July 21, 2008

Dear Kuya: My Live-In Partner

Dear Kuya Yffar,

Ang tawag ko po sa kanya ay Jhay-B at ang tawag niya sa akin ay BeeJay. Pero kapag nasa iisang bubong kami, ang tawagan namin ay "PA".

It all started started on the first week of May 2003. I met him sa isang birthday party ng barkada ko. After a week, nagkita na naman kami sa bahay ng isa ko pang friend sa Caloocan kasi fiesta sa lugar nila. I was working that time sa isang bank as a messenger, samantalang siya ay isang 4th year student.

Tumira siya sa house namin for almost a month at ang alam ng mga parents ko ay mag-best friend kami. One day, my dad entered the room and saw us kissing. Pinaalis siya ng dad ko and tinanong ako kung sasama ako sa kanya. I left our house just to be with him. We decided to rent an apartment and my mom helped me to look for one.

Sa una masaya, hanggang sa dumating yung problema na kinakapos kami ng panggastos. Worst of all, naranasan din naming hindi kumain ng isang araw. Hanggang sa we went to the situation na tumigil sa pag-aaral si Jhay-B upang makahanap ng trabaho. Nagkaroon siya ng job, pero sa kasamaang palad, natapos naman ang kontrata ko sa bangko.

Habang tumatagal... mas mabibigat na pagsubok ang aming pinagdadaanan. Away dito, away doon...

Lagi ko siyang nabubulyawan kasi inuumaga na siyang umuwi galing ng trabaho. Minsan, narindi siya sa akin at binugbog niya ako. Naglayas ako at natulog sa kalsada. Pagbalik ko sa nirerentahan namin, nadatnan ko si mommy na umiiyak. Naroon na pala siya upang sunduin ako.

Binawi niya ako sa mga magulang ko at nangakong hindi na mauulit ang pananakit niya sa akin. Nakumbinsi naman ang parents ko at hiinayaan na nila akong sumama sa kanya.

Isang taon ang lumipas at nakilala ko ang kanyang pamilya. Inalok kami na doon na lamang mamalagi upang higit na makatipid. Nanirahan kami sa kanilang house ng humigit kumulang dalawang taon.

Hindi naglaon, inuumaga na naman siya sa kanyang pag-uwi. Minsan pa nga maliligo na lamang siya at papasok na ulit. Hindi na ako nakakapaghapunan at nasasayang lamang ang mga pagkaing inihahanda ko para lamang sa kanya.

Isang araw, nalaman ko na nakikipagtalik pala siya sa iba. Sa simula ay hindi ako naniwala. Nguni't totoo pala ang mga tsismis sapagka't nakita kong may nakapatong sa kanya at doon pa mismo sa bahay kung saan kami nakatira. Hindi na lamang ako kumibo. Nagbulagbulagan. Umabot na lamang ako sa puntong gusto ko nang gumanti at nakipagrelasyon sa iba. Pero hindi ko magawang makipagsex sa taong iyon. Iba pa rin pala kung sa iisang tao lamang tumitibok ang puso mo.

Nag-usap kami at pinatawad ko siya. Nagpasya ako na kalimutan ang lahat ng aking nasaksihan at nagsimulang muli.

Panibagong dagok na naman ang dumating. Hindi ako makahanap ng trabaho. Sinumbat niya sa akin ang lahat ng ginagawa niya para sa amin. Madaming masasakit na salita ang kanyang binitawan.

Naghiwalay kami.

Nagbalikan.

Naghiwalay magmuli.

at nagbalikan na naman.

Mas tumindi ang awayan , nagsuntukan, nagkasakitan, at nagkarron pa nga ako ng mga pasa sa katawan at nadugo ang aking mga labi.

I decided na umuwi noong 2006, pero kami pa rin dahil mahal ko siya sa kabila ng mga pananakit niya sa akin.

Nagkatrabaho ako bilang isang sales clerk sa isang mall. Napunta lahat ng atensyon ko sa trabaho.

Ganoon pa rin, away dito, bugbog doon. At napag-isip isip ko na iwan ko na lang siya kahit sobrang mahal na mahal ko siya.

Bihira na kaming magkita at mag-usap noong 2007.

We decided to talk last May 26, 2007, our 4th anniversary and we came to the conclusion na we have to let go and start as being friends once again.

There was this instance na he paid 26 children to send me 26 Tulips sa house namin and in the end of the children falling in line, giving me flowers one by one, andun siya sa pinakahuli na may bitbit na bouquet ng bulaklak just to win me back. Kahit na tumutulo ang mga luha ko, alam ko sa sarili ko na it's too late.

Until now, nagkikita pa rin kami though hindi na kami ganun kaclose tulad ng dati. Still, he's always there for me when I need a shoulder to cry on tulad ng ipinangako niya sa akin.

Nagmamahal,
Toshio

4 comments:

i'm not sure if i'll be sad sa nangyari sa relasyon nila or i'll be happy na nabawasan ulit ang mga punching bags. ;)

at least magkaibigan pa rin sila sa ending...at wala nang umabagan.

yes, will add u to my link.

cheers!

Ay naki kafatid na Toshio...

Rytful ang ginawa mo...

He's not worth it. Kung wiz sya trulala sa kanya mga oprah, ay nako, hindi na dapat paniwalaan yung mga sinasabi nya.

Cycle lang ang lalabas dyan,
masaya kayo,
maghihirap kayo,
mangagaliwa sya,
magpapakamartir ka,
lalayas ka,
susuyuin ka nya,
ikaw si tanga, babalik ka sa kanya,
masaya nanaman kayo...

Ay the ring itu!

Tama ang ginawa mo baklerj, dapat magkaron din ng limit. Iparamdam mo sa kanya yung feeling na sinayang ka nya. Kahit na suyu-syuin ka pa nya, wag kang magpapakamartir ulet. Mahirap alam ko, pero yun lang ang paraan para maiayos mo ang buhay mo, at maiayos nya din yung buhay nyo.

Bottom line is, mahal mo muna sarili mo, bago mo sya mahalin. Minsan ang selfishness nakakabuti din. Kasi we all look as selfishness as a negative thing. But we all fail to consider, that being selfish is giving something to yourself.

Dear Toshi,

Alam ko naman na super love mo ang papable... pero sana from the start knowing mo kung paano gamitin ang brains bago ang heart.

nasasaktan ka na, dika pa naggigive up..

Minsan talaga kapag ang tao nagmahal, tanga.sorry sa term mare, pero yan ang reality. pasenxa ka,sayo pumana si cupido, at sa lalaking makakasakit pa sayo, not just emotionally, but physically as well...

sana from the start you left him, lalo na nung nakita mong may kachokaran siyang iba. naku, ang sakit nun, kung ako yun, guguho ang mundo ko...

he doesnt deserve you. yun lang yun.

mahal mo siya,mahal ka ba niya gaya ng pagmamahal mo??

just learn how to let go. and di ka na dapat pang magpadala sa emotions mo.

mahirap magpaaalam sa taong mahal mo. pero sobra na. tama na. dont give in.

ahihihihihih..

mwah..

nagmamahal..

Ate Charot.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...