lang yon para makabawas ng stress, sa totoo lang, isang beses sa isang buwan lang ako nagpupunta sa bar, nagkataon lang na nagkakilala tayo doon."


Mukhang napasobra yata ang aking pagtatanong kaya nanghingi ako ng paumanhin kay James, "Ah, sorry if naoffend yata kita sa question ko na yun, anyway, nasan na ang family mo?"


"Nasa probinsya, ang nanay at tatay, kasama na rin yung asawa ko at yung isa naming anak"
Nagitla ako ng bahagya si narinig ko kay James kaya kinumpirma ko sa kanya ang aking narinig, " You mean, you have a wife and a child sa probinsya?!"


"Hindi pa naman kami kasal, nagkatuwaan lang, nag-inuman, nalasing, at hindi ko na namalayan, nagising akong parehas kaming wala nang damit. Matagal na pala niya akong gusto. Lumipas ang ilang buwan, nalaman ko na lang na buntis na pala siya." Paliwanag sa akin ni James.


"So you’re bisexual talaga. Pero may anak ka na at asawa kahit na hindi pa kayo kasal, halos ganoon pa rin yun, right?! And then muntik nang may mangyari sa atin last sunday"


"Tao lang din ako, hindi mo maiiwasan na may hanapin ang parte ng pagkatao ko dahil hindi ako perpekto. Nagkataon lang na maaga akong nagkaroon ng pamilya, darating ang araw, mapipilitan ka ring mag-asawa dahil mai-isip mo na hindi panghabang buhay, magiging masaya ka bilang kung ano ka man ngayon. Mahirap tumandang bakla o silahis. Baka magsisi ka sa huli na isa-isantabi ka na lamang ng mga kapatid mo" winika sa akin ni James at muling ibinaling niya ang kanyang mga mata sa langit. Tila malalim pa rin ang kanyang iniisip…



Mag-iika sampu na ng gabi at napag-isipan naming dalawa na oras na para umuwi. Kahit papaano’y masaya ako at nakasama ko siya. Subali’t nagdadalawang isip ako kung ipagpapatuloy ko ang aking balak na panliligaw sa kanya.



Katulad ng nakagawian, una ko muna siyang hinatid sa sakayan ng jeep papuntang Cubao. Nagpaalam ako sa kanya at pasimpleng inabot sa kanya ang nakakartong rosas. Hindi naman halata kung ano ang laman ng kartong ito sapagka’t nakabalot ito ng papel. Sayang naman kung hindi ko maibigay sa kanya.



Dahil sa wala nang MRT, ako’y sumakay na lamang ng bus pauwi…




...na puno ng agam-agam.


(itutuloy…)

November 1, 2008

To be Respected,Accepted and Loved


Hi, Im DeL , one of the co-author's of this blog (co-author's nga ba yffar? hehehe).  hindi naman ako always na mag susulat dito eh, kapag tinamaan lang ako ng gana at kapag may naisip lang hehehe :)

Im here to talk you guys what i am all about, what my opinions in life,how i treat myself, how i look up to life and how i hold my ground. Im a Transgender, i was born gay actually..bata palang beki na lol! :) My transition started nung nag College nako sa Benilde kasi alam ko may freedom ako dun. kaya aun as my hair started to grow longer unti-unti narin akong nagiiba ng sinusuot ko :) from, mukhang super becky to mukhang girl, salamat kay Ms. Althea Pillar (Althea Pills). without it hindi ako magmumukhang girl hehehe *wink*.  Ngayon at ganito nang transgender ako, may mga rules or Codes akong dapat i-set sa mind ko at eto un:

Gaining/Earning Respect. . .

In life as a trans like me you may always want to consider how people would treat you in the way you want it should be, may it be your friends or not. First thing, i always consider what i wear outside in public. for me, i always wear casual jeans and simple tops and blouses. i tend to blend in with the girls and not to stand out and caught other peoples attention. hindi kasi ako papansin at ayokong magmukhang katawa-tawa. i dont dress like im some whore or what. Kasi kung matino ang pananamit mo matino din ang tingin ng tao sayo. coz im one person who wants to give a good reputation and a good name for the LGBT community. If you really wanna be respected as a person. Then dont do something na ikasisira ng pangalan mo,kasi hindi lang ikaw pati ung ibang LGBT nadadamay. of course people would think that we are all the same(which in fact not). kaya nagiging mababa ang tingin ng tao sa mga LGBT and at the same time nagkakaroon ng discrimination kahit alam mo naman sa sarili mo na matino ka at may pinagaralan. As part of the LGBT community, showing respect for yourself and gaining respect from others is one very important thing that you should always look up to. And with that you wont have a hard time being accepted.

Being Liberated. . .

Basic meaning is to be free... free from the old belief's, old notions etc... setting yourself to new ideas accepting something new. Being comfortable with your sexuality, being comfortable with any conversation. or just simply being an open-minded person. Now when it's comes to being liberated, i tend to be a little more careful with my self, Coz i can be a liberated person in a way i wont lose my Dignity. 

To love and Be Loved. . .

Masarap magmahal,masarap din yung minamahal ka...well for me i dont find that easy. alam ko naman walang magseseryoso sakin dito sa pinas. although naka 12BF's nako 11 bisexual na ex at isang ex na straight which adds up to 12.. :) i dont lose hope kasi and i always have faith :) even though my friends keep telling me na walang magseseryoso sakin dito. still that doesnt stop me from believing, hehehehe . Coz im not closing my doors. kasi madalas ako hindi ako sineseryoso at parating taken for granted ako. huhuhu. :) until here nalang ung sasabihin ko kasi pag ako nagkwento magiging controversial ito. at im sure may aapila hehehe to keep it safe. till here nalang hehehe :)


P.S
Raffy thanks for letting me write at your Blogspot :)
thanks again :)

DeL

Points and Disappointments on All Saints Day

North Cemetery at Hallows Eve 2008
-Dhel
Raffy, Calves and I (DeL). Decided to go for a Ghost hunting at the North Cemetery since it's halloween and my second time to visit. We'll it's not actually ghosts that we encounter,mostly nature spirits wondering among tress and clinging onto peoples shoulders. To cut the story short and get to the main point of my purpose of writing here at raffy's blog (thanks nga pala hehehe).

If your one of the regular visitors of North Cemetery (NC) especially on Oct.31. it's really normal to see hundreds of people coming in and out of the place, some stayed for an over night for those people & families that came from provinces just to pay a visit and respect for their deceased loved ones. Now im wondering why of all the places in Manila, bakit asa NC nagkakalat ng kahihiyan ang mga effemistang becking ito???. After kasi naming mag Spirit hunting, we decided to roam around the NC, then something caught our attention, right in the middle of the roundabout ang daming tao watching, ayun! ang mga Becky nagtitipon-tipon at nag kokontest ng Ms.Gay Lotto, at sa loob pa mismo ng NC. Masaya kung masaya kasi nakakatuwa naman talaga dba? but wait...mukhang hindi na ata ito tama ganitong asa premises pa sila ng NC. at take note! right in the middle of the situation ayun nagsilabasan ang mga police at hinuli ang mga Beking kontesera at dinala sila sa mini station ng mga police located just outside the NC, nakakaawa silang tingnan kasi they seem like they dont know what to do or say. kasi they brought it to themselves narin eh.
It's wrong kasi to do that especially sa NC (North Cemetery) pa. Although it's not wrong to have fun but it should be in the right place and in the right occasion. And that is one of the reason's kung bakit tayong mga matitinong LGBT ay na didiscriminate at nadadamay dahil narin sa kagagawan ng iba. Isang example nadin ung mga Fancy clothes they wear at the NC, some wear costumes na halatang Ms.gay lotto lang talaga ang puntirya hehehe :) at ung iba naman kabastos-bastos pang tinginan like a whore thing would wear,kasi hindi nga bagay sa kanila ung outfit hindi pa bagay sa occasion they'r just making a fool out of themselves i guess they dont know what kahihiyan means and how it feels not to mention all those Fookie shorts they wear. I often wonder kung ano ba talaga ang purpose nila sa NC lalo nat kadalasan sa mga effems na ang suot nila eh pang club at may mga kasama pang mga lalake.hhmmm...sila ba ay nagpunta para bumisita sa kanilang mga yumaong patay? o humada ng mga lalake para gisingin at buhayin ang mga patay nilang titi to suck the life out of it and die again???? hhmmm.. pano naman kasi sa madilim na eskinita at kasuluk-sulukan ng NC may ibang himala na nagaganap dun.eewww... hahahahahaa!!!

