
Tuwing aking gugunitain ang lumipas na panahon, nagbabalik sa aking balintataw ang kaharian ng Encantadia. Ang daigdig na puno ng salamangka at kababalaghan na umiikot sa istorya ng Pag-ibig, Paghihiganti, at Pakikipagsapalaran ng apat na Sangreng nagtataglay ng mahihiwagang brilyante.
Ang mga bakla ay nag-aagaw sa titulo kung sino ang tunay na Alena, Pirena, Danaya, o Amihan. Subukan nilang agawan ako sa titulo ni Amihan, makakatikim sila ng bangis ng buhawing mula sa eredera ng Brilyante ng Hangin....