July 30, 2008

Mae & Rio: Two Stories of Discrimination

Posted by Ate Pau ( Tue Jul 29, 2008 1:40 pm):
To most of us, this weekend would have been spent having fun, taking a rest and relaxing. Not to Mae and Rio, two women of transgender experience, who had to spend this weekend worrying about the coming week. Mae, who is just a week in training for a call center job, is afraid she might lose her recently acquired employment while Rio, who is on her third year in Nursing school, is agonizing about not being able to graduate despite doing well in school and just having a year to go. Both women are nervous about what the new week will bring. Both women are being punished for their transgender status.
MAE
When Mae attended her pre-employment orientation, she was informed that she could dress female as long as she followed the company’s dress code. So that’s exactly what she did. From Monday to Thursday last week, she dressed in business casual. On Friday, she wore a blouse over black pants and sneakers. Needing to use the bathroom upon arrival at work Friday afternoon, she rushed to the women’s bathroom as was her wont.
Five minutes later while powdering her face in front of the bathroom mirror, Mae heard the voice of a security guard ordering her to get out. The guard stood by the bathroom door barking reasons at Mae why she did not belong to the women’s bathroom. Shocked, Mae tried to explain to the guard that she was female. The guard was belligerent, however, and threatened her if she did not step out.
Humiliated and scandalized by the growing number of onlookers, Mae thought she had no choice. She left the bathroom in tears. Later, Mae’s trainer told her that the company had an unspoken rule that bakla employees were not allowed to use the women’s bathroom. Mae said that she understood that if by bakla the trainer meant men who identified as male and presented as such and were attracted to other males. Mae tried to explain that she did not identify as one and that her gender identity was female as evinced by how she presented in public. Moreover, Mae pointed out the company’s core values which included belief in diversity. Mae thought this explained the company’s allowance for employees to wear the clothing of the gender they identify as. If the company lets her dress as female because that’s how she sees herself and is seen by others, then why can’t she use the corresponding bathroom?
The trainer could not give Mae clear answers but promised Mae that she would do something about it. Mae decided to raise her concerns with the Human Resources (HR) department. Today, July 29, 2008, Tuesday, Mae is set to meet with HR. Mae is apprehensive about this impending meeting. This weekend it’s all that she could think about.
RIO
For five semesters, Rio attended Nursing school wearing the women’s uniform. All her classmates and teachers referred to her as Miss Rio and she looked forward to finishing her studies and becoming a nurse. Rio has spent the last five semesters happy in the university which her boyfriend also attends.
Sometime in July, after one of the security guards saw that Rio’s name on her ID was male, Rio was asked to go into the Office of Student Affairs (OSA). There the OSA Head discussed the next steps to take regarding Rio’s “true” identity. The OSA Head decided that from then on Rio should be addressed as male and required to wear the men’s uniform.
Rio protested and made it clear to the school official that she did not identify as male, which is why she did not once come to school as one. The OSA head argued that until Rio’s gender in her official documents remains unchanged, the school is officially treating her as a man.
Rio decided that her best recourse was to meet immediately with the President of the university to discuss her case. The President’s secretary scheduled a meeting for July 28, 2008, Monday. In the mean time, last Thursday, Rio showed up in school dressed as she had always been the last three years. The security guard, who let her in, in the past, now refused her entry. According to him, the OSA head left instructions to make sure that Rio came in wearing the prescribed uniform for male students. Feeling shamed and helpless, Rio just went back home. Already, she has missed two days of classes. This weekend, nothing else but her imminent meeting with the university President has been on her mind. Rio spent the last two days, restless, anxious and afraid. Like Mae, she fears for her future.
Education and employment remain the two crucial areas where Filipino transgender people struggle for full participation. Despite comprising a big chunk of the total population and being acknowledged as part of a culture that dates back to pre-colonial times, transgender citizens of this country continue to face hurdles in trying to finish school and being gainfully employed. It’s time to put a stop to this oppression. It’s time to open the doors to full transgender inclusion.