Sana kung gaano kadami ung mga nakikita nating mga becki sa NC ganun ding kadami sa Pride March. at kung pede lang doon nalang din nila i-flaunt ung mga ka-bekihan nila para may sense naman ung pag lantad nila dba? and obviously these people doesn't realize na nasa sementeryo sila hindi sa park....hehehehehehe :)

*****************************************

ALL SAINTS DAY!! ALL GAYS DAY?!
-Calvez

LAst night i ask my two friends to go to cemetery to hunt for ghost. its really my first time to go to cemetery the night before ALL SAINTS DAY. It's not that crowded but still, there are people going in and out of the place. I was then disappointed that we might not see & feel spirits there. A nd what really make my jaw drop is to see GAYS in their girlie outfits, other in costumes of angel, fairies & in drAG QUEEN image. GAys in all ages were present that night. it is morelike looking to a parade of them.

pagkatapos ng aming pakay sa sementeryo. nag pahinga kami sa isang lugar kung saan madaming ding tao at nag kakatuwaan. ay POTA "ANG MGA BAKLA MAY EKSENA", they were having a mini-beatypageant inside the cemetery & people gathered around to see and make their selves happy for a while of visiting & praying for their dead love ones.
cyempre "BAWAL" un. dumating yung mga pulis para paalisin sila dun at pinag huhuli ang mga BEKY.

nakaka awa kung iisipin dahil gusto lang din naman nila magpasaya, kumbaga HAppy & GAY. pero ang tanung ko,,,

- ARAW NG PATAY DIBA? AT HINDI ARAW NG MGA BAKLA?- WHY DO THEY HAVE TO WEAR COSTUMES FOR A PARTICULAR PURPOSE? OR ARE THEY REALLY THERE TO VISIT OR JUST TO DISPLAY THEIR GAYISH & DIS HONORING ACTS.
ang akin lang, RESPETO PO SA MGA PATAY. im not againt gays but i suggest to act propperly on a propper place & time.

how I wish yung DAMI ng BAKLA na nakita ko sa sementeryo ehh makita ko sa PRIDE MARCH dis DECEMBER at dun nila ipakita na ndi NAKAKAHIYANG maging BAKLA.

MAKE IT A POINT na ndi lang PAG RAMPA ang alam nila kundi PAGTANGOL ANG BAWAT KARAPATAN NG MGA KATULAD NILA!

NATIN!

IM JUST DISAPPOINTED OF WHAT I'VE SEEN LAST NIGHT. HINDI "MALATE" ANG SEMENTERYO.

IT IS NOT "ALL GAYS DAY" BUT IT IS "ALL SAINTS DAY"

RESPETO LANG PO

October 24, 2008

Freudian Psychology: Nature at its Finest (part2)

This is the second part of my Freudian Psychology picture set... Unfortunately, my template does not fully support uploading pictures and I cannot include some comments or caption with each photo. Enjoy! Berde mag-isip... echos.





October 21, 2008

The Benefits of Sex

1. Sex is a beauty treatment. Scientific tests have shown that a woman who has sexual relations produces big amounts of estrogen which makes hair shiny and soft.

2. To make love in soft and relaxed way reduces the possibilities of suffering from dermatitis and acne. The sweat produced cleans pores and makes the skin shine.

3. To make love allows to burn all the calories accumulate is this romantic love scene.

4. Sex is one of the safest sports. It strengthens and tonifies all body muscles. It is more enjoyabel than doing 20 lapses in the pool. And you don't need special shoes !

5. Sex is an instantaneous cure against depression. It frees endorphines in the blood flow, creating a state of euphoria and leaves us with a feeling of well-being.

6. The more we make love, the more we have the capacity to do more. A body sexually active releases a higher amount of pheromone. This subtle aroma our partner !

7. Sex is the safest tranquiliser in the world. IT IS 10 TIMES MORE EFFICIENT THAN VALIUM

8. To kiss everyday allows to avoid the dentist. Kisses aid saliva in cleaning teeths and lower the quantity of acids causing enamel weakening.

9. Sex relieves headaches. Each time we make love, it releases the tension in brain veins.

10. To make love a lot can heal a nasal congestion. Sex is a natural antihistaminic. It helps fight asthma and spring allergies.

October 17, 2008

Halo-Halo Thoughts: Personal Entry Muna

Busy.




Yan ang status ng buhay ko ngayong buwan ng Oktubre. Matagal-tagal rin bago ako makapagpost ng bagong katha sa blog na ito. Kahit ang makapagsurf sa internet ay isang bagay na mahirap magawa sa dami ng trabahong dapat asikasuhin. At siyempre, ang serye ng mga kaganapan sa aking buhay na halos ikawindang ng lola nyo.

Episode 1: Ang Pagkasira ng Laptop

Oh yes, napakabait sa akin ng kapalaran at nagulat na lamang ako na sira pala ang aking laptop. Kinailangan itong i-reformat at nabura lahat ng files kasama na ang 46 pages na online meeting ng Rainbow Bloggers Philippines at ang aking mga entries para sa Rosas. Unfortunately, wala akong draft mga ito dahil derecho sa pageencode ang aking mga ginagawa. Mabuti na lamang at naayos ito ng aking workwate na IT master. Kaso, nakakahinayang lahat ng porn videos at nude pictures na pinakatago-tago.

Episode 2: Ang Aking Resignation at Pagbabalik Eskwela

After three years na tumigil ako sa pag-aaral, ako'y magbabalik na ulit sa DLSU-Manila and the price I have to pay is resigning to my current job. Anjoray. Lagi akong absent sa work para asikasuhin ang aking returnee status. Andaming cute guys, nakakalula. Hahahaha. Kaya ayon, pagkabalik sa work, kailangang i-back track lahat ng pending. Anyways, super mamimiss ko lahat ng workmates ko, kasi napamahal na sila sa akin. Ang sabi ko na lang sa kanila, babalik balik ako sa office namin para magtinda ng AVON.

Episode 3: Ang Iba't ibang Organisasyon

Malapit ng mag December, hindi dahil malapit nang magPasko, malapit na kasi ang Pride March at kailangan kong makahanap ng mga dadalo at magmamarcha. Lalakarin ko rin ang SEC registration ng GABAY, ang aking organization. May Sports Fest pa akong aayusin sa November. Daming deadlines na hinahabol. Pero kaya ito, isa akong bakla, lalong tumatatag kapag napapasubo!

