Busy.
Yan ang status ng buhay ko ngayong buwan ng Oktubre. Matagal-tagal rin bago ako makapagpost ng bagong katha sa blog na ito. Kahit ang makapagsurf sa internet ay isang bagay na mahirap magawa sa dami ng trabahong dapat asikasuhin. At siyempre, ang serye ng mga kaganapan sa aking buhay na halos ikawindang ng lola nyo.
Episode 1: Ang Pagkasira ng Laptop
Oh yes, napakabait sa akin ng kapalaran at nagulat na lamang ako na sira pala ang aking laptop. Kinailangan itong i-reformat at nabura lahat ng files kasama na ang 46 pages na online meeting ng Rainbow Bloggers Philippines at ang aking mga entries para sa Rosas. Unfortunately, wala akong draft mga ito dahil derecho sa pageencode ang aking mga ginagawa. Mabuti na lamang at naayos ito ng aking workwate na IT master. Kaso, nakakahinayang lahat ng porn videos at nude pictures na pinakatago-tago.
Episode 2: Ang Aking Resignation at Pagbabalik Eskwela
After three years na tumigil ako sa pag-aaral, ako'y magbabalik na ulit sa DLSU-Manila and the price I have to pay is resigning to my current job. Anjoray. Lagi akong absent sa work para asikasuhin ang aking returnee status. Andaming cute guys, nakakalula. Hahahaha. Kaya ayon, pagkabalik sa work, kailangang i-back track lahat ng pending. Anyways, super mamimiss ko lahat ng workmates ko, kasi napamahal na sila sa akin. Ang sabi ko na lang sa kanila, babalik balik ako sa office namin para magtinda ng AVON.
Episode 3: Ang Iba't ibang Organisasyon
Malapit ng mag December, hindi dahil malapit nang magPasko, malapit na kasi ang Pride March at kailangan kong makahanap ng mga dadalo at magmamarcha. Lalakarin ko rin ang SEC registration ng GABAY, ang aking organization. May Sports Fest pa akong aayusin sa November. Daming deadlines na hinahabol. Pero kaya ito, isa akong bakla, lalong tumatatag kapag napapasubo!
Episode 4: Ang aking karamdaman sa Puso
Sa sobrang daming ginagawa, hindi na ako makapagpatingin sa doctor. Lagi kasi akong nakakaranas ng paninikip ng dibdib at pananakit ng batok. Mukhang high blood nga ata ako. pero hindi ito maaari, ang hula sa akin ay mamamatay ako sa edad na 60, at tatandang mayaman, hindi kagaya ng kaibigan ko, ang hula sa kanya ay mamatay siya ng wala pang 30. Hay naku, ibig sabihin, kailangan niyang mamatay bago mag 3o para yumaman ako? Hahaha. Hula lang yun, pero nagkatotoo kasi lahat ng hula niya sa akin gaya ng pagreresign ko sa Call Center two years ago. Ay, ang di lang ata magkakatotoo, ay ang hula sa akin na magkaka-apo ang mga magulang ko sa akin. Sorry sa aking ama at ina, wala po akong matres.
Episode 5: Ang Paghahanap ng Mga Nawawalang Wala
Bago ako umalis sa kumpanya, kailangan walang back log, kaya lahat ng mga dokumento ay kailangang ma-endorse. Kaya ang oras ko ay nakatuon sa pageendorse. Kasama na rito ang mga nawawalang dokumento, na hindi ko na naman dapat problemahin pero nahanap ko. Nakakaloka rin ang paghahanap ko sa mga papeles na ibinigay daw sakin subalit wala naman sa mga files ng aplikante. Aba, nawindang ako sa kakahanap, wala naman pala talagang ibinigay sa akin, nasa aplikante pa rin, kasi xerox lang ang ibinigay. Che. Ayan, nakahanap ako ng wala.
Episode 6: Dobulyu Dobulyu Dobulyu Dat Rainbow HaloHalo Dat Com
At after ng post na itech, ang pamamahinga ng Diwata ng Bahaghari ay nagwakas na...
P.S.At siyempre, salamat sa mga bumoto sa akin sa TiTi Awards. May Titi na rin ako! Winner
Balik Blogging na ulit akesh!
ECHOS!