July 29, 2008

Tag-Ulan na Naman

Tag-ulan na naman
Sa aking pag-uwi
Binabaybay ko ang Karagatan ng Taft Avenue
Nararamdaman kong ang tubig sa aking sapatos
nagmimistulang aquarium
Sa tuwing ako’y tumatawid sa Pedro Gil River
Kailangan ko pang mag bayad ng Php.10.00
Toll Fee makatawid lamang sa kabilang ibayo
Doon ay makakasakay ako ng barko
Biyaheng Dakota Harizon Plaza
Dadaan ang naturang barko sa Ilog ng Nakpil
Dumurungaw ako
Kung may mga gwapo
Mga kalalakihang nakatambay
malamang tag-ulan
nagtatago ang mga nilalang ng karagatan
kaya mga palaka lamang ang makikita
Palakang kahit umuulan
ay naghahanap ng booking
Kapag nakarating na ako sa Kapuluan ng Leveriza
malapit sa Isla ng Manila Zoo
may mag-aalok ng,
“Boss, Side Car?!”
mas minamabuti kong maglakad na lamang
kahit bali na ang isang tangkay ng aking Japanesse Style Pink Payong
Habang naglalakad ay aawit ako na rock version
"Walking in the Rain"
o kaya
"I can Make it Through The rain"
Parang isang baliw
Ineengganyo ko lamang ang aking sarili
Dahil kinakalaban ko ang Habagat
Niyayakap ko ang bawat patak ng ulan
Nakakapagod ang paglalakbay
Sa tuwing nasa bahay na ako
at matutulog
Napakaalamig ng aking gabi
Kahit nakapatay ang electric fan
dahil ako’y mag-isa
walang kayakap kundi ang aking unan
Naghihintay ng mga text sa celfone
Ilang sandali na lamang ay papatak ang aking luha
Kasabay ng pag-ulan sa labas ng aming tahanan
Sapagka't sa tuwing umuulan
Maraming alaala ang nagbabalik
Malungkot...
At ako'y dadalawin ng antok
Kinabukasan...
Papasok na naman
Lalandasin ang mahabang karagatan
Nakikinig sa "Balasubas at Balahurang" Tambalan
Nag-aabang ng bahaghari sa kalangitan
Na magsasabing tapos na ang ulan
Ganito ang aking araw-araw na pakikipagsapalaran
dahil...
Tag-ulan na Naman
(emote lang)

July 25, 2008

Aim High TransPinay...

I have a lot of transgender friends. Yes, they dress, act, and speak like a real woman does. Most of them are even prettier than REAL girls, with emphasis on the word REAL. Defining what a transgender is, they are people people who are biologically born as males but emotionally and psychologically thinks that they are females, and vice versa. When they surgically changed their genitals, they are now called transexuals. Also, Gays and lesbians are different from transgenders. So many terms and but the bottom line is they are girls or boys trapped in an opposite genders' body. For more enlightenment, click on this link: LGBT Terms & Definitions.

How do we deal and be friends with them? Here are some of my personal tips based on my experiences with my transgender friends. We should acknowledge them by using the right pronouns in any conversation. Use SHE and HER and not HE, HIS, or HIM when referring to a male transgender. Also, call them by their preferred names and not with what is written in their birth certificates. If Paulo wants you to call HER Paula, don't dare call HER Paulo, otherwise, you'll receive a slap on your face. Never mention that SHE has male attributes. Please do not tell HER that SHE has an Adam's apple or she doesn't have any boobies, this might lessen HER self confidence. Maker HER realize that SHE is beautiful. We should treat them like real women with proper courtesy. Finally, when you are with transgender people, you should have deeper understanding and acceptance of who they are. I enjoy being with my transgender friends. Although they differ in identities. Some of them are very sophisticated and have deep personalities. But there are also those who keeps me laughing and I have no dull moments when they are around.