Episode 4: Ang aking karamdaman sa Puso

Sa sobrang daming ginagawa, hindi na ako makapagpatingin sa doctor. Lagi kasi akong nakakaranas ng paninikip ng dibdib at pananakit ng batok. Mukhang high blood nga ata ako. pero hindi ito maaari, ang hula sa akin ay mamamatay ako sa edad na 60, at tatandang mayaman, hindi kagaya ng kaibigan ko, ang hula sa kanya ay mamatay siya ng wala pang 30. Hay naku, ibig sabihin, kailangan niyang mamatay bago mag 3o para yumaman ako? Hahaha. Hula lang yun, pero nagkatotoo kasi lahat ng hula niya sa akin gaya ng pagreresign ko sa Call Center two years ago. Ay, ang di lang ata magkakatotoo, ay ang hula sa akin na magkaka-apo ang mga magulang ko sa akin. Sorry sa aking ama at ina, wala po akong matres.


Episode 5: Ang Paghahanap ng Mga Nawawalang Wala

Bago ako umalis sa kumpanya, kailangan walang back log, kaya lahat ng mga dokumento ay kailangang ma-endorse. Kaya ang oras ko ay nakatuon sa pageendorse. Kasama na rito ang mga nawawalang dokumento, na hindi ko na naman dapat problemahin pero nahanap ko. Nakakaloka rin ang paghahanap ko sa mga papeles na ibinigay daw sakin subalit wala naman sa mga files ng aplikante. Aba, nawindang ako sa kakahanap, wala naman pala talagang ibinigay sa akin, nasa aplikante pa rin, kasi xerox lang ang ibinigay. Che. Ayan, nakahanap ako ng wala.


Episode 6: Dobulyu Dobulyu Dobulyu Dat Rainbow HaloHalo Dat Com

Bilang pagseseryoso, on the process na ang http://www.rainbowhalohalo.com/ kasabay ng http://www.gabay.org/. Siyempre, kailangan bago rin ang template. Ang problem, Biology major po ako at hindi programmer. Hahahaha.

At after ng post na itech, ang pamamahinga ng Diwata ng Bahaghari ay nagwakas na...
P.S.At siyempre, salamat sa mga bumoto sa akin sa TiTi Awards. May Titi na rin ako! Winner

Balik Blogging na ulit akesh!

ECHOS!

September 25, 2008

Rosas (Part 2)

paunawa: bago basahin ang part 1 bago basahin ang akdang ito..


Monthsary na namin bukas. At alam kong parehas naming hinihintay ang araw na ito sapagka’t magkakalahating taon na rin kami ni James. Naalala ko pa nga noong una kaming magkita, hindi ko naialis ang aking mga mata sa kanya dahil sa una pa lang naming pagkikita ay minahal ko na siya.

Pitong buwan na ang nakalipas, nang sinamahan ako ng aking best friend na si Niel sa isang bar sa Cubao upang gumimik dahil unang sweldo ko sa una kong trabaho. Malapit ito sa lugar na aking pinapasukan bilang isang call center agent. Nagbabalik sa aking gunita kung paano ko siya unang nakilala…

“Is this seat taken?”, tanong ko sa isang lalaking nakaupong mag-isa sa loob ng bar at may hawak na beer.

“No”, tugon niya na may kasamang ngiti sa kanyang mga labi, lumabas rin ang kanyang dimples sa magkabilang pisngi. Sa sobrang dami ng mga tao sa bar ay hindi maiiwasang makitabi sa mga taong hindi mo kakilala. Iniwan ako ni Niel sapagka’t may nakilala siyang guwapong lalaki at naroon siya ngayon sa dancefloor, sumasayaw kasama ng natipuhan niyang lalaki. Habang nakatingin kay Niel ay inalok ako ng katabi ko.

“Tol, yosi?”

At inabot niya sa akin ang isang kahang sigarilyo. Kumuha ako ng isa at sinindihan. Hindi naman talaga ako naninigarilyo, natutunan ko lamang ito sa trabaho. Halos lahat sila ay nagyoyosi sa kanilang break, kaya nga nila ito tinawag na Yosi Break. Sa aking mga lunch break, at 15 minutes break, kape’t yosi ang aking pampagising. Night shift kasi, kailangang labanan ang antok. Natuwa ako sa lalaking nag-alok sa akin ng yosi. Kaya tinanong ko ang kanyang pangalan.

“I’m James, and you are?”, pabalik niyang tanong sa akin.

“ I’m Max”, gaya ng nakagawian, lagi kong binibigay ang aking pekeng pangalan, hindi ko binibigay ang ang totoo kong pangalan kapag nakikipagkilala sa mga taong hindi ko kilala. Hindi ako kaagad nagtitiwala sa mga nakapaligid sa akin. Mahirap na. Kahit na nagugustuhan ko na si James, hindi ako nagdadalawang isip na bigyan siya ng mga hindi totoong impormasyon ukol sa aking totoong pagkatao.

Nagkuwentuhan kami ni James sa loob ng ilang minuto, kahit hindi pa kami magkakilala, kami’y nagkapalagayan na ng loob. Natuwa ako sa kanya, hindi man ubod ng katalinuhan kagaya ng hinahanap ko sa isang lalaki, ay masasabi ko namang may sense siya kausap. Inabot niya sa akin ang kanyang ID. Lalo akong natuwa sa kanya. Totoong pangalan pala niya ang binigay niya sa akin, maging ang lahat ng detalye gaya ng kung saan siya nakatira ay akma sa kung ano lahat ng sinabi niya sa akin. Nanlumo ako at hindi ko muna binigay ang aking ID. Sa susunod na lamang ako magbubunyag ng kung ano talaga ang aking tunay na pagkatao.

Sa sobrang dami na ng mga tao sa loob ng bar ay nagpasya kaming lumabas. Doon ay nagpatuloy kami sa aming pag-uusap at nagsindi ulit ng tig-isang piraso ng sigarilyo.

“Gaano ka na katagal sa call center?”, tanong niya sa akin.

“Hmmm.. Mag-iisang buwan na. Iba pa yung training”

“Mahirap ba?”

“Sa simula medyo, kung hindi ka pa sanay, pero pag tumagal ka na, it would be easier.”

“Eh di puyat ka palagi”

“Sanayan lang yan. Di ba nga sabi ko sayo, sa simula lang mahirap.”

Mukhang interesado si James sa akin, unti-unti, hindi ko mapigilang maramdaman ko ring nais ko pa siyang kilalanin. Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay biglang lumabas si Niel at humahangos.

“Best!”, pahingal niyang paglapit sa akin.

“Oh, bakit? Napano ka?!”

“Nanakawan ako ng cellphone. Pati wallet ko nanenok rin. Pagkakapa ko sa bulsa ko WIS na.”

“Shit! Ang landi mo kasi eh. Nakarma ka tuloy. Namukhaan mo ba kung sinong nandukot sayo?”

“Maraming tao, malay ko kung sinech donchells! Best, anong gagawin ko, patay ako sa mudra ko nitey…”

“Eh di sabihin mo ang totoo”

“Baklang to, anong isplukelya ko, nag-bar akes, nakipagharutan, tapos nadukutan. ”

“Eh di sabihin mo na-snatch”

“hay, pwede na siguro yun. Uy sino siya?”, pabaling niya kay James at nag-beautiful eyes.

“Si James nga pala, just met him a while ago. James, this is Neil, bestfriend ko”, pinakilala ko sila sa isa’t isa. Nakipagkamay si Niel kay James. Medyo ayaw bitawan ni Niel ang kamay ni James, pero pinagkalas ko ang kanilang mga kamay. Napapangisi na lamang si James sa ginagawa ni Niel sa kanya.