Presenting Dhel, obviously she's the one in the picture. She's one of my closest friends in our organization. Sobrang dami niyang insights about being a transgender. There are times na kapag nag-uusap kami eh bigla na lang niyang sasabihin na "ang ganda ganda ko noh". Hehehe. She definitely is. Isa sa mga natutunan ko sa kanya is "if you want to be respected, show them that you should be respected". Well, ang gusto niyang sabihin eh kung transgender ka, wag mong ipakita sa mundo na kabastos bastos ka. Bakla ka na nga eh. Siya kasi, kapag nanamit, sobrang simple. Hindi yung naka mini-skirt and kita pati kaluluwa. No matter how beautiful you are, if you won't act accordingly, pagiging tampulan ka talaga ng discrimination.

Some of the transgenders are actively fighting for LGBT rights in our country. Just like Ate Pau and Ate Sass who are both members of Ang Ladlad LGBT Party. Kapag nagsama ang dalawang ate ko na yan, super kwela ng tandem. There is also an organization which focuses on the needs of the Filipina transgenders and that is STRAP or the Society of Transsexual Women of the Philippines. Click on the links for more information about Ang Ladlad and STRAP.

One of the most obvious scenario in the LGBT community is the war between Transgenders and Discreet Gays/ Bisexuals. Kapag nakakakita ang mga discreet kuno ng mga transgender, ang reaction kaagad eh "Yuck EFFEM", however, kapag nakakita naman ang mga transgender ng mga padiscreet, bigla silang babahing ng malakas sabay sabi ng "PAMINTA!". Hopefully, mahinto na sana ang mga ganitong bangayan. Iisang komunidad lang po tayo, whether you're discreet, transgender, or kahit kalahating paminta at binabae, lahat tayo'y kapwa nakakaramdam ng hindi wastong pagtanggap ng lipunan...

July 21, 2008

Dear Kuya: My Live-In Partner

Dear Kuya Yffar,

Ang tawag ko po sa kanya ay Jhay-B at ang tawag niya sa akin ay BeeJay. Pero kapag nasa iisang bubong kami, ang tawagan namin ay "PA".

It all started started on the first week of May 2003. I met him sa isang birthday party ng barkada ko. After a week, nagkita na naman kami sa bahay ng isa ko pang friend sa Caloocan kasi fiesta sa lugar nila. I was working that time sa isang bank as a messenger, samantalang siya ay isang 4th year student.

Tumira siya sa house namin for almost a month at ang alam ng mga parents ko ay mag-best friend kami. One day, my dad entered the room and saw us kissing. Pinaalis siya ng dad ko and tinanong ako kung sasama ako sa kanya. I left our house just to be with him. We decided to rent an apartment and my mom helped me to look for one.

Sa una masaya, hanggang sa dumating yung problema na kinakapos kami ng panggastos. Worst of all, naranasan din naming hindi kumain ng isang araw. Hanggang sa we went to the situation na tumigil sa pag-aaral si Jhay-B upang makahanap ng trabaho. Nagkaroon siya ng job, pero sa kasamaang palad, natapos naman ang kontrata ko sa bangko.

Habang tumatagal... mas mabibigat na pagsubok ang aming pinagdadaanan. Away dito, away doon...

Lagi ko siyang nabubulyawan kasi inuumaga na siyang umuwi galing ng trabaho. Minsan, narindi siya sa akin at binugbog niya ako. Naglayas ako at natulog sa kalsada. Pagbalik ko sa nirerentahan namin, nadatnan ko si mommy na umiiyak. Naroon na pala siya upang sunduin ako.

Binawi niya ako sa mga magulang ko at nangakong hindi na mauulit ang pananakit niya sa akin. Nakumbinsi naman ang parents ko at hiinayaan na nila akong sumama sa kanya.

Isang taon ang lumipas at nakilala ko ang kanyang pamilya. Inalok kami na doon na lamang mamalagi upang higit na makatipid. Nanirahan kami sa kanilang house ng humigit kumulang dalawang taon.

Hindi naglaon, inuumaga na naman siya sa kanyang pag-uwi. Minsan pa nga maliligo na lamang siya at papasok na ulit. Hindi na ako nakakapaghapunan at nasasayang lamang ang mga pagkaing inihahanda ko para lamang sa kanya.

Isang araw, nalaman ko na nakikipagtalik pala siya sa iba. Sa simula ay hindi ako naniwala. Nguni't totoo pala ang mga tsismis sapagka't nakita kong may nakapatong sa kanya at doon pa mismo sa bahay kung saan kami nakatira. Hindi na lamang ako kumibo. Nagbulagbulagan. Umabot na lamang ako sa puntong gusto ko nang gumanti at nakipagrelasyon sa iba. Pero hindi ko magawang makipagsex sa taong iyon. Iba pa rin pala kung sa iisang tao lamang tumitibok ang puso mo.

Nag-usap kami at pinatawad ko siya. Nagpasya ako na kalimutan ang lahat ng aking nasaksihan at nagsimulang muli.

Panibagong dagok na naman ang dumating. Hindi ako makahanap ng trabaho. Sinumbat niya sa akin ang lahat ng ginagawa niya para sa amin. Madaming masasakit na salita ang kanyang binitawan.

Naghiwalay kami.

Nagbalikan.

Naghiwalay magmuli.

at nagbalikan na naman.

Mas tumindi ang awayan , nagsuntukan, nagkasakitan, at nagkarron pa nga ako ng mga pasa sa katawan at nadugo ang aking mga labi.

I decided na umuwi noong 2006, pero kami pa rin dahil mahal ko siya sa kabila ng mga pananakit niya sa akin.

Nagkatrabaho ako bilang isang sales clerk sa isang mall. Napunta lahat ng atensyon ko sa trabaho.

Ganoon pa rin, away dito, bugbog doon. At napag-isip isip ko na iwan ko na lang siya kahit sobrang mahal na mahal ko siya.

Bihira na kaming magkita at mag-usap noong 2007.

We decided to talk last May 26, 2007, our 4th anniversary and we came to the conclusion na we have to let go and start as being friends once again.

There was this instance na he paid 26 children to send me 26 Tulips sa house namin and in the end of the children falling in line, giving me flowers one by one, andun siya sa pinakahuli na may bitbit na bouquet ng bulaklak just to win me back. Kahit na tumutulo ang mga luha ko, alam ko sa sarili ko na it's too late.

Until now, nagkikita pa rin kami though hindi na kami ganun kaclose tulad ng dati. Still, he's always there for me when I need a shoulder to cry on tulad ng ipinangako niya sa akin.

Nagmamahal,
Toshio

July 20, 2008

Freudian Psychology: Nature at its Finest

I received this e-mail. Sobrang tawa ako ng tawa sa mga pictures na toh. What do they resemble ba? Hindi ko kasi alam eh. Inosente pa utak ko sa mga ganyang bagay. Hahaha.








July 18, 2008

Where's the Intensity 8 earthquake?!



~~~~~~~~~
1. I knew it, hindi siya totoo. Keme keme lang yung jijierang prophet na nagpredict na magkakalindol na sobrang lakas dito sa Pilipinas. Parang chismis, ambilis kumalat. I was awake from 12 midnight until now and literal nga na wala akong tulog. Hindi ko naman inabangan yung lindol di ba. Hehehe. Nagkataon lang na kailangan kong tapusin ang maraming bagay sa bahay. Pero if magkatotoo yun, ang gusto ko, magkasama kami ng taong mahal ko.