“Uy, booking…” pabirong banat ni Niel sa akin.

“Baklang toh, umuwi ka na nga”, pakunwari kong ipinagtabuyan si Niel. Sa likod ng aking isipan ay nais ko na ring mapag-isa kami ni James.

Medyo nahihiya pa si Niel, pero pasimple niya akong binulungan ng, “Oh siya best, pautang naman akechi oh, kahit one hash lang. Pangjumasay sa jepelya. Kesa naman mag-walkaton ang lola mes.”

Pagka-abot ko kay Niel ng one hundred peso bill ay kinuha niya ng pilit ng number ni James. Hay naku. Napakakulit talaga ng best friend kong ito. Hindi pa man nakakalayo si Niel ay lumingon siya , “James, text-text tayo ah, babush”.

Nilapitan ko si James at nanghingi ng paumanhin, “Pasensya ka na sa bestfriend ko ah. Ganun lang talaga yun.”

“Ok lang yun, sanay na ako sa mga ganyang pangungulit. Hehehe.”, tugon sa akin ni James habang nakangiti.

Mag-aala-una na ng umaga at medyo malayo pa ang aking uuwian. Wala naman akong pasok bukas kaya maari akong magtagal sa galaan hanggang gusto ko. Tinanong ako ni James kung gusto kong tumuloy muna sa kanila sandali upang magpahinga. Wala ang kasama niyang umuupa ng kwarto dahil umuuwi yun sa kanila kapag Sabado at bumabalik lamang ng Linggo ng gabi. Hindi ko na nahindian si James at nagtungo kami sa kanilang boarding house. Una’y nag tricycle kami at bumaba sa isang kanto. Isang maliit na eskinita ang aming nilakaran. Nakakatakot dahil medyo madilim at baka may mga masasamang loob na humarang sa amin. Walang ilaw sa kalsadang dinaanan namin, mabuti na lamang at bilog na bilog ang buwan at siyang nagsilbing ilaw sa aming dinaraanan.

Nakarating na nga kami sa bahay nila James. Hindi ito kalakihan gaya ng inuupahan ko sa Vito Cruz. Ang namamagitan lamang sa bawat silid ay plywood. Iisang banyo lamang ang pinaghahatian ng apat na kuwarto sa nasabing lugar.

“Sorry ah, medyo maliit lang tong tinutuluyan ko. Pinagkakasya ko kasi yung budget ko. Di kasi kalakihan ang suweldo ng crew sa department store. Kapag naghanap pa ako ng mas malaki, mas mahal na kasi babayaran ko.”

“Wala ka namang dapat ihingi ng apology. Ako nga tong makikitulog eh, and one more thing. Wala kang dapat ikahiya ‘no”

Naghubad ako ng sapatos at inalis ang aking jacket. Hindi ko na tinanggal ang aking t-shirt at pantalon kasi medyo nahihiya pa ako kay James. Pinagkasya namin ang aming mga sarili sa isang maliit na kama. Ang tanging nagbibigay lamig ay isang maliit na electric fan. Mainit pa rin at hindi na ako nakatiis pa. Hinubad ko na ang aking t-shirt. Ganun rin si James, pero may natira pa sa kanyang sandong puti at boxers. Makakatulog na sana ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Bumangon ako at binasa ito.

“Kuya, what time ka uuwi?”, text sa akin ni Dave. Hindi nga pala ako nakapagpaalam na hindi ako uuwi ngayon.

“Tomorrow pa bro, I’m in my friend’s house”. Reply ko kay Dave.

Binitawan ko ang ang cellphone at nahiga uli. Tumagilid ako at pinagmasdan si James. Tulog na tulog siya. Napakaamo ng kanyang mukha. Sa sobrang pagkamangha ay dahan-dahan kong idinampi ang aking mga labi sa kanyang pisngi. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon at nagtagpo ang aming mga labi. Dumilat ang kanyang mga mata. Gising pa pala si James. Sa sobrang hiya ko ay napatalikod ako sa kanya. Kinakabahan ako na baka magalit siya sa akin. Pero hindi pala, bigla niya akong niyakap patalikod. Mahigpit na mahigpit. Alam ko na at aking nabatid na gusto rin ako ni James kaya humarap ako muli sa kanya. Magkatapat ang aming mga ilong at nagpang-abot ang aming mga labi. Naramdaman ko ang kanyang kanang kamay na nakakahawak sa aking batok, at unti-unting umakyat sa aking ulo, gumanti rin ako ng paglalagay ng kamay sa kanyang ulo at pinagdikit lalo ang aming mga labi. Pinagpapawisan na kami kaya inalis ko ang kanyang natitirang sando. Siya nama’y ibinaba ang aking maong na pantalon at naiwan na lamang ang aking panloob. Naglakbay ang aming mga kamay at tila kinakabisa ng aming mga palad ang aming mga katawan. Hindi naglaon ay inalis na namin ang mga natitirang saplot sa katawan. Aalisin ko na sana ang aking brief nang biglang tumunog ang cellphone ni James. Paulit-ulit. Nakakabingi. Nang tingnan ito ni James ay hindi nakarehistro ang numero sa kanyang phonebook. Pero mukhang pamilyar sa akin ang numerong ito. Hindi ako maaring magkamali at sinagot ko ang tawag na ito.

“NIEL!?!” Bungad ko sa tumatawag…

“James? Teka, you’re not James, kaboses mo si….”, tama ako. Si Niel nga ang lalaking tumatawag.

“Oo ako nga toh best, ano bang ginagawa mo?!’

“Uy best! Bakit masama bang tumawag aber?! Unless…”

“Hay naku..”

“wait, wait, wait, at anong ginagawa mo dyan kina James? Hmmm..”
“Ah basta…”

“Uy.. gumagawa ng baby…”

“Hindi no…”

“Huwag ka na magdeny mare. Ligwak ka na sa lie detector test noh!

“Sinabi nang…”

“Oh siya, sabi na nga ba eh. Booking ito. Kakaririn ko sana si Pogi, naunahan mo na pala akes. Goodnight!”

Binabaan ako ni Niel ng telepono. Kaya pala niya kinuha ang numero ni James, para tawagan. Nawala na ako sa ginagawa ko. Pambihira. Istorbo si Niel. Nang balikan ko si James ay nakatikod na ito. Niyakap ko na lamang siya at nakatulog na kaming dalawa.



Mahimbing...


Magkayakap...


Magdamag...




Ang bata… nagpakita na naman sa aking panaginip… lumuha ako sa aking paggising... dahil sa bata... nguni't bakit?

(itutuloy)


September 7, 2008

Rosas (part 1)

paunawa: bago basahin ang Rainbow Collection Series:Rosas ay basahin mo muna ang Larawan Parts 1 to 9.


“Huwag kang tumuloy diyan!” babala ko sa batang naglalakad patungo sa isang bahay. Hindi niya ako pinakikinggan. Sa hinuha ko’y nasa labintatlong gulang ang nasabing bata. Alam ko ang bahay na ito. Nararamdaman kong may nagbabadyang panganib sa oras na pumasok siya roon. Hinarangan ko siya. Tila hindi niya ako nakikita. Nilampasan niya ako, tumagos lamang siya sa akin at ang aking katawan ay nagmistulang hangin na unti-unting nawawala. Nakakalapit na siya sa pinto. Pilit ko pa rin siyang pinigilan subali’t kahit boses ko ay hindi niya naririnig. “Huwag!”

Nagdilim ang paligid. Wala akong makita. Ang paligid ko ay nababalot ng anino. Unti-unti, nakakita ako ng liwanag. Nilapitan ko ito…

“Kuya Steve! We’re here!”

Namulat ako at naririnig ko na ginigising ako ng tinig ni Dave, ang aking nakakabatang kapatid. Nanaginip lamang pala ako. Lagi kong napapaniginipan ang ganitong pangitain. Nasa bus nga pala kami na biyaheng Laguna. Rest day ko ngayon. Wala akong pasok at bibisitahin ko si mama. Lahat ng mga taong lulan ng bus ay nagsipagbabaan na, kaming dalawa na lamang ni Dave ang naiwan at hinihintay ng konduktor na bumaba.

Sumakay kami ni Dave ng jeep at bumaba sa restaurant na pagmamay-ari ni mama. Masarap siyang magluto, palibhasa kapampangan kaya ganun. Hinanap namin si Miguel, ang aming pinsan na dito sa Laguna naninirahan. Hindi na namin siya naabutan na nananghalian sa restaurant ni mama, tapos na raw siyang kumain kasabay ang kanyang kaibigan at nagmotor na pauwi. Hindi ko na naisipang puntahan sa kanila, hindi naman kami ganoon ka-close. Mas malapit sila ni Dave.

“How’s work Steve?”, tanong sa akin ni mama.

“Ok naman ma, medyo stressed lang the whole week. Mag-aapply pala ako as QA by next week. Maiba naman, boring yung paulit-ulit na trabaho. “

“Good, galingan mo ah, siya nga pala, nabisita mo na ba ang bagong bahay ng ate mo? Lumipat na sila malapit kina Miguel. Pero wala siya ngayon sa kanila, yung asawa lang niya na si Ikoy ang naiwan.”

Nang marinig ko ang sinabi ni mama ay nagpasya na lamang ako na hindi magpunta sa tinitirhan ni ate. Asawa lang naman pala niya ang madadatnan ko roon.

Kinagabihan, inaya ako ni Dave na mag-inuman sa isang bar sa bayan. Sa sobrang pagod ko at kailangan kong magpahinga dahil sa isang linggong pagtratrabaho ay hindi ako sumama sa kanya.

“Ang K.J. mo naman bro, once a week na nga lang tayo magkasama, di ka pa makikigimik”

“Dave, I’m tired… I’d rather sleep than go out..”

Nang umalis na si Dave ay kinuha ko ang aking cellphone. May hinihintay akong text mula sa isang napakaimportanteng tao. Subali’t wala ni isang mensahe ang aking natatanggap. Tinawagan ko siya subali’t hindi niya sinasagot ang aking mga tawag. Gabi na at nag-aalala na ako. Wala naman siyang pasok, bakit hindi niya magawang magparamdam maghapon. Matapos ang ilang saglit, sa wakas ay nakatanggap na rin ako ng isang mensahe.

“Hon, sorry, kaka-out ko lang, nag-over time ako. Nag-emergency leave yung isang crew dito kaya kailangan ko makipagchange ng schedule. Love you mwah. ”

Hindi siya nagpaalam sa akin. Biglaan naman yata yun. Napapansin ko na ilang araw nang madalang magtext at tumawag sa akin si James. Wala naman siyang nababanggit sa akin na problema. Malambing naman siya kapag magkasama kami. Ewan ko ba. Siguro parehas lang kaming maraming trabaho. Pero gumagawa naman ako ng paraan na magkita kami at makasama ko siya kahit na ilang saglit lang sa loob ng isang Linggo. Sa bawat oras, nagpapadala ako ng mensahe sa kanya, patago pa nga kasi bawal yun sa trabaho, ikakasesante ko kapag nahuli ako. Mag-aanim na buwan na kami sa makalawa. Kahit may pasok ako ay makikipagkita ako sa kanya, kahit walang tulog, pipilitin ko, magkasama lamang kami sa aming ika-anim na monthsary.

Hindi ko na mahintay si Dave, may susi naman siya. Sobrang inaantok na ako at hindi na kaya ng katawan ko ang magising pa…

Muli, nakita ko na naman ang bata. Papasok na siya sa bahay. Sinamahan ko siya. Hindi niya pa rin ako nakikita. Hinahatak ko ang kanyang mga kamay nguni’t hindi ko ito mahawakan. Walang tao sa bahay. Walang sino man akong nakikita maliban sa bata at ako. May bitbit ang bata na isang karton. Nararamdaman ko na alam ko ang laman ng karton na iyon, subali’t hindi pa rin ako nakatitiyak… Umakyat ang bata sa ikalawang palapag. Bukas ang ilaw sa isang silid. Dahan-dahan lumapit ang bata, sinamahan ko siya kahit na hindi niya ako nakikita…

“Bro, I’m home. May pasalubong ako sa’yo… balot!”

Ginising na naman ako ni Dave. Sa halip na magalit ako ay kinain ko ang binigay niya sa akin. Tamang tama, paborito kong kumain ng balot. Lalo na kung lalagyan ng suka. Noong una ay hindi ko alam na nilalagyan pala ng suka ang balot, akala ko’y asin lamang, tinuruan lamang ako ni James ng ganitong pamamaraan ng pagkain ng balot.

Habang kumakain ay tinanong ko si Dave, “Kamusta ang bar hopping?”

“Ok naman bro, nakita ko nga sila Miguel at yung friend niya”

“Ano namang ginagawa nila?”

“Nag-iinuman lang. Wait diyan ka lang, try ko siyang tawagan.” Lumabas ng kuwarto si Dave upang tawagan si Miguel. Naalala ko si Miguel, lagi siyang pinagmamalaki sa akin ni mama. Kasi kilalang chick boy. Buti pa si Miguel, may girlfriend. Ako, wala pa akong pinapakilala sa pamilya ko. Minsan pa nga napapansin kong pinaghihinalaan na nila ako na isa akong bakla. Karamihan sa mga kamag-anak namin maagang nag-aasawa. Ayun, andami nang mga anak. Hirap magpakain at magpa-aral. Kalimitan lumalapit pa sa akin upang hiraman ang pera panggastos dahil walang-wala na sila. Sa awa ko sa kanila ay pinapahiram ko naman, minsan hindi pa nga naibabalik sa akin. Ito namang si Dave, isang babae pa lang ang pinakilala kina mama, pero hindi naman sila nagtagal at hindi na naulit pa. Natroma na siguro sa babae dahil sinaktan lamang siya.

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking best friend na si Niel. Magmamadaling araw na at nagawa pa niya akong itext. Binuksan ko ito at binasa.

“Dude, you have to know something. It’s about James. Usap tayo soon. Thanks”

Napaisip ako. Gaano ba ito kaimportante na nagawa pa ni Niel na magtext sa akin nang ganung oras? Kaya tinawagan ko siya… Pero ang cellphone niya ay hindi ko na macontact. Marahil ay walang signal yun ngayon. Nasa Malate na naman siya, sumasayaw sa isang bar at nakikipaglandian sa kung kani-kanino. Naalala ko pa, yang si Niel ang unang nagturo sa akin kung paano gumimik. Hindi ko naman masasabing masamang impluwensya sapagka’t sa kabila ng mga paglalakwatya niya tuwing Sabado ay alam kong mabuti siyang tao. Kaya ko nga siya naging best friend. Matapos piliting tawagan si Niel ng makailang ulit ay inantok na ako. Pumasok na rin si Dave sa kwarto. Pinatay ko ang ilaw at kami’y nakatulog.