~~~~~~~~~
2. I tried changing the lay-out of my blog kanina. Siyempre naninibago pa kasi Education Major naman po ako at walang masyadong alam sa mga HTML eklat. Anyways. Nagdownload ako sa site ng mga blog lay outs. Damn. nawala lahat ng page elements na pinaghirapan ko. Including yung mga links ng mga blogger na binabasa ko yung mga post every day. Natense akesh ng bonggang bonga. Napilitan akong mag-online hanggang madaling araw para lang bawiin lahat ng dapat ibalik sa blog. Ayan, intrimitida kasi ang lola mis. Pero infairness, ang ganda ng kinalabasan ng bagong lay-out. Konting common sense lang pala.
~~~~~~~~~
3. Nandito ako sa computer para maglaro sana ng Cabal. Kaso hindi ako makasingit kasi madaming addict at busy lahat ng servers. Hindi rin ako makalaro ng Dota kasi wala naman akong kalaban. Kaya here I am, nag-aayos lang ng blog.
~~~~~~~~~
4. At first gusto ko magpost lang ng magpost sa Blog. Kaso naisip ko na , if magpopost ako, sana yung may sense. Kung wala na akong maisip, dapat something funny para kahit papaano may magbasa. Hehehe. As of now, wala na nga akong maisip na itype kasi borlogs na ako. Para akong may hang-over.
~~~~~~~~~
5. Kanina pa ako nakakarecive ng mga text messages na nagsasabing na suntukan daw kami. Abah, hindi ako mahilig sa digmaan. Ang last na pakikipagsuntukan ko is nung Grade 5 pa ako. Nang malaman ko, current boy friend pala yun ng x-girl friend ko. Mukhang galit na galit. Bakit? Dahil ba bakla ako? Silahis nga pala. Ayan, If na boogie akesh at hindi na nakapag-update dahil bali ang braso ko... Ayan.. Alam mo na what happened to me.
~~~~~~~~~
6. At nagsama sama na nga ang TRES CHISMOSAS ng baranggay namin. At sinong topic? Malamang kasama akesh. Nakikita daw ako sa malate humahada? Kaya wala daw akong pera. Hallur! Tanga ba ako para gawin yun. I don't need to pay for sex, I can have it any time I want If sobrang desperado ako no. May MIRC at Yahoo chat naman. Isa pa, how can they say na humahada ako eh nakita ba nila akong nagdadasal na may nakatambad na pumipintig na saba sa mukha ko? Ang buhay na naman parang life.
~~~~~~~~~
7. Habang nag-eencode ng mga changes ng blog na toh, napansin ng mga katabi kong gamers na may kakaiba akong way sa pagpress ng ENTER. Isipin nyo na ang pinangpipindot ko ay ang aking middle finger, nakapilantik ang index finger, at nakabaluktot ang aking small finger. Imagine the picture. hahaha. Di ko mapigilang tumawa kasi ginagaya nila yung ginagawa ko sa pagpress ng Enter sa keyboard.
~~~~~~~~~
8. Dahil sobrang antok na ako, I have to press PUBLISH POST para makauwi na ako. I don't own a PC kaya rent lang muna akechiwa. Notice to the PUBLIC: If may mga grammatical at typographical errors ako, pakipost na lang sa comment. Hindi ko na babaguhin yung post na toh pero para matawa ako na kung ano anong pinagsusulat ko habang nananaginip na.
~~~~~~~~~

July 16, 2008

My Pink Goverment

President na ako ng Pilipinas? Di nga? Hindi ako makapaniwala. 21 years old pa lang ako para maging pangulo ng Pinas. Aba! Winner ang lola nyo. At least natalbugan ko ang Nepal na may first politician lang. Eh akesh, first leader ng buong bansa. Hindi lang sa Asia nakapagbreak ng record, maybe sa buong mundo pa di ba?! Biruin mo yun, hindi lang si Pacqiao ang nagbigay ng karangalan sa bansa, ako rin na isang bading. May world record na, title holder pa.