Kumatok ang bata sa pinto ng kwarto kung saan bukas ang ilaw. Mukhang walang tao. Naiwan lamang na bukas ang ilaw. Ilang metro mula sa nasabing silid ay naririnig kong may tubig na pumapatak. Tila may naliligo. May tao. Oo nga, may ibang tao sa bahay na ito.Naghintay ang bata sa labas ng silid. Kapansin-pansin na kung sino man ang pagbibigyan ng karton na iyon ay ang taong nakatira sa silid na … Bumukas ang pinto ng banyo…

Nagising ako na mag-iika siyam na ng umaga. Nakagayak si Dave, mukhang may pupuntahan. Ang sabi niya ay makikipagkita siya kay Miguel sa bayan, sa terminal ng bus. Hinayaan ko na lamang siya at nagpasabi ako na ikumusta na lamang niya ako kay Miguel. Nang umalis na si Dave ay tinawagan ko si James. Sinagot naman niya ang aking tawag subali’t nagmamadali siya papasok.

“Hon, nasa jeep ako, baka mahablot phone ko, bye, mwah”.

Linggo ngayon may pasok pa siya. Paiba-iba ang schedule ni James. Kaya bihirang magkataon na parehas ang rest day namin. Isang beses pa nga ay nagpunta ako sa bahay na inuupahan niya sa Quezon City kasi naglayas siya sa pamilya niya dahil nagkaproblema sila ng kuya niya. Alitang magkapatid, dahil matagal nang alam sa kanila na bakla siya at hindi ito tanggap ng kanyang kuya.

Habang kausap ko si James sa telepono ay tumatawag rin pala si Niel sa akin. Buti na lamang at naka-call waiting ako. Nang sasagutin ko na ang tawag ni Niel ay hindi ko na ito naabutan. Nagregister na ito sa aking voicemailbox.

Binuksan ko ang aking voicemail, tama, si Niel nga ang tumatawag sa akin kanina. Pinakinggan ko ang mensahe ni Niel na nagsasabing…

“Best, I have a news about your boyfriend. Si James. Kita tayo later. Usap tayo…”

(itutuloy…) sundan ang part 2

September 5, 2008

INVOICE: GLBT Advocacy Journal




INVOICE magazine will have its launching party at Bed Bar, Malate on September 19, 2008, 9pm. That would be a free entrance before 1am. I was invited so I will try my best to come.

From the website itself, below is the list of INVOICE' objectives:
  1. To provide an avenue in advocating the new image of the GLBT community as professional individuals with integrity by promoting success stories of GLBT individuals' businesses and their various endeavours, and by providing articles that can be related to both business and economy and GLBT culture. This is also a call for a change in the image of the GLBT population in the Philippines.
  2. To provide an inspiration and a call for action to all readers to become entrepreneurs and help in the growth of SMEs (Small and Medium-scale Enterprises) in the country.
  3. To provide GLBT individuals with real GLBT role models whom they can relate to.
  4. To provide an awareness on various serious GLBT issues in the Philippines.
Try visiting their website for more information:
http://www.3rdmedia.ph




September 3, 2008

LiveJournal Poems: Reconstructing my Teen-Age Secret Love for HIM

*****************************************
"UNTITLED"
[Sep. 17th, 200405:07 pm]

Sabi nila
“Masayang magmahal”
Ang sabi ko
“May minahal na ako”
Sabi nila
“Masarap mahalin”
Ang tanong ko
“May nagmahal ba sa akin?”
Ilang beses na akong umibig
Ilang ulit na akong nasaktan
Subali’t ang puso ko’y
Nauuhaw sa pagmamahal
Na hindi mo nasuklian
Ang aking Pag-ibig
Pag-ibig na balewala
Pag-ibig na sinayang
Pag-ibig na pinaglaruan
Masakit mang tanggapin
Ito’y aking tiniis
Nguni’t kinalabasan
Puso ko’y naghinagpis
Hanggang ngayo’y aking bitbit
Mga salitang binitiwan mo sa akin
Na may mahal ka nang iba
At hindi ako ang iyong irog
Gumuho ang aking mundo
Kay saklap
Kay hirap
Hindi na yata mabubuo
Pira-piraso kong daigdig
Na malapit nang magunaw
Kailan pa?
Kailan kaya?
Mawawala ang tulad mo
Sa aking gunita
Kay hirap
Nakakapagal
Mapapahilom pa ba
Ng panahon ang aking pusong sugatan?
Minahal kita
Higit kanino man.
Subali’t bakit
Bakit?Bakit ang kapalit ng aking pag-ibig
Ay hamak na pakikipagkaibigan?!


*****************************************
Panaginip
[Aug. 18th, 200411:13 am]

Ikaw ang laging laman ng aking panaginip
Sa tuwina'y naglalaro sa aking isip
Bakit? Bakit ba ako pinahihirapan
Nitong aking kakatwang nararamdaman
Araw-araw naman tayong nagkikita
Subali't lagi kang hanap ng aking mata
Nais kong laging hawak ang iyong kamay
Mahaplos ang buhok mong itim ang kulay
Oras-oras, bawat saglit, tila naririnig
Ang iyong natatangi at magandang tinig
Oh giliw ko, ako nga ba'y isang hangal?
Isang hunghang sa iyong pagmamahal?
Mamayang gabi..sa aking pagtulog
Sa Poong Maykapal aking idudulog
Na sa aking panaginip, ika'y makasama
Kahit sa paniginip lang, oh sana, oh sana
*****************************************
Darating ang umaga
[Sep. 17th, 200412:23 pm]
Inamin ko na nga na mahal kita
OO, mahal na nga kita
Subalit,
Maraming balakid
Maraming dahilan kung bakit hindi tayo dapat magsama
Sadya bang hindi tayo itinadhana ng Maykapal?
O kay lupit ng kapalaran
Nais ko man ay hindi pa rin maari
Paglalayuin tayo ng panahon
Panahong malapit nang dumating
Kahit na sabihin kong mahal kita
OO mahal na mahal kita
Hindi pa rin maari
May ibang nagmamahal sa’yo
Subali’t higit ang pagmamahal ko
Pag-ibig man ay iaalay
Tadhana na ang magpupumilit na tayo’y paghiwalayin
Kay hirap tanggapin
Darating ang isang umaga
Ikaw at ako’y magigising
Na hindi tayo magkikita
Mga mata nati’y di na magtatagpo
Dalisay mong tinig ay hindi ko na maririnig
Sa panaginip na lang ba kita mamahalin
May magagawa ba ako upang ang puso natin ay mapag-isa
Upang hindi na dumating ang umagang
Masama ang ibinabadya?
Mahal na nga kita
OO mahal na kita
Hindi ba’t halata naman!
Araw – araw, lagi kitang kapiling
Pintig ng puso ko’y
Iyo bang naririnig?
O sadyang nabibingi ka
Sa ibang taong nagpaparamdam na ika’y kanyang iniibig
Darating ang umaga
Hindi pag-asa ang dala
Subali’t pighati sa aking pusong
Ang tanging hinahanap ay ikaw na
Napalapit na sa aking kaluluwa
Darating ang umagang
Ang distansya nati’y dalawang daigdig ang pagitan
Subali’t dumating man ang umagang iyon
Aking sasabihin sa iyo
Mahal kita
OO, mahal na mahal kita…….
*****************************************

September 2, 2008

LiveJournal Repost: Bakit Ganun? (My Denial)


Hinanap ko ang aking livejournal account... Ang username ko pa that time is mystical_blue. Baklang bakla di ba. Since 2004 pa pala ako nagba-blog, sana apat na taon na pala akong nagsusulat. Pero, for me mas mabuti na 'to. Kasi ang account na iyon ay puro denial. Pagtanggi sa totoong pagkatao ko.