Mahirap yata ang katungkulan bilang isang pangulo. Hindi na akech makakaparty sa Malate kapag Sabado kasi baka may mga magbanta sa aking buhay. At kung papayagan man nila, baka may kasamang Presidential Body Guards pa. Hays.. Hindi yun enjoy. Well, that would be the price to pay if you will become a public servant. You really have to sacrifice a lot of personal happiness and focus on the responsibilities vested upon you. Naalala ko si Princess Emeraude sa anime na Magic Knight RayEarth, bilang haligi ng Sipiro, kailangan nyang magdasal para sa ikabubuti ng lahat ng nasasakupan niya, at kinailangan niyang iwanan ang lahat ng personal na kaligayahan. Boring din ng buhay niya di ba. Kung lahat sana ng pulitiko ay kagaya ng prinsesang ito, kahit 70% lang ng pag-layo sa pansariling kapakanan, do you think uunlad ang Pilipinas? Aba oo siyempre naman. Mawawala ang graft and corruption na siyang hadlang sa pag-asenso ng bayan natin.

Ano kaya ang mga presidential decrees na ipapatupad ko? Hmmm. Una sa priority ko ang Anti-Discrimination Bill na hanggang ngayon ay ipinaglalaban namin. Kailangang alisin ang maling pakikitungo sa mga miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community. Kailangan nating maisakatuparan ang naturang batas dahil makakamit lamang natin ang tunay na kasarinlan kung may pantay pantay na karapatan kahit ano pa man ang iyong kasarian. Let’s face it, hindi lang racial discrimination ang talamak noh, pati ang gender discrimination. Hahayaan ba nating may mga lesbiana pang ipagahasa ng kanilang mga magulang? Oh ang pagbugbog sa mga bakla dahil hindi matanggap kung ano sila? Ang masigawan nga lang na BAKLA oh TOMBOY eh isang uri na ng diskriminasyon. Kailangan na itong matigil. As in now na! Kalaboso ang hatol sa mga magdidiscriminate sa atin.

Mukhang mahirap tanggapin sa konserbatibong konteksto ang “same sex marriage”, kung hindi ko man ito maipatupad, ipagpipilitan ko pa rin ang pagsulong nito. Sa aking point of view, hindi lang ito para maging legal ang samahan ng mag-asawang bahagi ng LGBT Community, magkakaroon din sila ng sense of security at upang makapamuhay ng normal. Hindi lang mga straight ang may karapatang umibig at mabuhay na kasama ng taong mahal nila, lahat tayo ay may pusong pwedeng tumibok sa kung sino man ang naisin nito. Mahaba habang debate ito at kailangan kong mapag-isa ang sangkabaklaan sa Pilipinas upang ipakita sa buong bansa na maraming nag-aasam ng ganitong uri ng kalayaan. Kung hindi talaga papayagan, e di fly ako sa California at maging citizen nila at doon magpakasal. Ang problema lang, hindi ko kayang iwan ang bansang Pilipinas, mahal ko ang bayan ko, kaya hanggang kaya ko, dito pa rin ako magsasabi ng “I DO” sa FIRST GENTLEMAN ko.

Sa aking pamamahala, magkakaroon ng Center of LGBT Affairs. Ito ang bahagi ng pamahalaan na tutulong sa mga batang pinapalayas ng mga magulang dahil sa sila ay bakla o tomboy. Kung maari ay ika-counsel ang mga naturang magulang upang mahalin kung ano man ang kanilang mga anak. At kapag hindi pa rin nila mayakap ang kapalaran ng kanilang mga supling, mga surrogate parents na muna ang mag-aaruga sa kanila hanggang sa sila ay lumaking responsableng bakla na kayang tumayo sa sariling mga paa. Isa pa sa mga programa ng naturang center ay ang pagpapalawak ng mga Home for the Aged na nakafocus sa mga matatandang bakla at tomboy dahil hindi naman lahat ng matatandang LGBT ay may mga pamilyang mag-aalaga sa kanila.

Gusto kong maintindihan ng lahat ng Pilipino kung ano ba talaga ang mga gays, lesbians, bisexuals at transgenders. Tamang edukasyon lang ang kailangan ng mga mamamayan upang maunawaan nila ang aming nararamdaman. Kung ano ba talaga kami. . Before ay kasama kami sa mga may abnormal behaviors, well, studies proved that we’re not. Kami’y mga normal na tao na gusto ring mamuhay ng normal. As much as possible ay nararapat na maisama ito ng Department of Education sa mga kurikulum ng mga mataas at mababang paraan.