This is the concrete proof, try reading it:


****************************************************



Mystical_Blue (mystical_blue)
wrote,@ 2004-10-08 02:04:00



bakit ganun??

bakit kaya ganun?tanungin daw ba nila ako kung seryoso ako sa pinagsasabi ko na bading ako..wahahahahahahaha :)

Ito lang masasabi ko dun. Bahala na yung mga tao kung anong isipin nila sa akin. Kung iniisip nila na bading ako, bahala sila. Kasi hindi ko naman hawak yung paniniwala nila at sabihin kong mali ang iniisip nila di ba. Natutunan ko yun kay chastine, na I have to let them think what they want to think.

Kakaiba rin ang reaction nila Coco. Kasi si Chastine hinihintay na mag-Friday, eh may nagtanong kung bakit. Ang sabi ko, sa Friday, ikakalat ko na bading ako.. kaya ayun, tawa ng tawa sina Coco.. napatingin sa akin bigla.. wahahahahahah.. alam ko naman na noon pa eh ganun na ang tingin nila sa akin eh :) bahala na nga lang sila...



Bakit ako napagkakamalang bading:
* I am feminine (not a natural trait of a typical guy). Girly ako kumilos. Kung alam lang ng mga tao ang buong buhay ko, malalaman nila kung bakit ganun ako.... isa pa, madaldal ako. anong magagawa ko, it's my asset... :)

****************************************************

Perhaps I would be posting more of the reposts from my Live Journal Account how I lived in denial and loved secretly. If you were able to read the Lihim na Pagtingin: Goodbye My Assassin, mapapansin na ito rin ang emotions na mayroon ako.
****************************************************

August 31, 2008

Forwarded Email: They are so Gorgeous but...

This e-mail was forwarded to me by my officemate. Lahat sila namangha kasi Transgender lahat ng mga nag-gagandahang contestants ng isang beauty pageant sa Thailand. Grabeh, Thailand never ceases to amaze me... Enjoy the picture series below...








"The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams."
- Eleanor Roosevelt

August 27, 2008

Larawan (part9)

paunawa: bago basahin ang akdang ito ay basahin mo muna ang Larawan Part 8.

Hinawakan ko ng mahigpit ang pahayagan. Halos mapunit ito sa sobrang pagkakakapit ng aking mga daliri sa mga pahina. Dahan-dahang lumuluha. Binuklat at binasa kong muli ang nilalaman...

“Obituary “
“Eduard Miguel De Jesus”
“ May 14, 1985 to September 29, 2007”


Alam ko ang pangalang ito. Hindi ako maaring magkamali. Ito nga si Miguel. Eduard Miguel De Jesus ang kanyang tunay na pangalan, dahil hindi inilagay ng kanyang ina ang apelido ng kanyang Australyanong ama sa kanyang birth certificate. May kasama ring larawan ni Miguel ang nakalagay sa nasabing pahina ng pahayagan. Lalong tumindi ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang labis na paghikbi. Ang taong unang nagpatibok ng tunay na pagmamahal sa aking puso, wala na. At hindi ko na pala siya makakasamang muli gaya ng ipinangako niya sa akin. Bumaling ako kay Dave.

"Dave! Magtapat ka! Alam kong alam mo ang totoo! Patay na si Miguel!? Pinagmukha mo akong tanga Dave! Alam mong patay na si Miguel pero itinago mo sa akin ang bagay na 'to! How could you?! How could you!", pagalit kong bigkas kay Dave at sa labis na pagdadalamhati ay naihagis ko sa kanya ang dyaryong hawak ko. Hindi siya umiwas. Tumama sa kanyang mukha ang luku't lukot na payagan subali't siya'y nanatili sa kanyang kinatatayuan. Nakatungo. Walang imik. Napansin kong lumuluha rin siya. Niyakap niya ako habang umiiyak.

"I'm very sorry Macky. I didn't mean to", hindi ko magawang tingnan si Dave, nakatingala lamang ako sa dingding. Pinagmamasdan ang paggalaw ng kamay ng orasan at pinakikinggan ang pagtibok ng aking puso habang nagsasalita si Dave. " Yes, I know everything. Until his last breath, i kept a promise for him. And that is to keep you away from knowing the fact that he is dead. Until now that you unexpectedly learned the truth. Ayaw niyang masaktan ka Macky. I did him a favor, a dying man's request..."

Hindi ako makahinga dahil sa sobrang bigat ng aking nararamdaman. Akala ko ba'y nakalimutan ko na si Miguel at makakaya ko na siyang hayaang manatili sa aking nakaraan. Subali't ako'y nagkamali. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin pala siya na siyang lalong nagpahirap sa aking pagtanggap na wala na si Miguel. Naupo ako sandali. Hindi pa rin natitigil ang pagluha ng aking mga mata. Inabutan ako ni Dave ng isang basong tubig. Ininom ko ito. Dahan-dahan. Pumipikit ako habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa aking lalamunan. Nguni't sa halip na kadiliman ang makita ko ay imahe ni Miguel ang lumalabas.

Unti-unti ay nagawa ko ng makapagsalita..."Dave, I need an explanation... Please. Nagmamakaawa ako Dave. kailangan kong malaman ang lahat."

Kinuha ni Dave ang panyo mula sa kanyang bulsa upang punasan ang aking mga luha. Inilagay niya ang panyo sa aking mga kamay upang ako na ang magtangal ng mga natirang luha sa pisngi. At nagsalita na si Dave.

"Instead of you, ako ang sumama kay Miguel sa airport. Three hours before his flight we were there. Pero I can see in his face na balisang-balisa siya. Tinanong ko siya if there is something wrong but there's no reply. Magdadalawang oras na and hindi pa rin siya mapakali... Hindi ko na kayang tiisin ang ikikilos ni Miguel kaya tinanong ko siya sa huling pagkakataon. 'Si Macky ba?' at sumagot siya ng oo. And he did not utter anything again. Nahihirapan siya subali't kailangan niyang lumisan papuntang Australia. One hour before his flight schedule. Inaya niya akong lumabas. I asked him why, he did not respond, and we went out of the airport. Nagsulat siya sa isang maliit na papel and he told me to contact you and give you the sheet of paper."

Nagpatuloy si Dave at nakinig na lamang ako sa kanyang isinasalaysay...

"We went our separate ways . Umuwi muna siya ng Laguna to leave his things, send an e-mail to his dad na hindi na siya tutuloy sa Australia kasi he decided to stay, and ako, I went to Manila to fetch you... Nais ka niyang sorpresahin na hindi na siya aalis. Naisipan niyang magmotor na lamang papunta sa Manila para magkita kayo. Malapit na ako sa inyo when I received a call asking me if I am the cousin of Mr. Eduard Miguel De Jesus. The news came in, sinugod siya sa hospital due to an accident and he is in a critical situation. Sa halip na pumunta pa ako sa inyo at ipagtanong kung saan ka talaga nakatira, I rushed to the said hospital. I saw Miguel covered with blood. I tried talking with Miguel. He told me, 'Please take care of Macky for me...'. Hinawakan ko ang duguan niyang mga kamay. Ang huling sinabi niya ay 'Tell Macky how much I love him'. Wala na akong narinig pa galing sa kanya. Pinalabas na ako ng ward at naghintay" Habang sinasabi ito ni Dave ay nangingilid ang kanyang mga luha. Nararamdaman ko ang kanyang emosyon. Hindi lamang ako ang may matinding pagdadalamhati, ganun rin si Dave.