Pagyayamanin ng aking administration ang mga hanapbuhay na related sa mga LGBT. Kung tutuusin talented ang mga taong kagaya ko at gagamitin ng bansa ang kanilang talino upang maiangat ang ekonomiya ng Pilipinas.

Oh di ba! Bonggang Bonga ang aking Pink Government. Hindi ko naman babaguhin ang Pambansang Wika mula Tagalog at magiging Gay Lingo, gawing rainbow ang kulay ng watawat, aawitin tuwing flag ceremony ang “Through the Fire” or “Shine” bilang national anthem, at ipoproklama na ang bagong pambansang bayani ay si Danton Remoto. Ang aking plataporma ay nakatuon sa pagpapalawig ng equal rights at pagsagot sa kahirapan.

Teka. Bakit may naririnig akong ring tone. Paulit-ulit. Nakakabingi. Alarm clock lang pala ito ng aking mumurahing cellphone.

At nagising na nga ako. Panaginip lang pala ang lahat. Isang panaginip na sana ay maisakatuparan. Hindi man sa aking kapanahunan ay matamasa sana ng mga susunod na henerasyon ng mga bakla at tomboy ng bansang aking kinabibilangan.

July 12, 2008

Echos: My Coming Out Story

Paulit-ulit akong naglalabas masok sa pinto ng aking silid. Balisa at hindi mapakali.

“Nay”, aking sambit habang nakatingin kay nanay.

“Bakit?”, kanyang tugon.

“Ah, wala..”, sabay pumasok ako ulit sa kwarto.

Ilang saglit ang lumipas…

Sa maka-apat na ulit lumabas ako ulit ng aking kwarto.

“Nay?”, pang-ilang beses ko ng pagtawag sa aking ina.

“Hmm… May sasabihin ka 'no?”, habang nag-aabang siya sa kung anumang ibubulalas ng aking bibig.

Matagal kaming nanahimik. Nakatitig sa isa’t isa. Hanggang sa bigla akong nagsabi ng..

“Nay, may bisita po ako mamaya, BOY FRIEND ko”

“Bakla ka?!” pabigla niyang tanong

Wala na lamang akong nagawa kung hindi ang tumango na tanda ng aking pag-amin. Noong mga oras na iyon ay handa na ako sa kung anumang reaksyon ang maipamamalas ang aking ina. Ako ba’y sasampalin… palalayasin… o di kaya’y pagsasalitaan ng masasakit na kataga.

“Matagal ko ng alam. Bata ka pa lang nararamdaman kong lalaki kang ganyan.”, wika ng aking ina.

“Hindi ka galit?”, tanong ko sa kanya

“Bakit ako magagalit? Wala na akong magagawa kung ano ka man ngayon. Tanggap kita bilang ikaw.”, Matapos nyang sabihin ang mga bagay na iyon ay niyakap niya ako. Sobrang higpit. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Ang mga luhang pumatak sa aking mga mata ay sobrang nakagaan sa bigat na aking pasan pasan noong ikinukubli ko pa ang aking tunay na pagkatao.

“Nay, anong oras ka papasok, papakilala kita sa boy friend ko, sabay tayong mag-lunch”, aking paanyaya sa kanya.

Subali’t hindi na sila nagkatagpo ng aking kasintahan noong araw na iyon sapagka’t maagang pumasok ang aking inay sa kanyang trabaho at medyo tanghali na ng makarating sa Maynila ang aking boy friend na nanggaling pa sa Laguna.

Simula noon…

Lagi akong tinatanong ng nanay kung saan ang rampa ko. Tuwing Sabado ay alam na kaagad niya na laman ako ng Malate. May mga okasyon pa nga na sumasama siya sa gimik naming magbabarkada sa mga bars.

Naaalala ko pa noong bata ako…

Tuwing tinatawag akong bakla dahil medyo malamya nga akong kumilos, lagi akong tumatanggi. Hindi ko naman talaga masabi kung ano ba talaga ako. Mangmang pa ang aking isipan sa mga bagay bagay ukol sa aking kasarian. Lagi pa nga akong nakikipag-away na minsan ay humahantong sa baranggayan. Sa kabila ng lahat, wala ng ginawa ang aking inay kung hindi ipagtanggol ako sa mga taong iyon.