"Iniabot sa akin ng nurse ang narecover na cellphone ni Miguel. Napansin kong tumatawag ka. Hindi ko ito sinagot upang hindi mo malaman muna ang nangyari kay Miguel sa pag-asang malalampasan niya ang nangyari sa kanya. Ayokong mataranta ka. Nguni't wala pang ilang sandali ay pinatawag ako ng doktora. Wala na si Miguel. Patay na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kumala't na ang balita maging sa telebisyon hinggil sa nangyaring aksidente dahil nalaman kong may mga media na dumating. Ilang sagli't pa ay narinig kong tumatawag ka. Ang akala ko ay nabalitaan mo na ang nangyari. Pero hindi ko pa rin ito sinagot sa sobrang kaba ko."

Nagitla ako sa aking narinig at nagbalik sa akin ang lahat. Si Miguel nga. Siya nga ang lalaking napanood kong naaksidente subali't inilipat ko agad ang estasyon ng telebisyon dahil sa ayaw kong makarinig ng ganoong klaseng balita. Napakalaki kong hangal! Hindi ko man lamang namalayan na nawala na pala sa akin ang taong mahal ko dahil sa katangahang pinairal noong gabing akala ko'y pag-alis ni Miguel papuntang Australia. Nagawa ko pang magpakalango sa alak ng mga sandaling iyon. Muli ay hindi ko napigilang umiyak. Niyakap ako ni Dave habang siya ay umiiyak rin. Wala na akong ganang tapusin pa ang aking proyekto.

"Naalala mo ang sulat na ibinigay ko sa'yo noong una tayong magkita? Iyon ang sulat na ibinigay sa akin ni Miguel. Kaya napansin mong sulat niya iyon. Ang stuffed toy na rabbit ay siya talaga ang bumili, regalo niya sa iyo na ipapabigay niya sana sayo pagka-alis niya. Sa kanya nanggaling ang lahat Macky, pinalabas ko lang na sa package ito galing sa Australia. I'm sorry Macky, I had to lie... Forgive me." Pagpapatuloy ni Dave habang yakap-yakap ako.

"Samahan mo ako Dave, bukas na bukas din aalis tayo".


Nagpasya akong puntahan ang kinahihimlayan ni Miguel at sinamahan ako ni Dave. Ito ang hiling ng ina ni Miguel, na ilibing siya sa kanilang bayan. Hindi ako pumasok sa aking mga klase masilayan lamang ang puntod ni Miguel. Nagpaalam ako kay mama at ang sabi ko ay may class outing kami. Ayokong magsinungaling kay mama subali't kailangan. Hindi pa panahon na malaman ng aking pamilya ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao. Sinagot ni Dave ang aking pamasahe papuntang Legaspi City, Albay. Napatawad ko na rin si Dave sa pagpapanggap niya. Alam ko naman na hindi niya ito ginawa upang paglaruan lamang ako, bagkus, ginawa niya ito para kay Miguel. Mahaba-habang biyahe ito subali't kailangan ko itong landasin alang-alang sa isang sandaling makadalaw ako sa puntod ni Miguel...

Tinungo namin kaagad ang sementeryo. Wala masyadong tao, mangilan-ngilan lamang na dumadalaw sa mga yumao nilang mahal sa buhay, at ang supulturero na nagtatabas ng damo. Itinuro sa akin ni Dave ang puntod ni Miguel. Dahan-dahan akong naglakad sa madamong daan, wala pang araw ng mga patay, hindi pa masyadong nalilinisan. Madali naman namin itong natunton dahil hindi kalayuan sa pangunahing tarangkahan.
Tumayo muna ako sandali. Pinagmasdan ang lapida. Nakaukit ang pangalang Eduard Miguel De Jesus kasama ng kanyang araw ng kapanganakan at kamatayan. Inilapag ko sa puntod ang isang pirasong rosas at nagsindi ako ng kandila. Nanahimik sandali. Mataimtim akong nagdasal sa aking isipan.

"Miguel, kung saan ka man naroroon ngayon. Nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pinakamasasayang ala-ala. Ang unang lalaking nakapagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Kahit na hindi ito natupad dahil sa pagpanaw mo, masaya ako dahil nalaman kong mas pinili mo ako sa halip na sundin ang iyong ama. Kung ito ang kapalaran natin at itinadhanang hindi tayo magkatuluyan habang buhay... Malugod ko itong tatanggapin sa kabila ng matinding pighating naiwan sa aking puso..."

Matapos kausapin si Miguel sa aking isipan ay inilabas ko ang aming mga larawan. Hindi man ito ang orihinal na ibinigay sa akin ni Miguel ay sumasalamin pa rin ito sa aming mga nakaraan. Inilagay ko ito sa apoy ng kandilang nakatirik sa puntod ni Miguel.


Hinawakan ni Dave ang aking kamay upang pigilan ang aking ginagawa, "Anong ginagawa mo Macky?!"


"Nagpapaalam kay Miguel." tugon ko kay Dave habang nararamdaman kong pumapatak na naman ang aking luha.

"Hindi ko na kailangan ang mga larawang ito. Mananatili si Miguel sa aking isipan. Mas magandang sa puso ko na lamang siya hayaang mamuhay at hindi sa mga larawang ito..."

Pinagmamsadan kong magliyab ang mga larawan namin ni Miguel. Unti-unti, natutupok na ito ng apoy. Kasama nito ang paglaya ng aking puso mula sa kalungkutang bumabalot sa buo kong pagkatao dahil sa pagkawala ni Miguel. Tuluyan na itong maging abo at tinangay ng malumanay na ihip ng hangin. Hinawi ko ang mga tumulong luha sa aking mga mata. Tumalikod sa puntod ni Miguel at nilisan namin ni Dave ang pook ng kanyang himlayan. Muli sa aking isipan ay sinabi ko ang mga katagang,

"Paalam Miguel... Paalam.."


Matapos maganap ang lahat... Sa kasamaang palad, hindi naging kami ni Dave. Sa halip, kami'y naging matalik na magkaibigan. Tinanggap niya ang katotohanan na hindi ko siya magawang mahalin. Nguni't nariyan pa rin siya para sa akin sa oras na kailangan ko siya. Nagkaroon na rin siya ng sarili niyang kasintahan, at hanggang ngayon ay sila pa rin. Ako naman, nagsumikap mag-aral ng mabuti. Naghihintay pa rin ng lalaking muling magpapatibok ng aking puso na kagaya ng naramdaman ko kay Miguel. At lagi kong isinasaisip..

"Ang pag-ibig ay tila mga larawan. Nag-iiwan sa atin ng mga ala-ala. Mga imaheng nagdudulot ng ngiti sa ating mga labi o kasawian sa ating damdamin...

Hindi natin maiiwasan na sa kabila ng mga masasayang imahe nito, darating ang araw na kailangan nating tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanan na ito ay mga bakas na lamang ng kahapon dahil kailangan na nating mamuhay para sa kasalukuyan, at yakapin ang paparating na bukang liwayway patungo sa hinaharap ng ating buhay..."


(Wakas ng Rainbow Series Season 1: Larawan)


(Abangan ang Rainbow Series Season 2: Rosas)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...