Nasubukan kong mamuhay na parang tunay na lalaki. Sumasama ako sa tiyuhin ko sa ibang bayan para magkabit ng kable ng kuryente. Nagpipintura at nagkakarpentero din ako kasama ang aking tatay. Nagmahal din naman ako ng babae. Lahat iyon ay nagawa ko na. Nguni’t hindi pa rin ako nasiyahan. Hindi ako ito. Ibang mundo ang nais kong galawan…

Ngayon….

Masaya ako bilang ako…

July 11, 2008

Dear Kuya: My First Bisexual Buddy

Dear Kuya Yffar,

I just want to share how I met my first boy friend and kung paano ako naintroduce sa mundo ng Bisexuality. It happened noong first year college pa lang ako sa Letran. Laboratory Class namin yun tapos ako ang last person to go out of the room kasi may mga inayos pa akong mga gamit. Out of my knowledge, may nag-aabang pala sa akin sa hagdan. Si Jay, hindi niya totoong pangalan. Kinorner nya ako sa pader then niyakap niya ako bago hinalikan. Sa pagkabigla ko, nasapak ko siya at tinanong ko kung bakla ba siya kasi sa pagkakaalam ko ay may girl friend siya noong mga panahong yun. Inamin niya sa akin na matagal na niya akong gusto at noon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin at iparamdam sa akin.

After niyang sabihin sa akin yun, derecho na siyang umalis. Nung umuwi ako sa dorm ng mga ka-varsity ko. Nakahiga akong tuliro at balisa. Naguguluhan dahil nung hinalikan niya ako, parang may “spark”. Nararamdaman ko pa rin ang halik niya. Sa kakaisip tungkol sa kanya, unti-unti na lamang akong nakatulog.

Kinabukasan, mga 9am at practice naming mga varsity. Nagpunta ako ng gym para magpalit ng damit. Pagkabukas ko ng locker ko, may nakita akong rose at may note na, “meet tayo outside ng gym”. Lumabas ako ng gym gaya ng instruction sa letter, at nandoon nga si Jay. Nilapitan niya ako tapos sinout niya sa left paa ko ang anklet na may combination ng mga kulay na pula na sumisimbolo ng kanyang puso, puti para sa purity ng nararamdaman nya para sa akin, at kulay blue na nagpapakita ng maharlikang pangtrato siya sa akin. Tinanong niya ako kung maari akong maging boy friend niya. Sa curiosity ko, kaya sinagot ko siya at nagging kami nga.

Since then, lagi na kaming sabay kumain at naghihintay siya sa akin kapag matatapos na akong magpractice. And siyempre nanood kami ng movies na kaming dalawa lang. Umabot kami ng mahigit isang taon. Hindi kami nagtagal sa kadahilanang kailangan na niyang magmigrate sa Canada kasama ng kanyang family. Malungkot at matinding iyakan ang nagyari.

One week bago siya umalis, Nagdinner kami sa Antipolo. Kitang-kita namin ang mga ilaw ng Metro Manila. Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko noong gabing ‘yon dahil kasama ko siya subali’t sa kabila ng aking isipan ay ang kanyang paglayo.

Tuluyan na nga kaming nagkahiwalay. Nagcha-chat at nagpapadala kami ng e-mails sa isa’t isa sa loob ng dalawang buwan. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nagdesisyon na itigil na ang relasyong namamagitan sa aming dalawa.

Magkaiba na ang landas naming tinatahak. Ako ngayo’y may bago ng nobyo at nagsisikap sa pag-aaral. Ang huing narinig ko sa kanya’y mayroon na siyang sariling pamilya at may dalawang anak.

Ito ang istorya ng aking unang pag-ibig sa kapwa lalaki. Masaya sa simula subali’t hindi happy ang ending. Pero kahit ganun, sobrang memorable at hinding hindi ko malilumutan kalian man.
Lubos na Gumagalang,

Steve

July 5, 2008

Ang Lihim ni Antonio

This summary is not available. Please click here to view the post.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...